Tipikal na Araw

6 0 0
                                    

Time, check. 3:00am, sabi nila nagala ang mga multo ng oras na toh, at kapag nagising ka ng ganitong oras, may nakatitig sayo, tulog ulit...

Tinginingining!!!! Tinginingining!!!! Tinginingining!!!! Tinginingining!!!!

4:00am, umalarma na ang ⏰, kelangan na bumangon at may pasok pa sa opisina. Punta sa kusina, kuha ng tubig sa ref, inom. Punta sa banyo, ligo. Punta sa kusina, kain. Almusal na luto ni Mama (perks ng nauwi lagi sa bahay). Toothbrush. Bihis. Larga.

Time check, 5:00am. Ayos maaga pa. Pag dating sa pila. . .

😢😭😳😔😒😞😣😪😥😰😓😩😫😠😡😤😖😋😷😴😵😲😟😦😧😡👿😮😬😕😶😐

Mga mukha ng nakapila sa terminal ng UV-Xpress pa-Ayala. Ako yung nasa dulo. Anong meron? Lunes pala, next time 4:30am palang dapat nakaalis na ako.

Time check. 6:00am.

😢😭😳😔😒😞😣😪😥😰😓😩😫😠😡😤😖😋😷😴😵😲😟😦😧😡👿😮😬😕😶😐

Anyare? May hulihan daw na nagaganap sa bandang fishport, may nakaabang din sa bandang valley golf, standby daw muna (disadvantage ng malayo sa pinapasukan).

Time check. 7:00am, nagalaw na yung pila, salamat naman, naniningil na, eto na nakaready na yung akin, eto na papalapit na sakin yung dispatcher, eto na aabot ko na yung ba.....

🚌. . . 😦

Nabitin pa, antay ulit, haayy.
Time check. 7:30am, wala pang UV.
Time check. 7:40am, wala pang UV.
Time check. 7:50am, wala pang UV.
Time check. 7:55am, wala pang UV.

Time check. 7:59am, ayan dumating na, sa wakas, nakasakay din. Nakabyahe din. Kaso trapik. Badtrip. Wala nang magagawa kundi mag sound trip.

Time check. 8:45am. Floodway. Trapik. Badtrip. Itulog nalang uli at mag sound trip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saan  Ka Ba Patungo?Where stories live. Discover now