"New school, new bullies."
Faye's Pov
"Ano po?! Bakit?!"sigaw ko.
"Pwede bang huwag kang sumigaw Katherine!" sita ni papa. Eh siya nga, sumisigaw.
"Bakit nga po ako lilipat ng school?" tanong ko ulit.
"Kasi nga, nag-increase ang tuition fee niyo." sagot nito.
"Ho?! Eh, ako na lang po ang bahala tungkol diyan." sabi ko.
"Hindi. Hindi ka magtratrabaho kung yan ang iniisip mo." sabi ni papa.
"Pa, nasa senior high na po ako. Kaya ko na pong magtrabaho. Tsaka, promise po hindi makakaapekto ang pagtratrabaho ko sa pag-aaral ko." sabi ko nalang din.
"Bakit ba ayaw mong lumipat, ha?" tanong ni mama na naghahanda para sa aming hapunan.
"Dahil ba kay Micah?"patuloy pa nito.
"Akala ko ba trinaydor ka niya, ha?!"sabi pa nito.
"Payag na po ako."sabi ko nalang sabay tayo.
"Saan ka pupunta Katherine?!" sigaw ni mama.
"Sa taas lang po. Hindi pa po ako nagugutom." pangatwiran ko.
Alam ko naman na nahihirapan na sila mama sa pagbabayad ng tuition fee ko. At pinaghihigpitan at pinagsasalitaan nila ako dahil ayaw nilang matulad ako ni ate.
Si ate kasi ay nabuntis noon kaya hindi nakatapos.
Pero, ayaw ko talagang lumipat dahil mahihirapan lang ako sa mga maririnig kong pangungutya sa mga bagong tao sa paligid ko. Mas okay na yung sa pinapasukan ko ngayon, kasi nasanay na ako.
YOU ARE READING
BESTFRENEMY[HIATUS]
Teen FictionBestfriend ko siya. Pero siya rin ang aking best enemy pagdating sa kanya.