"I found her."
Faye's Pov
"Bakit?" maiyak-iyak kong tanong.
"Tinatanong pa ba yun?" sabi naman niya.
"Akala ko ba, magbestfriends tayo?Bakit mo ako trinaydor?Ginawan ng kwento na hindi naman totoo?" mahinahon kong sabi.
"Bestfriends? Are you kidding me? Si Chloe ang totoong bestfriend ko at hindi ikaw! Look at you! Parang pulubi kong tignan. Eeewww!!! Hindi ko alam kung bakit kita napagtyagaan. Siguro, dahil malaki ang makukuha ko kapag ginawa ko ang dare na ito." sabi ni Micah.
"Grabe ka naman magsalita Micah. Kahit isang minuto ba, tinuring mo akong isang kaibigan?" tumutulo na ang luha ko.
"Bobo ka ba talaga? Of course, kahit isang segundo, I never treated you as a friend because you are not the same as me! kahit kailan hindi ka magiging katulad ko, at namin! So back off!" at iniwan na niya ako.Ang tanga ko talaga! Alam ko namang iba si Micah saakin eh! Mayaman, maganda, sopistikada. Eh ako? Di hamak na scholar lang at walang maibubuga. Pero umasa kasi ako na baka magkaroon ako ng tunay na bestfriend. Bakit ba ang malas ko pagdating sa friendship?
Naglakad ako papunta sa favorite park ko. Kung saan kami nagkita. Nasaan kana ba Ash? Ang tagal kitang hinintay. At hanggang ngayon, hinihintay parin kita.
Hindi ko namalayan, ang dami na palang luha ang umaagos sa pisngi ko.
"Whoever made you cry, is not worth your golden tears."
Napatingin ako sa nagsalita.
"Ashley? Ashley Courtney Suarez?"
YOU ARE READING
BESTFRENEMY[HIATUS]
Teen FictionBestfriend ko siya. Pero siya rin ang aking best enemy pagdating sa kanya.