Nicole's POV
Andito kami ngayon sa mall. Namamasyal, nagyaya kasi sila Jhake, para naman daw malibang ako. Kahit papaano, maswerte na din ako kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila.
Pumasok kami sa time zone. Maglalaro na sana kami ng biglang
O________________________O
Fvck. Bakit ba ganito?
Shetness lang. Bakit ba kasi ganito ang tadhana?
Pagkapasok namin sa time zone, si Nathan at at
yung girl kagad nakita namin.
Nanghihina tuhod ko, yung mata ko, luluha na. Di ko na kaya. T__T
"Ui, alam niyo nagugutom ako. Tara muna kayang kumain sa Mcdo" -Raigne
"Oo nga. Ako din" -Tiffany
"Tara. Lubre ko na kayo" -Jhake
Alam siguro nila na mapapaiyak na ko, kaya bigla silang nagyaya
*Mcdo
"Anong gusto niyo?"-Jhake
"Lahat tol"
Napalingon kami lahat, si Blake lang pala yung nagsalita.
"Nicole,ano?" -Blake
".................."
"Anong gusto mo?"
"Wala akong ganang kumain eh. Sige,order na muna kayo, upo lang ako"
Blake's POV
Umorder na kaming lahat ng pagkain. Inorder ko na din ng pagkain si Nicole kahit sabi niya ayaw niya.
"Oh,kainin mo na *Sabay bigay sa kanya nung pagkain*"
"Ayoko. Wala talaga akong ganang kumain eh." -Nicole
"Nicole, please, para sa amin kumain ka" -Tiffany
"Pero"
"Please"-Raigne
Tumingin siya sa akin after mag please ni Raigne. Nginitian ko lang din siya, tapos kinain na niya yung pagkain
Nagikot-ikot lang kami sa mall after kumain. Di na kami naglaro sa time zone. Pagkatapos naming magikot umalis na din kami, pagabi na kasi eh. May klase pa bukas.
"Nicole, hatid na kita"
"Wag na Blake, kaya ko na 'to. Uwi na kayo ng kambal mo!"
"Itong dalawang to, parang magkalayo ang bahay ah!" -Jhake
"HAHAHAHHA" -Silang lahat
At last, nakita ko din siyang tumawa ngayon araw na ito. Yung totoo niyang tawa
Tiffany's POV
Naguguluhan ako kay Kuya. Nililigawan niya si Cara di ba? Pero bakit feeling ko may something siya kay Nicole? Ayyy. Naguguluhan talaga ako. Pramis. Mamatay man si Jhake. Waaaahh. Hahahaha. Matanong na nga lang kay Kuya.
*toktok*
"Sino yan?"
Binuksan ko yung pinto
"Kuya, ako to, si Tiffany"
"Oh, ikaw pala twin sister, bakit ka andito? May kailangan ka?"
"Kuya, may itatanong lang sana ako"
"Ano yun?"
"Nililigawan mo si Cara di ba?Mahal mo si Cara di ba?"
"Oo."
"Eh bakit feeling ko, may gusto ka din kay Nicole? "
O_________________________________O - Reaction ni kuya
