"Moving on is simple. What we leave behind, is the hardest part."
***
8:19 PM, February 29
I was surfing the net when I read that quote. Hindi ko alam kung bakit tumatak sa'kin yun. Pag tumatatak kasi sa'kin yung mga quotations dalawa lang ibig sabihin, it's either nakaka-relate ako o kaya naman na-inspire ako. Hmm. Alin sa dalawa? Di ko alam. Di naman ako broken? Di rin ako malungkot? Wala namang gumawa ng masama sa'kin para tumatak sa'kin ang salitang "move-on". Bakit nga ba? Hindi ako mapakali, nawawala ako sa mood, Bakit? Hindi ko na maintindihan e. Nababaliw na ba ako? Aw.
Anyway, never mind.
After a while.
Sa Facebook. Nakita ko yung pakalat-kalat na status ni Anne.
"Paminsan-minsan kami’y nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.
Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon."
Looks like reminiscing sa kung sino mang friendships niya. Wow! Loving friend.
Miss din kaya ako nito? Aha! Kapal lang e no?
BTW, si Anne, former classmate ko siya nung 1st year, likewise, lagi ko siyang kasama sa mga groupings. Actually, nakasama ko din siya sa ilang kalokohan. Not probably kalokohan talaga, yung mga pagpapasaway. Parang ganun siguro. xD Hmm. Close ko siya nun during 1st year pa lang kami, kakuwentuhan, kadaldalan, katsismisan at kung anu-ano pa. Aw. Namimiss ko na anak ko!
Ngapala, naging anak-anakan ko siya. "Naging" kasi ewan ko kung hanggang ngayon. Wala na kaming communication e. Hindi na kami ganun ka-close x( Hanggang batian na lang! Di ko na rin kasi siya naging classmate mula nun.
Ilang taon na rin pala ang lumipas.. Ahm. Tatlong taon? 2nd year, 3rd year, at ngayong 4th year. Bagaman di pa natatapos 4th yr. Included na din yun. Lapit na rin kaya matapos (^-^) kaya yey! Tama ako, 3 years!
Te-te-te-teka…
Anong araw na ngayon?
Feb 29!
Bukas March na, at ang graduation day, this coming March na. What???
Gaaahd. Ilang Days na lang Leira! Few days to go, Goodbye high school ka na.
Aw. Bilis ng panahon. Tsk. Di ko man lang namalayan?
So dapat ko pang pasalamatan si Anne di ba? Rose Anne Jose! Klasmeyt! Anak! Salamat sa pag papa-alala. Hihi. ( Ito nga way ng pasasalamat ko oh, special mention ka sa Wattpad xD Missyou!)
Kung hindi pa dahil kay Anne.. Kung hindi pa dahil sa mga kaganapan sa kapaligiran, sa Internet. Di ko pa malalaman, ilang araw na lang pala.. Ilang araw na lang gagraduate na ko. Ilang araw na lang, wala na kong karapatan para tawaging HS Student, ilang araw na lang wala na si High School Life. ;(
Bilis! Kumakaripas sa pagtakbo! Parang dati lang, wala pa kong kamuang muang, nangangapa sa pagiging ganap na hayskul, kumbaga inosente. Hanggang sa unti-unting nahuhubog. Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin, palagi naman, sa iba’t ibang paraan nga lang.
Biglang bumalik ang kahapon. Kahapong punung-puno ng ligaya, mga ala-alang kaysarap sariwain.
Ala-alang, kung pupuwede lang panitilihin, pinanatili ko na.
"Moving on is simple. What we leave behind, is the hardest part."
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ako binaliw nitong quotation na’to. So para pala talaga sa’kin yun, na makakarelate ako.
PERO, iba naman yung sa akin no. Hindi ako magmo-move on dahil nasaktan ako or else. I need to kasi simple lang, kailangan e. Bagamat ayoko. Well, ayoko talaga! Pero may magagawa ba ko? E kailangan nga -.-
Ngayon ko lang narealize. Lalim ng meaning. Sapul na sapul kung anong nararamdaman ko sa ngayon! Drama much ba? E sa ito nararamdaman ko. Isipin niyo di ba? Kung ikaw na sa kalagayan ko ngayon, for sure, ganito ka rin! Iba kaya HighSchool! Ibang-iba!
Waaaahhhh. Ayoko pa. Ayaw! Ayaw! Ayaw! T.T
Oras.. PLEASE. bagalan mo pagtakbo ha? Pwede ba?
---
VOTE.VOTE&VOTE!
Tutuloy ko pa ba?
Vote then Comment a Smiley sa baba if gusto pang ituloy. =)
Lovelots.<3

BINABASA MO ANG
29th Day (HiGHSCHOOL Life)
PoesíaMemories and good things that will LAST FOREVER.<3 Read.. Explore (^^,)