Chapter 1

1.2K 22 0
                                    

Chapter 1- A little about me

Raley's POV

Heto nanaman ako kumakaripas ng takbo papunta sa kwarto ko. Nandiyan nanaman kase yung mga kabarkada ni kuya Rayle.

Lagi kase akong nagtatago sa kwarto ko kapag nandiyan sila. Nahihiya kase ako kay Clayde, siya yung isa sa mga crush ko :)

Para makita si fafa Clayde ko binuksan ko ng bahagya ang pintuan at sumilip. Nakapadapa ako habang nakasilip ang isang mata ko.

Nasa second floor kase ako at kitang-kita ko ang Sala namin. Nakaupo si kuya Rayle katabi ni kuya sungit pero ampogi niya ha, at katabi naman ni Kirby si fafa Clayde ko. :)

Mga kabarkada sila ni kuya. Si Kirby kaklase ko siya, ewan ko nga kung bakit sila naging close ni kuya eh. Ang pagkakaalam ko pinsan siya ni kuya sungit :/

Si sungit at si fafa Clayde ko naman ay mga kaklase ni kuya Rayle.

Nangangawit na ako sa ganoong posisyon ko pero okay lang atleast nakikita ko si fafa Clayde :)

Nagutom ako bigla tumayo muna ako at kukuha lang ako ng makakain :)

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ko para hindi nila marinig. Remember, ayaw kong makita nila ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa ref namin. May ref kase kami sa taas at baba ng bahay.

Papalapit na ako ng papalapit sa ref. Heto na... Het...

"Arf! Arf!"

"Aish! Clayden naman! 'Wag kang maingay please!" Sigaw kong sabi kay Clayden, yung pet ni mama.

Nakakabadtrip naman, kumuha nalang ako ng pringles at chocolate drink. Sinara ko na ang ref at paglingon ko...

"Ku..Kuya?" Gulat na gulat kong sabi.

Nasa harapan ko ngayon si kuya Rayle... kasama si kuya sungit! WT!!! Nagpamewang si kuya at nakangisi naman si sungit.

"Raley, anong ginagawa mo dyan?" Seryosong sabi ni kuya.

"Ku..kumuha lang ako ng makakain"

"Ba't ka sumisigaw? Akala namin kung napano kana!"

"So..sorry" Yumuko ako at dumiretso sa kwarto ko.

***

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Iniisip ang mga nangyari kanina. Kung tumingin ba sa akin si fafa Clayde habang naglalakad ako papunta dito. Kung anong reaksyon ni kuya ng talikuran ko siya kanina. Hays!

Wala kase si mama ngayon, umalis siya para bumili ng mga kakainin ng mga kabarkada ni kuya Rayle.

"Okay lang ba kayo dito mga pati? Nagugutom na ba kayo? Pasensya na medyo matraffic kase kanina eh."

Narinig ko galing sa baba, siguro nandiyan na si mama. Sumilip ulit ako sa pinto, at tama andiyan na nga si mama.

Parang may pinag-uusapan sila kuya kaya pilit kong pinakikinggan.

Pero hindi ko talaga marinig masyado kase akong malayo at mahina lang ang boses nila.

Kinuha ko nalang ang pringles at choco drink ko at kumain habang nakasilip ;)

"Raley! Raley anak!" Tawag ako ni mama.

Nako, lagot na ayaw kong bumaba ang panget ko kase ayaw kong makita nila ako ng ganito especially ni fafa Clayde.

"Hahaha oo ganyan talaga 'yan kaya hindi na pumayat payat eh! Hahaha!" Rinig kong sabi ni kuya Rayle na tumingin pa sa'kin.

Napatingin tuloy si fafa Clayde sa'kin sabay sara ng pinto. Kinabahan ako kase naman 'tong si kuya eh tumingin pa sa'kin bwisit!

Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Because aaminin kong mataba ako at nag-didiet na ako ngayon. I'm fourth year high school turning college this year.

Si kuya ay second year college na. 16 years old na ako at 18 years old na si kuya turning 19 na siya this month.

Biglang pumasok si mama sa kwarto ko habang may hawak siyang tray.

"Raley, kumain ka muna anak."

"Thanks mama!"

"Are you okay?"

"Oo naman po. Bakit po?"

"Baka kase inaway ka nanaman ng kuya mo"

"Uhm, 'di po. Ok lang po ako."

"Ahh sige anak. Bumaba ka nalang if gusto mopa."

Ngumiti nalang ako. Then she smiled back and leave my room.

She gave me a porridge! Yay! My favorite! Nagugutom na ako sakto! Hahaha... Pero nakalimutan ata ni mama yung kalamansi :(

Ayaw ko naman siyang abalahin, ayaw korin bumaba. So, tiis nalang kahit walang kalamansi! :)

==========

Hi guys! This is my first story po! So I hope na magustuhan ninyo ito :*

Don't forget to vote po para ma-inspire po ako support nyo po iyon.

Comment po kayo, to give some feedbacks and reactions po.

Follow po kayo para maupdate kung may new chapter po!

Ang Masungit/Maniac kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon