---
Patapos na. Paubos na. Unti-unting tumatakas. Nagmamadali. Puspos sa pag-agos.. Patuloy sa pagtakbo.
Ang araw ng kasiyahan. Ang araw ng pagkakaibigan. Ang araw ng pagmamahalan. Ang araw na punong-puno ng ala-ala.
Magwawakas na ba?
O sadyang tayo’y iiwanan na?
Ilang araw na lang ang nalalabi. Ilang pagkakataon na lang ang natitira.
Katulad ko, nababahala ka na ba?
Ang hirap. Sobrang hirap kumawala sa mga bagay na nakasanayan mo, sa mga taong naging bahagi ng iyong mundo. Paano? Paano mo nga ba tatanggapin. Ano ang nararapat gawin? Paano mo iiwanan ang mga bagay na siyang pumipinta ng mga ngiti sa labi mo..
Halos 4 na taon na nang masilayan ko ang ganda. Ang gandang sinisibol ng pagiging isang hayskul
Mula sa unang pagtungtong ko dito, hanggang sa ngayon, wala pa ring pinagbago.
Paganda ng paganda. Lalo ang bakas ng mga ala-ala..
Mula sa pakikipagkaibigan. Nakakatuwang isipin kung paano nagsimula. Kung paano tuluyang nahubog. Kung paano nagtiwala. Kung paano napamahal sa isa’t isa. May nabuo man na iba’t ibang samahan, mapa ibang antas man, lahat pa rin ay nagkakaintindihan.
Ang magaganap na librehan, kainan, pag isa sa klasmeyt o skulmeyt ay nagsasapit ng kaarawan.
Ang mga araw na pag wala si titser. Pag sinimulan ng pagtugtog ni klasmeyt ay lahat magsisipagkantahan. Lahat nagkakasiyahan.
Ang bawat grupings na kinailangan, pero imbis na agad na magsipagkilos ay mas inuuna ang daldalan.
Mawawala ba naman ang galaan? Kahit saan mang lugar basta’t sa piling ng samahan.
Ang kulitan bago umuwi, ang walang katapusang piktyuran.
Kung minsan, ligawan. Dito rin nagsimula ‘yan.
Mga kalokohang di mapapantayan.
Mapa higher o lower section ka man, talamak pa rin ang kopyahan. Sa mga pagkakataong, pag naibigay ng maaga at naiatas na ang dapat na gawin, ay tyaka lamang sisimulan pag nalalapit na ang pasahan. Nakakatuwang isipin, pero gayunpaman ay nakakapagpasa pa rin. Dumating pa ang bawat suliranin sa magkakaibigan, natural lang naman! At kahit na mapagalitan ay tuloy pa rin ang kasiyahan.
Sa mga gurong minamahal, na walang humpay sa pagsuporta at walang sawang nagpapasensiya. Ang mga panahong binibigyan kami ng pagkakataong makihalubilo sa kanila na para lamang nilang barkada, minsan nga’y parang anak pa.
Ang pangalawaing magulang na hindi nagsasawang magturo samin, hindi lang magturo kundi ang kami’y gabayan at payuhan. Sana’y naging sapat ang mga sorpresa namin sa inyo tuwing sasapit ang inyong mga kaarawan.
At kahit may mapapait na kaganapan.
Mga nagawang pagkukulang at kasalanan.
Ang mga panahong bigla na lamang nagkakairingan, nagkakatampuhan.
Paglipas ng ilang araw ay muling magkakaintindihan.
Nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan.
Lahat ng mga iyan Kagandahang handog sa atin. Siyang inspirasyong dapat na tangkilikin.
Dito palagi nagsisimula ang lahat ng bagay na nararanasan natin sa ating buhay. Mga bagay na pag naranasan natin, hindi na natin nalilimutan. At isa akong estudiyante na nakakaranas ng halimbawa nito.
Kasiyahan sa lahat ng bagay na nararanasan? Naranasan ko ito pagtungtong ng hayskul. Nakihalubilo sa iba't ibang tao, nagpakita ng angking kakayahan sa iba't ibang aspeto, natuklasan ang salitang pag-hanga na sinasabing inspirasyon, nagkaroon ng mga tunay na kaibigan at magagaling na guro. Gayun din ay nahirapan, napagod, nagsakripisyo, sumubok at naglaan ng oras para sa mga proyekto. Pero sa lahat ng ito, wala akong pagsisisi. Ito ang nagpatuklas sakin kung bakit kailangan pa natin maging isang estudiyante.
Nakakalungkot mang isipin, pero lahat ng bagay ay may limitasyon. Katulad ngayon, kung maaari lang sanang huwag na tahakin ang panibagong buhay ng pagiging isang mag-aaral. Kung maaaring balik-balikan na lang. Kung maaaring magpaiwan sa bilis ng takbo ng panahon, kung maaari lang?
Pero naniniwala ako.. Kung hindi man maari, alam ko pwedeng manatili.
Ang ala-alang siyang malapit ko nang iwan,
Ala-alang SIYANG MANANATILI sa’king puso’t isipan.
[LATHALAiN ARTiCLE ko sa SchoolPaper namin]
Ang huling sulat ko ng Lathalain. Aw ;(
----
This is not actually the Prologue. Partly yes :). But next updates will be a Diary Style.=)
That DiARY consists those MEMORiES I was saying w/ the above article.
and YES! High shool was the BEST!
Nagtataka siguro kayo sa Title? THEN, find out! HAHA!
SO? Hmm..
Kalap muna ng votes xD Hihi.
VOTE kung nagustuhan niyo yung article sa itaas =))
----
Dahil mahal ko kayo, minadali ko na Prologue =)
Go na :D Basta Vote muna sa ibaba ha xD <3
BINABASA MO ANG
29th Day (HiGHSCHOOL Life)
PoetryMemories and good things that will LAST FOREVER.<3 Read.. Explore (^^,)