Kinse

4.9K 142 7
                                    

Matapos ang bakasyon nila Freya sa HongKong ay agad na umuwi ang mga ito, paglapag ng eroplano sa Manila,Airport ay agad na huminga ng malalim si Freya habang hawak ang kamay ng anak. Ng buhatin niya ang maleta ay isang kamay ang kasabay niyang humawak na ikinagulat niya, sisigawan sana niya ito ngunit natigilan siya at bahagyang nawalan ng imik.

"Lester!?"

"Yah."nakangiting sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Andito ang mag ina ko so kaya nandito rin ako."

Agad na nanubig ang mata ni Freya sa narining buhat dito."ahh, ganun ba sige, aalis na kami."

"Okey, tara na sa labasan."sagot nito at binuhat ng anak na namumungay na ang mata sa antok.

"Anak, di mo sila susundan?"

"I will Ma, tara na po."

Walang imik na sumunod si Freya sa kanyang mag-ama na agad tumawag ng taxi. Ipinagbukas siya nito ng pinto, sa backseat at pinaupo ang kanyang Mama sa front seat. Ng tumabi ito sa kanya ay napapitlag siya ng gagapin nito ang kanyang palad at masuyong pisilin. Nakairap na binawi niya ang kamay mula dito at humalikipkip. Rinig niya ang buntong hininga ni Lester, pinilit niyang ignorahin ang presensya nito at ipinikit niya ang kanyang mga mata, hanggang sa tuluyan na siya nakatulog.

"Lester anong plano mo?"basag ni Mrs Lagdameo sa katahimikan namamagitan sa kanila.

"Ma, kung ipapahintulot nyo po gusto ko po sanang isama ang mag ina ko sa probinsya hanggang sa maipaliwanag ko na po ang lahat kay Freya."

"Pero paano ang isa mo pang mag ina?"

"Ma, hindi ko po naman po pababayaan ang anak ko kay Sally."

"Pero Lester."

"Nauunawaan ko po kayo, ang akin lang po kung bibigyan nyo po sana ako ng pagkakataon,mahal na mahal ko po si Freya, nakilala ko man po siya na hindi ako malaya dahil natali ako sa babaeng kailanman ay hindi ko magawang mahalin, ipaglalaban ko po ang pagmamahal ko kay Freya."

Hindi na nakuha pang magsalita ni Mrs Lagdameo, ng huminto ang taxi sa harap ng kanilang bahay ay, bumuntong hininga ito at ng akmang baba si Lester ay pinigilan ito niya ito.

"Lester, take them but promise me 'wag mo silang pababayaan, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa."

"Ma, salamat po."nangingilid ang luhang sabi ni Lester, ng makababa si Mrs Lagdameo ay agad na sinabi niya sa taxi driver na ihatid sila sa Laguna, sa ilang oras nilang byahe hanggang sa kanyang rest house ay hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Lester.

"Boss maraming salamat."wika ng taxi driver, ng abutan niya ito ng sobra sa kaukulan bayad matapos niyang magpatulong dito para maipasok ang ilang gamit sa loob ng bahay, inuna niyang buhatin ang anak at inihiga sa sofa atsaka magkasunod silang lumabas ng taxi driver.

"Walang anuman."

"Sweetheart?"ang tawag niya sa dalaga at bahagyang inalog ang balikat nito.

"Mmm."ungol ni Freya ng maalimpungatan ito. "Lester!"

"Pasok na tayo sa loob masyado ng malamig."tugon niya dito at hinawakan ang kamay para igiya ito pababa.

"What are we doing here!?"mataray na tanong ni Freya kay Lester.

"We have to talk."

"We can talk,without my family here."

"No we cannot! Dahil alam kong kung nasa bahay nyo tayo, hindi ka makikinig sa'kin at higit sa lahat alam kong tatakasan mo lang ako! Na kahit saan ka pa magpunta ay susundan kita!"

"Completed_"Ikaw Lang At Ako {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon