Chapter 1

809 17 2
                                    

SANYA'S POV

BLAAAAGGG~~~

Araaaayyy!! Ansakit!!

"Ano yun??? Sanya??!! Ikaw ba yun?" tanong ni Mommy habang kumakatok sa pinto

"Opo.. Naglilinis po kasi ako dito sa kwarto" sabi ko at binuksan ang pinto

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naglilinis.. Nililinis ko kasi yung bookshelf ko sa tapat ng kama ko eh.. Hindi ko abot kaya tumungtong ako sa kama at nahulog..

"Anong nangyari sayo?? Ayos ka lang ba?" tanong ni Mommy

"Nahulog lang po ako sa kama.. Pero ayos lang po ako.." sabi ko

"Haaaayyy nako ikaw talagang bata ka, sa susunod mag ingat ka ha.. Sigurado ka bang okay ka lang??" tanong ni Mommy

"Siguradong sigurado po.." sabi ko sabay thumb up

"Sige.. Bababa na ko, bumaba ka na rin at kakain na tayo.." sabi ni Mommy at tsaka bumaba

Sabado ngayon ng tanghali.. At mamaya lalabas kami ng mga kaibigan ko, mamamasyal kami..

Bumaba na ako.. At nakita ko si Mommy at Kuya Jak..

Habang kami ay kumakain, tumunog ang cellphone ko.. Binuksan ko ito at nakita kong may nagmessage..

From: Bestfriend Gabbi <3

Sanya paalis na ko ng bahay.. Magkita nalang tayo sa parking lot ng mall.. Tinext ko na rin sila Ky at glai

Nireplyan ko sya..

To: Bestfriend Gabbi <3

Sige mag aayos na muna ko.. Bye :*

Message sent!!

Matapos kong kumain nag-ayos na ko ng mabilis at nagpaalam kay Mommy na aalis na ko..

"Mmy aalis na ko bye love you" paalam ko sabay kiss sa cheeks.. Nagpaalam na din ako kay kuya Jak at tsaka ako umalis..

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagdrive na papuntang mall..

By the way, ako nga pala si Shaira Lenn Osuna Roberto.. Pero ang tawag ng mga close friends ko at pamilya ko sakin ay Sanya Lopez, Sanya ang nickname ko..

Nandito na ko sa parking lot ng mall ngayon.. At hinahanap si Gabbi.. Sya ang pinaka early bird saming apat ng mga kaibigan ko

Nasaan na ba yung babaeng yun? Nasaan ka? Nasaan ka? Nasaa-- .. Ayun huli ka!!

Nakatalikod sya sakin kaya hindi nya ko nakikita.. Kaya naisipan kong gulatin sya..

"Bwaaa!!" panggugulat ko sa kanya sabay padyak.. Napatalon naman sya..

"Uyy nandyan ka na pala.. Ginulat mo naman ako eh" sabi nya halata pa rin sa mukha nya yung gulat pero nawala na rin naman maya maya..

"Oh eh nasaan na sila??" tanong ko dahil wala pa yung dalawa

"Paparating na rin siguro yun" sabi nya at saktong dumating yung dalawa..

"Oh nandito na pala kayo eh.. Tara na!!" sabi ni Kylie.. Magkasabay silang dumating ni Glaiza dahil magkalapit lang naman sila ng bahay..

Pumasok na kami ng mall.. At napagdesisyunan namin na magshopping muna..

"Gabbi, bagay ba to sakin??" sabi ni Glaiza nung isukat nya ang damit na kinuha nya..

"Oo bagay yan sayo.." sabi ni Gabbi.. Sya ay magaling sa pagpili ng damit..

"Ok nakapili na ko ng damit ko.. Kayo nalang.." sabi ni Glaiza

Pumili na kami ng damit at nagtingin tingin ng mga gamit dun.. Pagkatapos naming magshopping.. Napagdesisyunan naman naming kumain dahil maggagabi na rin naman.

Pumasok na kami sa isang restaurant at naghanap kami ng table ni Gabbi.. Yung dalawa na ang umorder ng kakainin naming apat..

Nung dumating ang mga pagkain, sinimulan na namin itong kainin..

"So guys kamusta na kayo??" sabi ni Kylie habang nginunguya ang pagkain na isinubo nya..

Isang linggo na kasi kaming hindi nagkikitang apat.. Busy kami sa mga assignments.. Kahit kakasimula pa lang ng pasukan.. College na kasi kami ngayon.. At nasa iba't ibang section kami.. Kaya hindi kami nagkikita kita..

"Ako ayos lang naman.. Ganon parin.." sabi ni Gabbi..

"Ako maganda pa rin hahaha." sabi ni Glai

"Humihinga pa naman ako, ayos lang din ako.. Eh ikaw??" sabi ko pagkatapos uminom ng juice..

"Umm.. Medyo pagod ako ngayon.. Andami kasing assignment.." sabi ni Kylie

Tinapos na namin ang pagkain.. At napagdesisyunan na namin na umuwi.. Nandito na kami sa parking lot at nagpaalam na kami sa isa't isa..

"Bye guys!! Uuwi na ko" sabi ni Gabbi

"Bye din guys uuwi na rin ako" sabi ko

"Sige sige pero wait may nakalimutan kayo.." sabi ni Kylie

"Huh? Ano??" sabi ni Glai

"Nakalimutan natin magpicture.."sabi ni Ky

"Ayy.. Oo nga noh!"

"Sige maggroufie tayo ngayon.. Bago umuwi" sabi ko

"Yung aking cellphone nalang ang gamitin natin" sabi ni Glaiza

"Sige game hahaha!!" sabi ni Gabbi

Nilabas na ni Glaiza ang phone nya at..

1.2.3. Smileeee!!!

Ngumiti kaming lahat at pagkatapos namin magpicture, umalis na kami..

Ako mag-isa sa kotse ko.. Si Gabbi may sarili ding sasakyan.. At si Ky ay sumabay lang kay Glai dahil magkalapit lang naman sila ng bahay..

Pagkauwi nakita ko si Mommy na naghihintay sa sala kasama nya si kuya..

"Mmy I'm HOMEEEE!!"sabi ko habang papasok ng bahay..

"Ohh nandyan ka na pala.. Kamusta lakad nyo ng mga kaibigan mo??"
Sabi ni Mommy

"Masaya po.. Eto po pasalubong nyo" sabi ko

Mabilis namang lumapit si Kuya Jak at kinuha ang mga pasalubong ko sa kanila..

"WOW!! Andami.. Kaya mahal na mahal kita Sanya eh.." pang uuto ni Kuya Jak sa akin

"Salamat Kuya Jak!! Hahahahaha" tugon ko sa pang uuto nya

"Sige na po Mmy, aakyat na ko sa kwarto ko.. Good Night Love You" sabi ko kay Mommy sabay kiss sa pisngi nya..

"Good night kuya" Sabi ko at nagflying kiss..

Umakyat na ko sa taas at humiga sa kama ko.. Nagtext ako dun sa apat, sinabi ko sa kanila na nakauwi na ko.. Hindi ko na sila hinintay na magreply.. Nagpray na ko at natulog..

KINABUKASAN....

To be continued..




ROCSANWhere stories live. Discover now