My Revenge

4 4 0
                                        

Dahil sa ginawa ni Jomin sa kanya, naghiganti siya sa pamamaraang kill him softly. Pagpasok nila, inumpisahan na niyang pagisipan at pagplanuhan ang kanyang mga gagawin.

Nung nakita niyang magkasama si Jomin at Luna sa canteen, nakita ni Jomin na inaasar si Amon ng kanilang mga kaeskuwela. Tinutulak, minamaliit at pinaiiyak. Agad naman na naawa si Jomin kaya pinag tanggol niya ito ngunit hindi niya alam na isa pala ito sa mga plano ni Amon. Inutusan ni Amon ang kanyang mga kaklase na asarin siya. Ayos lang sakanya kung mapahiya siya basta mapansin lamang siya ni Jomin at maawa sa kanya.

Mga hapon pagtapos ng klase, pinuntahan niya si Jomin sa canteen. Nagkataon na hindi kasama ni Jomin si Luna.
"Hi Jomin. Musta na..."
"Wala eto okay lang. Ikaw, musta ka naman na? "
"Sa totoo lang...namimiss na kita."
"Hay nako! Tigil tigilan mo nga ako. Binobola mo lang ako eh para malibre lang kita. Kahit kelan hindi na ako magpapaka uto-uto sayo.ULOL!"
Umalis agad si Jomin. Kahit ganito pa man ang nangyari ay hindi parin tumitigil si Amon sa kakalande sa kanya. Kapag may mga groupings nagagawin, nirerequest niya sa kanilang prof na maging magpartner sila. Pumapayag naman si Jomin para lang sa kanyang grades.

Unang linggo ng Disyembre. Bago magsipasok lahat sa eskuwela, naunang pumasok si Jomin. Pumunta muna siya sa library para tumambay. Hindi niya alam na inaabangan pala siya ni Amon doon sa loob.

"Hi... Ang aga mo ngayon ah."
"Oo. May practice kasi kami."
(Naglakad si Amon papunta kay Jomin dahan dahan na may mahinhin na boses.)

"Ah... Tungkol saan bayun?"
"Ewan ko sa kanila basta pinapunta nila ako dito ng maaga."
"Alam mo... Hindi naman kasi talaga sila nagtext sayo eh. Ginamit ko yung cellphone nila para matext ka para masolo kita ngayon kahit itong umaga lang."
"Amon ano nanaman ba tong kaekekan mo ha! Diba wala na tayo. Hindi na kita mahal! At kahit kelan hindi na kita mamahalin pa!"

Patuloy parin na naglalakad si Amon papunta kay Jomin hanggang sa tumama na ang likod ni Jomin sa pader.
"Hoy tigilan mo na nga yang kakatitig sakin. Walang magagawa yang titigmo."

Kahit ano pang sinasabi ni Jomin kay Amon hindi parin ito tumigil sa kakatitig. Dahan dahan na tinignan ni Amon ang mata ni Jomin pababa sa kanyang labi. Mga ilang minuto, nilapit na ni Amon ang kanyang labi sa labi ni Jomin dahan dahan hanggang sa tuluyan nang nagdikit ang kanilang mga labi. Hindi man ginusto ni Amon ang kanyang ginagawa ngunit kailangan niya itong gawin para sa kanyang paghihiganti. Nang natumba sila sa lamesa at patuloy parin, tila inaabot ni Amon sa may shelf ang isang matilis na bagay. Matapos niya itong kunin biglang...

"I love you Amon..."
"Hahaha... Sorry Jomin pero kailangan ko tong gawin."
"Gawin ang alin?"
Tumingin si Jomin sa likod at nakita ang kamay ni Amon na may kutsilo.
"Waaaaaaggg!....."

Sinaksak ni Amon si Jomin sa likod ng maraming beses hanggang sa ito ay mamatay. Nang napansin ni Amon na may dumadaan sa hall, agad niyang itinago ang bangkay ni Jomin sa stock room kung saan laging naroon ang isang janitor. Nang dumating na ang mga kagrupo ni Jomin, hindi nila mahanap si Jomin kaya hinanap nila ito kung saan saan. Nang nakaabot na ang kanuang mga kagrupo sa stock room, agad na dumating ang janitor at sinabing...
"Hoy anong ginagawa niyo jan ha!? Bawala pumasok ang mga estudyante jan ah!"
"Alam po namin wag niyo po kaming gawing tanga. Saka hinahanap lang lang naman po namin yung isa naming kaibigan. Kanina pa daw po siya naghihitay. Baka nasa school lang din po yun."
"Oh sige na nga tignan niyo na jan. Eh bakit naman siya papasok sa loob?"
Pagpasok nila biglang bumungad ang katawan ni Jomin puro dugo.

"Kuya anong ginawa mo sa kaibigan namin? Bakit mo siya pinatay?"
"Hala bakit naman ako kakadating ko lang kanina eh hindi pa nga ako pumapasok jan sa stock room eh."
"Wala kahit anong sabihin mo hindi kami maniniwala sayo! Isusumbong ka namin!"

Agad nila itong isinumbong sa principal.
"Ma'am nakita po namin yung kaibigan namin na patay. Puro saksak. Maam yung janitor po yung pumatay sa kanya."
"Eh paano niyo naman kayo nakakasigurado na yung janitor talaga ang pumatay? May pruweba ka ba sa sinasabi mo?"
"Wala po pero siya lang naman po kasi ang unang pumasok dito sa school eh."
"Edi ipapakuha ko nalang siya muna sa police. Kapag walang umamin oing sino talaga ang pumatay ng isang buwan, magbibigay na ako ng kaso."

Dinala nila ang janitor sa police at iniwan doon pagkatapos magpaliwanag. Hindi naman nagsasabi ng totoo si Amon. Pinabayaan niya nalang ito at pinagpatuloy ang pagaaral.

Nang nakagraduate na siya, agad siyang nagtrabaho sa bar bilang dancer at servicer. Pagkatapos siyang bayaran ng mga kanyang mga costumers, agad niyang pinapatay ang mga ito sa kuwarto na para bang ginawa niya kay Jomin. Hindi naman ito nalalaman ng kanyang mga kasama. Kahit marami na siyang napatay na costumers, ipinag patuloy parin niya itong trabaho hanggang sa siyay umasenso.

Nang nakapag tayo na siya ng bahay at secret hideout kung saan siya laging nagtatago, agad siyang lumipad ng ibang bansa upang magkalat ng lagim. Pumunta siya sa France at nagsimulang umpisahan ang kanyang mga plano. Binibiktima niya ang mga mayayaman, o di kaya ay mga kilaka sa bansang iyon. Hanggang sa...

~To be continued~

My Revenging LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon