Chapter 3

713 17 5
                                    

Chapter 3- Bawal kumain

Tyrone's POV

Naboboring ako sa tinuturo ni prof. paanong 'di ako mabobore eh math ang subject -_-

Mapagtripan nanga lang yung katabi ko.

"Pst! Jerome!" Kalabit ko kay Jerome.

Nilingon niya ako. I just gave him my middle finger.

"Psh. Psycho!" Bulong niya tsaka lumingon ulit kay prof.

Dahil gusto kong parehas kaming 'di makinig eh binuwisit ko siya lalo 3:)

"Ano ba? Sisipain na kita jan eh!" Pikon na sabi Jerome.

Natawa ako sa sinabi niya pikon kase yan eh! Masarap pikunin ang taong pikon ;)

Napatingin ako sa bintana at kitang-kita ko si taba na tumatawa. Napahinto din siya bigla ng napansin niyang nakatingin na ako sa kanya.

Nakakainis si taba, parang ako yung pinagtatawanan niya kase nakatingin siya sa direksyon ko yeh. Bago pa ako mainis, bigla siyang nagtago at 'di ko na siya makita sa bintana.

Nagulat nalang ako nang mapatingin ako sa harapan ko, nasa harapan ko na si prof. at halatang naiinip na. Kanina pa siguro siya nakatayo dun?

Tch! 'Di bale.

"Mr. Levine! Gusto mo nanaman bang ma-zero sa quiz?" Sabi ni prof.

Hay nako! Puro nalang ganyan ang sinasabi! Sawa na'ko.

"Ayan nanaman ang poker face mo! 'Di porket si Mr. Levine ang tatay mo eh pwede kanang 'di makinig sa klase ko!"

*****

Nasa office ako ngayun kasama si Kirby pati narin si taba. Matapos akong palabasin ni prof at papuntahin rito eh, buti naman at sinamahan ako ni Kirby.

"Tyrone, hayan nanaman tayo! Ilang beses ko ng sinasabi na pagbutihan mo ang pag-aaral mo!"

Nasasawa na'ko sa paulit-ulit na sermon ni Mr. Levine, ang ama ko.

"Makinig ka, kapag naulit nanaman ang ganyan at pinapunta ka nanaman dito. Ililipat kita sa FMU sa ayaw at sa gusto mo."

Nainis bigla ako sa sinabi niya. Ayaw ko sa FMU at alam niya 'yon.

*****

Nasa canteen kami ngayun ni Kirby. Si taba, lumayas na may klase paraw siya, buti naman.

"Umayos ka naman Ty! Ayaw kong malipat sa FMU!" Naiinis na sabi ni Kirby.

He's my cousin. Kung saan ako mag-aaral ay dun din siya. HAHAHA.

"'Wag kang mag-alala ayaw ko rin dun kaya 'di tayo malilipat don."

FMU. Ang school na pagmamay-ari ng pamilya ni Shane, ex ko. Ang babaeng pinangarap ko, minahal ko ng sobra. Pero niloko ako, kaya ayun ayoko na siyang makita muli. But, nakamove-on naman na ako. Wala narin akong feelings para sa kanya, sigurado ako dun.

"Kirby, tawag na tayo ni coach!" Sigaw ng isa sa kateam niya.

"Oy, gawin mo 'wag mong sabihin! Alis nako." Sabi ni Kirby.

*****

Raley's POV

'Yun natapos na ang klase ko. Andito nako sa kwarto ko, anu panga bang ginagawa? Edi lumalamon.

"Oh musta school Rayle?" Rinig kong sabi ni mama. Nandiyan na si Kuya.

"Ok naman, si Raley nandiyan na?"

Nako po, baka nalaman ni Kuya na hindi ako nakapasok ng unang subject :(

"Oo, andun sa taas nagmimiryenda." Sabi ni mama.

Wala na 'kong narinig kaya tuloy lang ako sa pag kain. Maya-maya may nagbukas ng pintuan ko, wala manlang katok?

"Raley!" Naku po, si Kuya.

"Di ka nakapasok sa first subject mo?" Dagdag pa niya.

Nako humanda sakin 'yang si Kirby! Napakasumbungero! Napakadaldal! Dahil naiinis ako di na ko sumagot at nagtalukbong nalang ako ng kumot.

Hinahatak ni kuya yung kumot ko, syempre hinahatak ko rin. Naghahatakan kami ngayon, malakas kaya ako!

"Lumabas ka diyan kinakausap kita!" Naiinis na sabi ni kuya pero tuloy parin kami sa hatakan.

"Ayaw mo talaga? Sige 'wag kang kakain!" Galit na sabi niya.

What?? 'Di ko kaya 'yun :(

"Para mabawasan na rin 'yang timbang mo!" Sabi niya tsaka tumigil sa paghatak ng kumot ko.

Bigla akong lumabas sa kumot, at nahuli kong tumatawa pa ang loko! Nang makita niya kong nakatingin sa kanya eh, biglang nagseryoso! Dahil hindi ko kayang 'di kumain. Tumayo ako at nilapitan ko si kuya, nakakahiya man pero walang magagawa, pagkain ang pinaguusapan eh.

Inakap ko siya at sinabing "Sorry na kuya, 'di na mauulit. Papakainin mo na ba 'ko?" With matching pout pa ;)

==========

Thank you for reading! :)

May isa pa nga po pala akong story na ginagawa ^_^

Paki check nalang po! Hihi!

I hope na nagustuhan niyo po ang chapter na 'to!

First POV po 'to ni Tyrone! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Masungit/Maniac kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon