Chapter 1: "The Mystery Girl"
Pagdating ko palang sa isang mall sakay ng aking kotse, nakita ko na kaagad yung mga taong nagkakandarapa para lang makita ako na naghihintay sa labas ng mall. Yung iba may dalang tarpaulin at may mga tumitili rin. Paglabas ko ng sasakyan mas lumakas pa ang tilian at sigawan ng mga fans ko. Andaming magagandang babae at syempre may mga bading.
By the way ako nga pala si Jay Scott Vergara, 17 yrs. old, maputi, 5'8, singkit, may magandang pangangatawan, at syempre single.
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng mall upang magmall show,"Papa Scott!!"
Paglingon ko sa direksyon kung saan may tumawag sa akin. Nagkakagulo na pala at papunta na sa akin yung mga babae't bading. Kumaripas ako ng tumakbo upang makatakas sa mga fans dahil alam kong bugbog sarado ako kapag naabutan nila ako. Takbo rito, takbo doon at may nakita akong babaeng tumatakbo pero hindi ko makita ang mukha dahil nakafullbangs yung buhok nya, at hindi ako napansin na nakahandusay na pala yung babaeng nakafullbangs.
"Miss, nasakatan ka ba?", tanong ko sa kanya
Hindi sya sumagot sa tanong ko at dali-dali syang tumayo at naglakad papalayo sa akin,
"Sandali!! Anong pangalan mo?" Tawag ko sa kanya at binilisan ko ang lakad para maabutan ko sya pero paglinga ko ulit sa kanya ...
"Saan na kaya yun?"sa isip ko.Hinanap ko yung babaeng fullbangs, pero nabigo ako, wala na talaga sya, hindi ko man lang nalaman yung pangalan at nakuha yung number nya. Pumunta na ako sa Mall Show ko at makalipas ang apat na oras ay natapos na rin. Pumunta na ako sa may parking lot upang makasakay na aking kotse pero dadaan muna ako sa isang gift shop para mabilhan ko si mommy ng pasalubong. Andito na ako sa sa may gift shop at nag-iisip ako kung ano kaya ang pwede kong ipasalubong kay mommy. May lumapit sa akin na may-ari ng gift shop.
"Sir Scott, ano pong bibilhin nyo?" Yung May-ari.
"ah, kilala mo pala ako.." Ngiti kong sabi."wala kasi akong maisip at mapili kung anong pwede kong iregalo kay mommy eh", Dagdag ko pa.
"ah sir ito pong bouquet of red rose tsaka Dream Catcher"yung may-ari,
"oo nga, mukhang ang gaganda ng mga red rose na yan ah, sige ayan nalang ang bibilhin ko, pakigandahan po yung pag-arrange huh" Ako
"Ok po sir, siguradong magugustuhan yan ng mommy nyo", yung may-ari.
Nang nakalabas na ako sa gift shop ay nakita ko na naman yung babaeng nakafullbangs,
"Miss, Sandali!! ano ang pangalan mo ??!!"ako habang karipas na tumatakbo papunta sa kanya.Kahit babae sya ang bilis nyang tumakbo, napahinto ako dahil sumakay na sya ng Taxi.
"Pag nakita ulit kita sisiguraduhin kong hindi na kita papakawalan"sa isip ko.
Andito na ako ngayon at nagmamaneho na para makauwi na ako at makita ko na ulit ang mahal na mahal kong Ina. Nakarating na ako sa bahay at binigay ko yung susi sa driver namin upang igarahe ito. Mabilis akong pumasok sa bahay at pumasok sa loob ng kwarto ni Mommy, dahil sabik na sabik na akong makita at mayakap ang aking butihing Mommy.
"Mommy! may pasalubong po ako sa inyo!", pumunta ako sa kama nya at isinuot ko yung Dream Catcher,
"Ayan, bagay naman pala sa inyo eh"Puri ko."Salamat anak, kumain ka na ?" si Mommy
"Opo Mommy, ikaw po ? ininom nyo na po ba ang mga gamot nyo ?? Ako
" Oo anak, halika nga dito at para mayakap na kita"Si Mommy.
Ibang-iba pa rin talaga pag yinayakap ako ng aking Mommy. Ulila na ako sa Ama, dahil namatay si Daddy dahil sa Heart attack, kaya si Mommy nalang ang nag-aalaga sa aming magkakapatid, Yung mga kapatid ko ay nasa Amerika, tatlo lang kaming magkakapatid at ako yung bunso kaya malapit ako kay Mommy.
"Mommy, magpahinga ka na" at sumang-ayon naman sya. Alam kong may gumugulo sa isip nyo, ang totoo nyan ay may Lung Cancer si Mommy pero alaga naman sya sa gamot at sabi ng doktor nya ay mabilis daw ang paggaling nito kaya kampante ako.
Pumasok na ako sa kwarto ko at dahil nga sa pagod ay humilata agad ako sa kama at bumalik na naman sa isip ko yung Mysterious Girl na yun, kailan ko kaya siya makikilala...
HELIOS_STORIES
YOU ARE READING
Mr. Famous Love's Ms. Snobber (ON GOING)
Teen FictionThis story is a work of a wide imagination of author. Any names, places, businesses, and events are fully products of Authors imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this boo...