CHAPTER 2

205 8 1
                                    

Ashley POV:

May isang ngisi ang gumuhit saking labi ng tuluyan kung nakilala ang tumawag sakin.
Sa nakalipas na apat na taon ngayon ko lang ulit sila nakita, talagang tadhana na ang naglalapit samin upang magtagpo tagpo.
At sa unang araw na ito na pagtatagpo namin ay sisiguraduhin ko na di na ako magpapatalo sa kanila.

"Ashley.."
Muling tawag sakin ni ken na basi sa reaksyon ang pagkabigla.
pagkabigla dahil akala nya patay na ako?
Pero nagkakamali sya dahil ito ako buhay na buhay..
Tsk. Sisiguraduhin ko muna bago ako mawala sa mundong ito mapaparanas ko sa kanilang dalawa ang aking paghihiganti sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa mga ginawa nila sakin.

Kita ko rin sa mukha ng kasama ni ken na si Sandra ang pagkatakot.
Sa isip isip ko,Tama yan matakot ka sandra dahil ipaparanas ko sa inyong dalawa ang impyerno.

"Ken, asawa ko"
Masayang pagkakasabi ko Kay ken , syempre arti lang yung kunyari pagtawag ko sa kanya na asawa ko.
May plano na rin kasi ako upang maka ganti sa kanila at sa plano Kong iyon sisiguraduhin ko na magwawagi ako .

Mabilis nyang inalis ang kamay ni sandra na nakahawak sa kanya, at ng nagawa nya ito mabilis syang lumapit sakin at agad akong niyakap ng mahigpit.

Nakita kong ang pag usbong ng galit sa mukha ni Sandra sa ginawa ni ken.
At dahil don Napa ngisi muli ako,
Wala pa man akong ginagawa talo ka agad Sandra sabi ng isip ko.

"Ahm ken,pwedeng bitiwan mo na ako?"
Pagaagaw ko ng pansin kay ken habang naka yakap sakin,
Pesting ito may balak pa ata syang patayin ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nya sakin.
Mukhang hindi nya ako narinig dahil patuloy pa rin ito sa pagyakap sakin.
Kaya wala patumpik tumpik pa agad ko na itong tinulak.

Mukhang nagulat sya sa pagtulak ko sa kanya,pero wala akong pake
Kakadiri sya matapos hawakan sya ng babaeng ahas na yun, lalapitan at yayakapan nya ako, mamaya nyan mahawaan ako nun ng sakit na kalandian.

"Naku sorry kung na bigla kita, ikaw kasi eh halos PATAYIN mo na ako dahil sa yakap mo"
Pagpapaliwanag ko dito, diniinan ko rin yung salitang patayin para mas mayexciting.

Nakita ko ang paglambot ng kanyang mukha

"Ayos lang, sorry miss na miss lang talaga kita kaya Hindi ko na pigilan ang aking sarili na yakapin kita,
At sorry kung nasaktan man kita dahil sa higpit ng pagyakap ko sayo"
Pagpapaliwanag nya sakin na naka ngiti,
Siguro kung ganyan sya ngumiti sakin noon malamang sa malamang nagtitili na ako dahil sa kilig,
Pero ngayon na makita ko syang nakangiti parang lalong nadagdagan ang galit na kinikim ko sa kaloob looban ko.

Naramdaman Kong hinawakan nya ang aking kamay,pero winaksi ko lang ito.
Mukhang nakuha naman nya ang gusto kong ipahiwatig na ayaw kong hawakan nya ako.

"Thanks god, sa tagal ng panahon nahanap na kita asawa ko"
Maluha luha nya habang sinabi iyon.
Asawa KO??
Asawa mo mukha mo, hay*p ka...
Yan ang gusto Kong sabihin sa kanya pero hindi pwede dahil may Plano na ako sa kanya.
Kaya sa ngayon kaylangan ko lang muna pigilan ang sarili KO dahil sa galit.

"Talaga hinanap mo ako?
Nakakalungkot naman at ngayon mo lang ako nahanap"
Mapakla Kong pagkakasabi sa kanya, akala nya magpapaloko  muli ako sa kanya, pwes nagkakamali sya.
Eh baka nga halos magsaya na sya dahil wala na ako noon dahil malaya na silang magsasama ng ahas na kabit nya.

"Oo Ashley hinanap kita,
Naka rating na rin ako ng ibang bansa upang hanapin ka, pero na bigo lamang ako, dahil Hindi kita Mahanap hanap"
Muling sabi nya pa,
Kung siguro ako yung dating Ashley noon maloloko nya pa ako pero iba na ako ngayon---

"Totoo yun Ashley hinanap ka ni ken, magmula nung araw na na wala ka na lang bigla"
OhHhhhh nakalapit na pala ang ahas na Sandra samin,
At Hindi lang basta naka lapit nakadikit pa sya Kay ken.

ASHLEY : Her RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon