Gwapo ni June noh? Hihihihi
*****
Kakauwi ko lang ng bahay, at mabuti nalang ay wala si auntie ngayon, dahil busy sya sa pag-a-asikaso sa reataurant.
Hoooo..grabe, antok na antok na ako. Binuksan ko na yung kwarto ko ngunit nagulantang ako na sobrang gulo nito, Nagkalat ang mga damit ko sa lapag na para bang may nakapasok na mag-nanakaw.
Na-alerto naman ako at agad hinanap ang kahon kung saan ko inilalagay yung mga perang pinag-iipunan ko para sa pag-aaral ko ng college. Pero natagpuan ko lang ito sa ibabaw ng kama ko.
Agad ko namang tinignan ito, at halos mapaiyak ako ng wala na itong laman, kahit isang kusing ay wala man lang ito kalaman-laman. Kinuyom ko ang kamao, Iisa lang ang may gawa nito.
*****
Third Person POV
Lasing na lasing pumasok ng bahay si chelsy, galing kasi sya sa bar at nagpakasaya nanaman sa piling ng iba't ibang lalaki.
Habang nangangaliti naman sa galit si Summer nang makita ito, dahil alam nya na walang ibang tao ang magtatangkang pumasok sa kawarto nya maliban sa demonyita nyang pinsan.
Pasuray-suray pa ang paglalakad ni chelsy, at halata na talagang malakas na ang tama nito. Lumapit si summer sa kanya at hinawakan sya nito sa braso. Napatingin naman dito si chelsy.
"Oh, nandito na pala ang walang kwenta kong pinsan.." Sambit nito na may mapangasar na ngiti. Hindi pinansin ni summer ang pangangasar nito sa halip ay kinomporta nya ito.
"Ikaw ba ang kumuha ng pera ko?" Tanong nya. Napangisi naman si chelsy.
"Paano kung ako nga? Sasaktan mo ba ako?!" Alam ni summer na lasing lang si chelsy kaya pinakalma nya muna ang sarili nya para wag sampalin ang mukha ng pinsan nya.
"Nasaan na? Ibigay mo sakin.." Nilahad nya ang kamay nya.
Tumawa ito. "Bakit ko pa ibibigay sayo? Bayad mo nalang yun sa mga utang mo samin, sa katunayan ay kulang pa nga yun eh." Sabi nito.
Dahil sa sinabi ni chelsy ay hindi na napigilan ni summer na pagbuhatan ito ng kamay dahil napakalakas na sampal ang bumungad sa mukha ni chlesy.
Gulat namang binaling ni chelsy ang tingin kay summer na para bang kakainin na sya ng buhay dahil sa sama ng titig nito sa kanya. Hindi nya akalaing mapupuno na sa kanya si summer at magagawa na sya nitong saktan.
"How dare you?! Isusumbong kita kay Mommy!" Sabi nito habang nakahawak sa pisngi nya, kung sobrang kapal na ng blush on na nilagay nya kanina ay lalo pa itong kumapal dahil sa sampal ni summer.
Lumapit si summer upang mapaatras si chelsy. "Sige, magsumbong ka! Alam nyo punong-puno na ako sa pag-u ugali nyo, ginagalang ko kayo kasi alam kung may utang na loob ako sa inyo, pero ngayon narealize kong hindi pala kayo kagalang-galang na tao, sige magsumbong ka! Magsumbong ka sa nanay mong bruha, magkatulad lang naman kayong panget ang itsura!" At tska nag-walk out si summer at iniwan doon si chelsy.
Ngunit ito ang unang pagkakataon na nanginig sa takot si chelsy ng dahil kay summer, at hindi nya akalaing sasagutin sya nito at pagbubuhatam ng kamay.
Isa lang ang nasaisip nya ngayon isusumbong ko sya kay mommy! Huhuhuhu.
Kinabukasan:
Nakakabinging pagkatok ang narinig ni summer sa labas ng kanyang kwarto. Inaasahan na nya ito, kaya nag-impake na sya kagabi. Tama nga si Rina, kung patuloy pa sya dito titira ay lalo lang sya pahihirapan ng mag-ina, kaya napagdesisyon nyang umalis na ng bahay at iwan ito.