Chapter:4

6 2 0
                                    

Xam's Pov...

"Punyeta kang babae ka!diba ang sabi ko sayo magtrabaho?oh!ngayon,nasaan na ang sweldo mo HA?"

Napapikit nalang ako dahil sa dumadagundong na sigaw ni Tatay sakin.

"A-aray k-ko po" Impit na sigaw ko dahil sa hinila ni nanay ang mahabang buhok ko.

"Ano?ano kamo?masakit?TALAGANG MASASAKTAN KA KASI NGA TAMAD AT TATANGATANGA KA PA!WALA KANG KUWENTA!" sabay bato sakin sa may gilid ng pito ng bahay namin.

Iyak lang ako ng iyak.

Masama ang pakiramdam ko,pero mas masama na ngayon lalo nang ganito ang inabot ko.

"Marrisa!Ginoo,anong ginagawa nyo sa anak nyo?sus maryosep"
Nabigla ako sa sinabi ni tita Liza na kapit bahay namin na mama ng best friend ko.

Tinayo nya ako saka pinag-pag ang damit ko na nadumihan.

"Liza!punyatera kasi yang babaeng yan!umuuwi ng walang dalang sahod!Puta" Nanikip ang dib-dib ko dahil sa mga salitang binitawan ni tatay.

"T-tay naman,d-diba b-bumali ako s-sa boss ko nung n-nakaraan?" Paputol putol at nanghihina kong sabi sa tatay ko.

"ANO?!EH BOBO KA PALA EH!SINONG MAY SABI SAYO NA BUMALI KA HA?!" Sigaw nya ulit sakin.

H-hindi ba nila maintindihan?

Kaya lang naman ako bumali sa boss ko dahil sa kilangan ng pambayad sa hospital na tinutuluyan ng kuya ko dahil sa saksak na nakuha nya sa rambol sa may kabilang kanto.

"Mare,hayaan nyo na..e-eto kunin nyo na,sige na" pagaalok nya kina nanay at tatay na ngayon ay nakatingin sa limang libong hawak ni tita Liza.

Napatinggin ako sa kanya at nagpapahiwatig na Wag-na-po-tita.

Pero hinagod nya langang likod ko saka umiling.

Napabalik ulit ang tingin ko kina tatay na ngayon ay biglang hinablot ang perang hawak ni tita Liza.

Tuluyan nanamang tumulo ang mga luha ko at lalong nahirapan sa paghinga.

T-talaga bang...p-pera lang ang g-guszo nila...s-sakin?

Napaiyak ako lalo sa naisip ko.

"O?ano pa ang ginagawa mo dito?hala!layas maghanap ka ng perang ibibigay mo samin!" Pagtataboy sakin ng nanay ko.

"Sige na Mare, kumain nalang kayo may ibibigay ako sa inyo, sandali lang" Sabi ni Tuta Liza saka inalalayan akong maglakad palabas ng bahay namin saka pumunta sa bahay nila na kalapit lang ng bahay namin.

Nakatingin samin ang iba naming kapit bahay.

"Ma!" Napatingin ako sa likod namin ni aling liza ng marinig ko ang boses nya.

"Anak" sabi naman ni Tita liza.

"P-pardx" mahina kong sabi sa kanya, sya naman halata sa mukha nya na naaawa sya sa akin at nagaalala.

Lumapit naman samin si Carlo at binuhat ako bigla.

"A-anong nangyari sa kanya ma?" Tanong nya sa mama nya na ngayon ay inilagay sakin ang tuwalya nya sa katawan kong puno ng galos.

"Nabugbog nanaman nila Tenyo at Marissa,wala talaga silang pakundangan pati ang kaisa-isang nagtataguyod sa kanila ginaganito nila" maramdamin nya saad sa anak nya habang nakatingin sakin.

Napaubob nalang ako sa dib-dib ni Carlo.

Napaiyak ako dahil sa sinabi ni Tita liza.

Sila Carlo ay may kaya sa buhay,may 3 apartment sila,lahat ng yun ay kahawig ng dorms .tatlong palapag lahat ng yun sa bawat palapag anim na kuwarto ang meron.

My Fb GirlfriendWhere stories live. Discover now