Nako! Sorry talaga. Super duper late ng update ko.. SORRY TALAGA! At dahil late na, magiging balik tanaw na lang ang mga updates ko, pano, tapos na e. :P
Oh, eto na po. =))
***
"A quarrel between friends, when made up, adds a new tie to friendship"
---
March 5, 2012
Hindi ako naka-attend ng practice ng sayaw nung Sunday. Pano, tinamad, wattpad pa ng wattpad xD HAHA! Ano na kaya mga bagong steps? Nakaw! Lagot ako sa mga ka-groups ko nito :DD
Hmm..
Makapasok na nga. :D
Time check:
11:00 AM
Pero ang pasok namin? 7AM.
Ang aga ko di ba? HHA! Ako pa ba?
Ok ok. Dahan-dahan pasok sa room..
Yun! Walang teacher :P
Pag sinuswerte ka nga naman oh. Walang tatalak :D
"Oy! Kulang ng testpaper dito!"
- sigaw ni klasmeyt.
Aw. May test! tsk.
Dali-dali akong naghanap ng vacant seat.
"Late na naman siya oh." -- Valdez
Then I smiled. =) HAHA! What's new di ba?
Lagi naman akong late kung pumasok :D
So ayun na, nagtest na din ako.
Buti naka-abot pa :D
Maya-maya..
Humantong sa usapan na to.
.
.
.
.
Cess- "Di ka na naman um-attend ng practice"
"Sorry na po."
"Sorry ka diyan. Di mo na alam mga steps."
- sinabi niya yan ng nakasibangot at parang galit.
Ewan ko! Biglang uminit ulo ko! Hindi ko rin alam kung bakit? >:/
"Ayos ha. Parang ako lang di uma-attend ng practice ha?"
Hindi ko narinig ng mabuti yung sinasabi niya, pero alam ko galit na din siya..
At siyempre di ako padadaig ng galit.
(Nakakunot ang kilay) "Pero pag iba mas madami pang absent sa'kin hindi mo mapagsabihan, tapos ako tatalakan mo diyan. Ayos talaga!" *
*At dito na natapos ang bangayan namin.*
Aw. Bakit ang sungit ko? Nakipag-away ako sa kaniya. Hindi ko napigilan sarili ko. =(( Bakit?
Si Cess, best friend ko siya, super loving bff. At kapag naging bestfriend ka niya? For sure, hindi ka niya pababayaan. Iingatan ng parang kapatid, Bibigay ang lahat para sayo. Susuportahan ka sa mga bagay na dapat niyang suportahan. Ganun siya sa'kin nung focused siya sa friendship namin.
Kaso ngayon? Hindi na kami ganun ka-close e. Close pa rin, kaso siyempre, may Bestest friends tayo diba? Kung ako may group na Jhamayca, sa kaniya naman Ding Dang Dong ft. Bang. =) Pero kahit na ganun, Mahal na mahal ko pa rin yan si Cess! Kaya nga gusto ko dun siya sa taong mas mapapasaya siya at mabibigay ang lahat ng oras sa kaniya.
Kaya ayun.
Nabuo ang group nila. =))
Basta long story, summarized na yan! :D
So ayun na nga..
PERO.
Pero bakit kami nag-aaway?
Bakit dumating sa puntong nagkakaroon kami ng tampuhan kahit alam namin sa sarili naming mahal namin ang isa't isa?
Hais. Nakakalungkot naman T.T
"Dumating pa ang bawat suliranin sa magkakaibigan, natural lang naman! Paglipas ng ilang araw ay muling magkakaintindihan." -- Lathalain ko. =)
Sabagay. High school life nga naman. Dito ngapala natin nararanasan lahat. Hindi naman talaga maiiwasan ang away at tampuhan e. Lalo na pag usaping kaibigan?
Hindi talaga!
Pero ang nakakatuwa, kahit na gaano pa kaindi ang away niyo, kahit na gaano niyo pa nasaktan ang isa't isa..
Mangingibabaw ang pagmamahal.
Na hindi niyo na lang mamamalayan, bati na pala kayo..
Naayos kayo ng walang dahilan.
Bigla na lang magpapansinan..
At ang pinakamaganda sa lahat?
"Iloveyou bes!"
Ang magic word ng pagkakaibigan. =)
***
Iloveyou Princess Kim Hachero! Mami-miss kita! :*
VOTE! <3
BINABASA MO ANG
29th Day (HiGHSCHOOL Life)
PoesíaMemories and good things that will LAST FOREVER.<3 Read.. Explore (^^,)