All this time, akala ko akoAng buong akala ko ako ang may kasalanan,
Ako ang nagkamali sa ating dalawa
Kung kaya't sinubukan kong magpakumbaba
Para ayusin kung anong may'ron sa ating dalawa
Sinimulan ko ang lahat sa salitang "Pasensya na.
Patawarin mo ako dahil ang sakit-sakit na.
Hindi ko na kayang mawala ka pa.
Sinundan ko pa ng "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.
Nagmamakaawa ako.
Gagawin ko ang lahat-lahat para mapasakin ka lang ulit.
Isang pagkakataon pa ulit.
Pls?"
Pero dahil nga wala tayo sa isang tipikal na palabas sa telebisyon
Nandito tayo sa reyalidad ng buhay
Nagulat pa nga ko kasi nag-reply ka... kasi akala ko hindi na
kasi akala ko wala ka na
'Yung puso kong namamatay na nakabasa ng salitang "Pasensya na."
"Pasensya na? Saan?"
Kahit hindi ka humingi ng tawad, pagbibigyan kita
Dahil sa simula pa lang napatawad na kita
Kasi mahal kita
Nabuhayan ang nanlalamig kong puso dahil baka "Pasensya na, nagkamali ako mahal pa rin kita." ang sasabihin mo
Pero bakit pinatay mo ulit siya sa sinambit mong
"Pasensya na ayoko ng ipilit pa. Ihinto na natin 'to"
Bakit tila ang mundo ko ang huminto hindi ang pagtibok ng puso ko sa'yo?
Dinagdagan mo pa ng "Hehe."
Siguro para hindi masakit
Pero diba nga kasi tanga?
Kaya sumagot ako
"Pwede pabor?
Pwede bang kausapin mo ako hanggang sa makapagmove-on ako?
Kung may subject kasing "Detachment" sigurado bagsak ako
Hindi kasi ako sanay sa bigla-bigla