"Ano ba ang pinag-sasabi mo doon June?! You don't ever know what you're doing?!" Akala nyo si manager ang sumesermom sakin noh? No, no, si terron kamo.Si manager? Ayun tulala para bang malalim ang iniisip.
"Kalma brad, tinalo mo pa si manager mag-sermon, eh." - ako
"How can I calm--"
"Wait terron, I think it's a better idea?" Putol ni manager kay terron.
"What?" Takang tanong nya.
"June, tatanungin kita? Bakit mo naisipan 'yon, at sinabi mo pa talagan sa lahat ng media?" - manager
"Ahmm.. I dunno?" Akmang lalapit sakin si terron para batukan ako, ng pigilan sya ni manager.
"Kahit kelan talaga sakit ka sa ulo, pero tama lang ang ginawa mo.."
"Huh?" - kami.
Ngumiti si manager "Guys look at the bright side! I think kapag nagkaroon kayo ng bagong myembro ay lalong lalakas ang career nyong tatlo, at pag-uusapan ang pagkakaroon nyo ng bagong myembro, and maybe our ratings will be higher too?"
"Srly? Papatol ka sa kalokohan ng lalaking ito?" Sarcastic, pero galit na tanong nya kay manager.
"Terron, I think tama si manager? Diba may new single ka? Diba merong part sa song mo na hindi kaya ng boses mo at pati na rin ni June, Isa naman akong rapper kaya hindi ako makasabay sa inyo, but..kapag nakahanap na tayo ng panibagong myembro ng grupo, I think her/his voice are suits on your song?" Seryoso saad naman ni Sean.
Napatahimik naman si Terron, siguro iniisip nya na kung papayag sya o hindi sa ginawa kong kalokohan. Pero nasindak ako nang bigla nyang ibinaling sakin ang tingin nya at sinamaan ako ng tingin.
"K, fine!" At tska sya nag-walk out. Napailing nalamang kaming tatlo.
Summer POV
'Waaahhhhh, Go dark wings! Go dark wings! Go go Dark wings!" Ayan agad ang bumungad sakin pagpasok ko ng apartment ni Rina. Meron kasi akong susi, Para daw anytime na gusto kong pumunta sa apartment nya. Umupo ako sa sofa at napasandig dito.
Grabe, kapagod! Kagagaling ko lang kasi sa restaurant kaya pagod na pagod ako dahil kung ano-ano nanaman ang pinapagawa ni auntie sakin.
Taga-hugas na nga ako ng plato doon, taga-janitrees pa ako ng buong restaurant, alam kong awang-awa na sakin ang mga employee doon, kasi halos lahat ng gawain nila ay ako ang gumagawa.
Alam kung tinatanong nyo kung bakit hindi ako nag-susumbong? Ginawa ko naman kaso..
Flashback
Sinampal ako ni auntie ng napakalakas dahilan upang magkaroon ako ng pasa sa mukha, hinila nya pa ang buhok ko upang mapangiwi ako sa sakit at hinawakan nya ang baba ko at pinatingala ako sa kanya."Ikaw babae ka, talagang sinusubukan mo ang pasensya ko ah?!" Sabi nya habang tina-tapik-tapik ang pisngi ko.
Itinulak nya ako sa sahig, " sa susunod na mag-sumbong ka pa hindi lang yan ang aabutin mo sakin! Maliwanag?" At tska sya umalis ng kwarto at inilock iyon.
Lumapit ako sa pinto at ikinalabog iyon, " A-auntie, Auntie palabasin mo ako dito! Auntie!" Magdamag akong sumigaw at nagmakaawang wag nya akong ikulong sa madilim na kwartong iyon, pero hindi nya ako pinakinggan hanggang mapagod ako at manghina dahil sa sobrang gutom.
Sumiksik nalamang ako sa gilid at tahimik na umiyak. Limang araw, limang araw akong nandoon sa kwartong iyon na walang kain at uhaw na uhaw, nakalabas lamang ako nang malaman ni kuya cedrick na nakulong ako sa kawartong iyon, kung hindi nalaman iyon ni kuya cedrick ay siguradong patay na ako ngayon. Kaya hindi na ako nagtangkang mag-sumbong pa.