CHAPTER 4

207 12 5
                                    

SPG ALERT....

--------------------------------------------------------

Pagka alis nya lamang kanina dahil sinabi nya na gusto nya akong makausap ay agad akong tumayo na walang kahit anong suot na damit at nilakad ang banyo ng paika ika dahil sa nararamdaman ko na sakit sa aking pagkababae.

-----
Suot ang simpleng puting bestida ay tinungo ko ang maliit na library dito sa aming bahay dahil alam kong doon ako hinihintay ni ken,
Maraming pumapasok sa aking isipan kung ano ba ang paguusapan naming dalawa.
At may parte rin sa akin na umaasang hihingi ito ng tawad dahil sa nangyari kagabi o ginawa nya sakin kagabi.

Kaba yan ang aking nararamdaman ngayon habang naka harap ako sa labas ng pinto nitong library.
Pero agad kung inalis ang kaba na aking nararamdan at ng nagawa ko nga iyon agad akong kumatok ng dalawang beses sa pinto
Narinig ko naman mula sa loob ang boses ni ken na sinasabing tumuloy na ako sa loob.
Kaya walang pagdadalawang isip na sinunod ko naman ito, mabilis kong binuksan ang pinto upang makapasok na ako at nang tuluyan na nga akong nakapasok ay agad kong isinara na ang pinto.

Mabilis ko naman naramdaman ang lamig na nagmumula sa aircon dito sa loob ng library,
Napansin ko rin ang napakaraming libro dito na nakalagay sa mga bookshelf, mga makakapal na kulay itim na kurtina na tinatakpan ang mga malalaking bintana,sa gitna ng ceiling nakasabit naman ang chandelier at ang kulay ng pintura ng pader ay puti lamang.
Halos lahat ng bagay dito sa loob ng library ay ang nakikita ko lamang na kulay ay itim at puti.

ASHLEY : Her RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon