Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2 : "My New Enemy"


Mystery Girl's POV:

"Mom !! Dad !!", Ako na hihingal-hingal habang hinahabol ko sila sa isang lugar na maliwanag at wala kang makikitang kahit anong bagay. "Mom !! Dad !!", Sigaw ko sa kanila pero di nila ako marinig at biglang.....


*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggggggggggggggggg*

"Mom!!! Dad!!!", Napasigaw ako at pawis na pawis, panaginip ko lang pala yun. Napayakap ako sa aking mga tuhod at napahagulhol ako dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Hindi mangyayari yun kung hindi ako naging makulit !!, Sigaw ko sa isip ko habang napapahagugol pa rin ako. Hindi sila mamamatay kung hindi dahil sa akin, naging masyadong childish ako at naging masama ako sa pagtrato sa kanila bilang magulang. Limang taon na ang nakakalipas pero sariwa parin yung aksidenteng dahilan ng ikinamatay nila Mom at Dad, namatay sila dahil sa car accident na alam kong ako ang may kasalanan.


(Flash Back)
(5 years ago...)


"Dad, ibili mo ako nang New IPhone !!!", pagmamaktol ko habang sinisipa ko si Dad.

"Anak, hindi pa nagsesweldo ang Dad mo", Si Mom

"Ayoko !! Ayoko!! Gusto ko ibili nyo ako !! Ngayon Na!!", Ako na habang hinahampas ko si Mom ng mga kamay ko.

"Ok!! Ok!! Ibibili na kita ng New IPhone mo, haist kung di lang kita anak~", Si Dad sabay ng malalim nyang buntong hininga.

"Naku!! Ayan ka na naman !! kinukonsente mo yang Spoiled na anak mo na yan !!", Si Mom na lumapit kay Dad.

"Hayaan mo na Honey, Bata pa naman yang prinsesa natin eh, tara na't umalis na tayo para hindi tayo makipagsiksikan, siguradong marami ang bibili nun", Si Dad na halatang pinapakalma si Mom.

"Pero anak dito ka lang sa bahay ah, ipapabantay kita kay yaya Leony mo", Dagdag pa ni Dad.

"Ok po Dad, gusto ko yung color Pink yung Jelly Case ah", Ako na umaliwalas agad ang mukha nang narinig ko na bibilhan nya ako New IPHONE.

"Ok Ok, bye anak matulog ka na ng maaga ah may pasok ka pa bukas para paggising mo nasa tabi mo na yung New IPHONE mo", Si Dad sabay halik nya sakin sa noo.

Mahal talaga ako ni Dad, gagawin nya lahat para mapasaya nya ako. Alas-singko sila ng hapon umalis para bumili ng New IPHONE ko. Hindi na ako makapaghintay, dahil sa sinabi ni Dad na matulog daw ako ng maaga ngayon, kaya magpapakagoodgirl na muna ako ngayon. Uminom muna ako ng Gatas at tsaka kinuwentuhan ako ni yaya Leony ng Fairytale stories na "Little Red Riding Hood", habang nagkukwento sya napapansin ko na unti-unting bumababa ang talukap ng mga mata ko.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Minulat ko ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali nasa harapan ko na yung hinihintay kong New IPHONE. Kinuha ko ito at agad akong lumabas ng kwarto upang magpasalamat kay Mom at Dad, papunta na ako sa sala nang lumapit sa akin si yaya Leony na parang namumugto ang mata sa kakaiyak at agad kong ipinakita sa kanya yung New IPHONE na binili ni Mom at Dad.

"Yaya, naibili na ako ni Mom at Dad oh~", Ako sabay taas ng hawak hawak ko at buong igting na ngumiti ng malapad.

"Nasaan po si Mom at Dad ??", Tanong ko kay yaya Leony.

Bigla syang lumuhod at niyakap ako at napansin ko ang biglang pag-agos ng masaganang luha ni yaya Leony.

"Mich, Wala na ang mga magulang mo, patay na sila, nasalpok ng malaking truck yung sinasakyang kotse ng Dad mo, may pumunta ditong mga kaibigang pulis ng Dad mo at ibinigay sa akin yang IPHONE na yang hawak mo, at ang huling habilin sa akin ng Dad mo na ibigay daw sayo yang IPHONE at ako nalang mag-aalaga sayo", si yaya Leony na lalong humagulgol sa pagluha at pati ako ay hindi makapaniwala sa mabilis na pangyayari na iyon.

Mr. Famous Love's Ms. Snobber (ON GOING)Where stories live. Discover now