Prologue

33 1 7
                                        


Prologue

Kinapkap ko ang kumot ko nang makaramdam ng panlalamig ng katawan. Nagising ako sa sobrang lamig ng panahon. Nang makapa ang kumot ay ibinalot ko ito sa aking katawan hanggang sa makatulog akong muli.

Binalot ako ng dilim. Teka... Bakit ako nasa tabing dagat? Luminga-linga ako sa paligid. Isang babae ang nakita ko sa di kalayuan na parang humihingi ng tulong. Tinitigan ko siya mula sa aking kinatatayuan. Nakadapa ito at parang pilit niya akong inaabot gamit ang isa niyang kamay. Hindi ko maaninag ang mukha nito. Humakbang ako nang humakbang palapit sa kanya.

Nang halos malapitan ko na siya ay biglang may tumawag sa aking pangalan. Hindi ko pinansin ang kung sino mang tumatawag sa akin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad papunta sa babaeng humihingi ng tulong.

Nakatayo na ako ngayon sa kanyang harapan. Inilahad ko ang aking kamay para maitayo siya nang may isang tinig ang pumigil sa akin para gawin iyon.

"YASHICA NARVAEZ! Aba naman! May balak ka pa bang bumangon? Kung gusto mong magpalate wag mo na akong idamay. Bruha ka!"

Inis na binato ko kay Avis ang unan na nasa tabi ko. Napakabungangera talaga nito kahit kailan. Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang hilahin niya ang paa ko hanggang sa mahulog na ako sa kama. Tsk.

Nakakunot ang noong pumasok ako sa banyo para maligo. Naman! Bakit ba kasi may pasok kami ngayon? Hindi ba nila alam na may bag--- o baka wala nang bagyo at umalis na? Potek.

"YAAAAAASH! ANONG ORAS NA OH! SI CATACUTAN FIRST SUBJECT NGAYON. LITSI KAAAAAA!" Rinig kong sigaw ni Avis mula sa labas ng banyo.

Binilisan ko na ang kilos at laking pasalamat na lang namin na hindi pa kami late. Habang naghihintay kay Mrs. Catacutan ay biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko. Weird. I don't know her. But there's something inside me na gusto siyang tulungan. Arrrg! It's bothering the hell out of me!

"Hoy, bruha... Ano na naman yang iniisip mo? Siguro wala kang ballpen ano? Hindi mo lang to masabi sa akin kasi nahihiya ka." Tumingin siya sa taas na parang iniisip kung tama ang nasabi niya. "Omg! Hindi kaya... My gash!" Lumapit siya sa akin at bumulong, "Are you on drugs?"

Binatukan ko siya at sinuklian niya lang ito ng isang halakhak. Natapos ang maghapon ko habang iniisip pa rin kung sino ang nasa panaginip ko. Sht!

Hindi ko alam kung bakit ko siya palaging naaalala. Sino ba siya? Myghad. Baka admirer ko siya? Omg!

Natawa na lang ako sa iniisip ko. Naglalakad na ako ngayon papunta sa parking lot nang maramdamang may sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan namin ni Avis. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang lumilinga sa paligid. Napatingin ako sa sasakyan ko nang marinig ang pagsara nito. Dinalaw ako ng kaba. Imposibleng si Avis ito dahil m---

"AVIIIIIIS!!!" Sigaw ko sa sobrang inis na nararamdaman.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at naabutan doon si Avis na may ngisi sa labi. Ako naman ay nakakunot ang noo habang pinagmamasdan siyang nagpipigil ng tawa.

"Ako na ang magdadrive, bruha. Baka magwala ka sa daan at mabunggo tayo. Sayang ang beautiful face ko no." Aniya at binuhay na ang makina.

"Face lang, walang beautiful!" Natatawa kong sambit at ipinikit ang mga mata. Matutulog muna ako habang nasa byahe pauwi.

Masaya akong naglalakad sa tabing dagat. Masaya ako ngayon kasi birthday ko! Haha! Dumating ang mga kaibigan ko na nagpadagdagan ng sigla sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka ang katahimikan ng resort na ito. Usually sa mga resort ay maiingay at maraming tao. But this resort?... Weird.

The Nightmare's Command Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon