Chapter 8: Special day for Ara

14 0 0
                                    

Ang saya ko kasi parang dati lang parang bumabalik na naman ang dating siya hind iako makapaniwala natutuwa ako pero hindi dapat magkaroon ng ibig sabihin namiss ko lang talaga na maging ganito kami. Sumaya talaga ako feeling ko kahit ganito lang kami masaya na ako kung siya talaga ehhh di siya kung hindi ehh di darating din naman ung tamang tao diba.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ARA’S POV

Ang dami naming ginagawa ngayon, ang aga kong pumasok ngayon sa school kasi naman kelangan na naming tapusin ung circuit na dapat naming ipasa sa logic circuit hindi ko na nga nacontact si Kate kasi naman puro mga classmate ko ang kelangan ko at alam ko may klase na din un mamaya..

“Ui guys saglit lang nauuhaw kasi ako punta lang akong canteen bili lang akong drinks hah!”, tumayo ako sa upuan para pumunta sa canteen

“Sige Ara okey lang, kami muna ang  bahala dito!”

Pumunta na ako sa canteen para bumili ng maiinom

“Ate isa nga pong C2 ung malaki po hah!”, kinuha ko ung pambayad ko sa may wallet ko nang may biglang nagbayad kaya napatingin ako

“Miss ito po ung bayad niya!”,

“CARLO!!”, grabe bakit siya nandito bakit niya binayaran ang binili ko kilala niya  ba ako

“Hi Ara, okey na binayran ko na ung binili mo , tapos  mo na ba ung circuit na ginagawa ninyo?”

“Hah paano mo nalaman ang pangalan ko!”, grabe kinakausap niya ako

“Ah ung kaibigan mo nagpakilala sa akin tapos un pinakilala ka niya sa akin tsaka diba school mate daw tayo nung high school!”, tumawa si Carlo sa akin, feeling ko nasa Cloud 9 ako

“Ahh ganun ba..heheh,,ahmm..ehh ung sa circuit paano mo nalaman!”,

“Ahh un ba..pag-usapan na lang natin yan habang naglalakad kasi nakahara tayo sa daanan!”, at napatingin ako at may mga estudytanteng nais bumili kaso hindi makasingit dahil naming dalawa

“Ayy sorry po ate!”, sabi ko dun sa babaeng naghihintay na tumabi kami at naglakad na kami palabas ng canteen

Hindi pa din ako makapaniwalang magkasama kami ni Carlo lalo na at nakausap ko pa siya parang mga panaginip ko lang itong lahat

“May klase ka ba ?”, biglang nagtanong si Carlo kay Ara na  tila wala pa ata sa sarili

“Ahh ako ba, ano kasi nagawa lang kami sa circuit ngayon, ay oo nga pala paano mo nalaman ung sa circuit namin”

“Yung circuit nio, ahmm sinabi din ng friend mo binulong niya kasi na kelangan niya daw ng tulong sa circuit kaya binigay ko ung number ko tapos pinakilala ka niya sa akin sa FB sabi niya ikaw daw talaga ang nangangailangan ng tulong!”, at tumawa siya dito

“Ahh ganun ba pasensya ka na ha madaldal lang talaga ang bestfriend kong un nakakahiya naman sayo kasi hindi naman tayo ganun pa magkakilala tapos humingi pa siya ng tulong sorry hah kung naaabala kita!”, nahiya si Ara kaya tumungo lang ito

“Naku wag kang mag-alala walang anuman un, wala din naman akong gagawin ehh!”, at tumawa muli siya kay Ara

Nakarating sila sa room at pinakilala ni Ara sa mga groupmates niya si Carlo at tinulungan niya ang mga ito sa ginagawa nila..Natapos nila ang pag gagawa bago mag 12pm kaya tuwang tuwang naipasa nila sa dealine ang circuit!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon