Chapter 1

3 0 0
                                    


Ang Pagtatagpo

It's been a while, parang bata lang ako dito sa office ni mommy. Na miss ko ata to eh. Ang sarap palang balikan ang nakaraan mo, syempre yung mga magagandang experience lang noh!

"Hey pretty girl. You've been here for two hours. Ano ba ang pinunta mo dito?" Tanong ni Tita Laine na secretary na ni mommy since I was a kid. Nakita niya kasi akong nakaupo sa chair ni mommy.

"Hi tita. Don't call me pretty girl po. I'm already 22 and I'm a woman now." Sabi ko habang naka-cross arms. Haynako. Di talaga ako titigilan sa mga pretty girl na yan. Alam ko na, okay?

"Okay big pretty woman. Ano ang ginagawa mo dito? You have something to find? I can help you." Aniya sabay punta sa table ni mommy.

"No. No. I-I'm just reminiscing the moment when I was here five years ago. Alam mo po, ang dami talagang hindi nagbago no?" Sabi ko with an amazed look.

"Oo nga eh. Since your mom and your Tito Fred went to US, hindi na ito pinagalaw ni mam. Lagi ko nga lang pinalilinisan kasi baka i-surprise niya ako. Magalit pa pag nakitang madumi."

"Hay. Si mom talaga, ang arte niya."

"Kuha mo rin kaya 'yon!" Tumawa kaming dalawa.

Talagang ka close ko si Tita Laine. When mom and dad separated, siya ang tumayong guardian ko. College pa lang siya noon kaya parang ate ko na siya, yun nga lang mas prefer niyang tawagin siyang tita. Bumalik na naman lahat ng alaala ko sa parents ko. Ano ba yan!

"Uhm, tita Laine, can I borrow your telephone? Parang hindi ata gumagana yung kay mommy eh."

"Sure bey- uh Sam." Sabi niya habang pinipigalan ang tawa.

Lumabas na lang ako nang dire-diretso at papunta sa table niya nang –

"Ouch! Watch your step, will you?" Sigaw ko sa isang lalaking matangkad at naka-shades pa. Seriously? Medjo dim naman dito bakit may shades pa? May sore eyes ba 'to? Yuck!

"Ako pa talaga ang hindi tumitingin sa daanan, huh? Ikaw kaya diyan ang naka-yuko."

Sabay ngisi niya habang hinuhubad ang shades.

"We-well, may hi-hi-hinahanap a-ako. Bakit ba? Ikaw na lang sana ang umiwas! Shit!"

Ba't ba ako nag stu-stutter? Calm down self, tao lang yan.

"Miss, watch your words!"

Sinundan ko lang siya nang tingin. Okay, okay! Gwapo siya, matangkad at ang tigas pa nang katawan, kala mo mala-James Reid pero okay lang din. Clean cut ang buhok niya at ang – ang- mata niya, shucks! Blue. Bakit nag tatagalog yun? Parang amerikano naman yun ah.

"Maganda sana kaso pala-mura!" Bulong niya pero naririnig ko pa rin.

"Excuse me, what did you just say?" Tiningnan ko siya mula ulo haggang paa. Duh! I know I'm pretty, pero bakit naman parang ang cheap ko lang sa mga sinasabi niya?

"Nothing miss. Sige, I'll go ahead and sorry if I bumped you." Kumindat siya . Talaga? Para saan yun? Pa pogi points ba yun?

Teka nga Sam, why are you talking non-sense? Hindi mo kaya siya type and you have a boyfriend. Ano ka ba? Umayos ka Sam!

"Parang baliw ako na kinakausap ko sarili ko dito ah?Teka, saan nga ako papunta?" Natigilan ako nang nakalimutan ko kung saan ako patungo. Ano ba yung lalaking yun? Parag familiar ang lalaking yun ah. Saan ko nga siya nakita? Pero, istorbo sya huh, nakalimutan ko tuloy kung saan ako papunta. Haynako.

My Little DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon