Chapter 2

538 18 3
                                    

Sanya's POV

Gumising ako ng maaga para magsimba..

Naamoy ko na yung mabangong niluluto ni Mommy.. Bumaba na ako at nakita ko si Mommy na nagluluto.. Pumunta ako sa likod nya at yumakap..

"Good morning Mommy.. I love you" sabi ko kay Mommy sabay halik sa pisngi..

"Good morning din anak" sabi nya..

"Mmy nasaan si kuya?? Sasama ba sya sa atin magsimba??" tanong ko kay mommy

"Hindi ko alam kung sasama sya.. Ayun nandun sa kwarto nya natutulog pa rin.. Gisingin mo na nga ang kuya mo.." Sabi ni mommy

"Mmy ang aga-aga stress ka.. Relax lang.. Sandali lang pupuntahan ko lang si Kuya" sabi ko at umalis sa pagkakayakap sa kanya at pumunta sa kwarto ni kuya Jak

Kumatok ako sa pintuan ngunit walang sumagot kaya pumasok na ko sa loob.. Nakita ko si kuya Jak na tulog parin..

'Haaayyy nako kahit kailan talaga tulog mantika tong si kuya..... Kumatok na nga ko hindi pa nagising.. Tsk.. Tsk.. Tsk..'

"Kuyaaa!! Gumising ka na!!" sabi ko sabay kalabit pero hindi pa rin sya nagigising kaya kinalabit ko sya ng kinalabit pero wala parin..

'Aha alam ko na.. Bwahahahaha'

"KUYA!! GISING!!!! MAY SUNOGGGG!!!!" sigaw ko

Mabilis naman syang bumangon at napatalon sa kama..

"Nasaan ang sunog?!?!?" natatarantang sagot nya..

Tumawa naman ako at nang malaman nyang walang sunog, napakamot sya sa batok nya..

"Tara na kuya, bumaba na tayo.. Kakain na.." sabi ko at hinatak sya, nagpahatak naman sya pababa..

Kumain na kami ng hotdog at bacon na niluto ni mommy.. At pagkatapos naligo at nag-ayos na ko ng sarili ko, ganon din si mommy at kuya.. Kaya pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ko.. Nandoon na rin sila mommy at kuya sa baba..

"Ang tagal mo talagang mag-ayos.. Tsk.. Tsk.. Tara na nga.. Baka malate pa tayo sa pagsimba" sabi ni kuya Jak

'Kahit kailan talaga tong si kuya, mainipin'

Sumakay na kami sa kotse at si kuya Jak ang driver.. Nagdrive na sya papunta sa simbahan.. Kaso traffic..

'Haaaayyyy nako!! Amboring makapagsoundtrip nga muna..'

Habang nagsasoundtrip ako may nakita akong magarang sasakyan.. Tinignan ko yung side nung sasakyan na yun mula likod hanggang unahan.. Ang ganda!! Napatingin ako sa driver.. Lalaki sya pero di ko maaninag yung mukha kaya hindi ko na sya pinansin binalik ko ang tingin ko sa sasakyan..

"Mmy tignan mo yung sasakyan na yun oh.. Ang ganda!!" manghang mangha na sabi ko kay mommy habang nakaturo dun sa sasakyan..

"WOW!! Oo nga.. Kaya mag-aral kang mabuti para magkaroon ka ng ganyang sasakyan" sabi ni Mommy

"Aye! aye! Captain!!" sabi ko ng nakasaludo..

Pagkarating namin sa simbahan ay dumiretso kami sa loob at umupo sa upuan nasa kanan ako ni Mommy at si kuya naman ay nasa kaliwa ni mommy.. Naramdaman kong may tumabi sakin pero di ko na pinansin dahil kausap ko si mommy..

Magsisimula na ang misa kaya tumigil na kami sa pag-uusap nila mommy at kuya.. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.. Inisip ko kung saan ko toh nakita.. At natandaan ko na.. Sya yung.....

FLASHBACK (Sa mall)

Pagkatapos naming kumain nina Gab, Ky, at Glai.. Nagpaalam ako sa kanila na ibibili ko ng pasalubong sila mommy at kuya.. Hindi na ko nagpasama sa kanila kasi sabi ko sandali lang ako.. Pumayag naman sila.. Kaya umalis na ko agad at bumili ng pasalubong.. Nung bayaran ko ang mga pinamili ko ay nagmadali na akong bumalik pero may nakabunggo akong lalaking nakashades.. Tumalsik na ko't lahat lahat pero dirediretso lang sya sa paglakad.. Buti nalang hindi tumalsik yung pasalubong ko kila mommy..

ROCSANWhere stories live. Discover now