Chapter:6

5 1 0
                                    


Xam's Pov...

Tumigil na ako sa kakaiyak dahil narin siguro sa pagod ng mata kaya humahapti na.

Nakahiga parin ako sa kama at naka tingin sa may bintana.

Matagal nya na siguro akong niloloko.
Tama siguro ang sinasabi ng mga kaschool mate ko noon sa middle school.

Na..niloloko lang ako ng boyfriend ko.

So...2 years na pala akong nagpapakatanga sa kanya.
2 years na niloloko nya lang pala ako.
2 years na panlalamig nya sakin.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa may side table.
Napako ang tingin ko sa cellphone ko.

Oo nga pala mahigit three months na pala akong hindi nakakapag online sa fb.

Ano na kayang nangyayari sa Page ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at umupo sa kama habang ang ulo ko naman ay nakasandig sa head board ng kama.

Naglog in na ako sa fb ko at hinihintay ko nalang na matapos ang pagloloading.

Pagkabukas ko ang unang tumambad sa akin ay ang profile picture at cover photo ko na ang picture ay ang ex ko.

Bigla nalang may kumirot sa may kaliwa king dib-dib.

Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na buntong hininga at saka pinindut ang Edit profile.

Wala naman akong makitang maayos na picture ko sa gallery ko.
Kaya...ang ginawa ko enixit ko muna ang Facebook at pinunta sa B612 Camera.

Ngayon?anong pause naman ang gagawin ko?

Ha!alam ko na.

Tumayo muna ako at inayos ang kama na all white ang mga punda pati narin sa comforter at sa bedsit nya.

Nang maayos ko na saka naman ako humiga ng nakatagilid at kumuha ng unan saka yinakap.

Click

Tiningnan ko Pero parang may kulang.

Denilete ko nalang saka nagisip ng bago.

Napapatong nalang ang kanang siko ko sa unan at nakahawi sa kaliwang side ng buhok ko,at bahagyang nakatagilid ang ulo ko kasi nakatingin ako sa may binta na.

"Hays!" Anas ko dahil wala akong maisip ng biglang.

Click

Napatingin ako bigla sa cellphone ko ,luh!oo nga pala automatic pala yun!

Kinihu ko ang phone ko saka tiningnan ang picture.

Wow!gandang di inaakala.

Nakatagilid ako tapos medyo magulo ang buhok ko at kitangkita ang tangos ng ilong ko at ang kaputian ko.

Dagdagan pa ng all white ang paligid ko pati narin ang damit na suot ko.

Wow!as in WOW!

Sinave ko na at saka binack ko sa camera at kumuha ulit ng picture para sa cover photo ko.

Click

Dalidali kong kinuha ang phone ko saka pinagmasdan ang picture ko.

Ohwow! Model ba 'to?

Ganda ng kuha, saka nakatalikod ako sa kamera tapos yung buhok ko nasa left side lahat tapos medo nababa ang lose shirt ko.tapos naka tagilid nanaman ang face ko sa right side.

Grabe!galing ng camera kumuha ng pictures ko pang international photographer eh?

Napangiti ako ng bahagya saka humiga ulit sa kama saka pinuta sa fb account ko.

My Fb GirlfriendWhere stories live. Discover now