Chapter Thirteen

1K 41 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

PASIMPLENG TINITINGNAN ni Hyde si Jake habang nagmamaneho ang lalaki. Tutok na tutok ang tingin nito sa harapan at medyo nakakunot pa ang noo. Hindi naman niya ito kinakausap dahil mas okay sa kanya ang tingnan ito at pagsawain ang kanyang mata. Ilang oras pa lang silang nasa biyahe mula sa resort na tinuluyan nila. Bago nga sila magtungo sa kotse nito ay kinausap niya muna ang mga kasamahan niya pati si Drake na hindi maitago ang lungkot sa mukha. Naiintindihan naman niya ang katrabaho kaya sa mga kasamahan niya si Drake ang huling kinausap niya at natagalan iyon. Kung hindi pa nga siya nilapitan kanina ni Jake ay baka hindi pa sila natapos mag-usap ni Drake. At ngayon hindi niya alam kung may kaugnayan ba ang pagkakakunot ng noo nito sa nangyari kanina. Ayaw naman niyang mag-usisa dahil baka magtunog assuming lang siya. Nagmamahal siya kaya naman kung ano ang aksyon at magiging sagot ni Jake ay hopia siya. Hoping sa lahat ng bagay na positibo.

Agad niyang inalis ang pagkakatingin kay Jake ng bumaling ito sa kanya. Muntikan pa siya nitong mahuli sa pagtingin dito.

"Ano ang relasyon mo doon sa katrabaho mo? D'un kay Drake?" Usisa nito.

Hindi naman niya matunugan ng selos o galit ang boses nito sa pagtatanong. It was just plain. "Aside sa katrabaho ko siya, nanliligaw din siya sa akin."

Nagulat siya ng biglang prumeno si Jake. Napatingin siya rito. "Hey! Mag-ingat ka naman. Ano ba ang nasa unahan?" Aniya saka tumingin sa unahan.

"Nothing. May tumawid lang na pusa."

Nagdududang tingin ang binigay niya rito. Binalewala lang nito iyon saka pinaandar muli ang sasakyan.

"So, ano ang score sa inyong dalawa?" Usisa pa nito.

"Wala. Nanligaw siya pero hindi ko naman in-entertain. My heart already belongs to someone," aniya. And it belongs to you. Gusto sana niyang sabihin iyon kay Jake ngunit naduwag siya kaya sa sarili na muna niya.

"Really?" Paniniyak nito. Hindi niya binigyan ng pansin ang pag-iiba ng tono ng boses nito. Ayaw na muna niyang mag-assume.

"Oo. Really. Matutulog muna ako, Jake. Gisingin mo na lang ako kapag nag-stop over ka." Aniya.

"Hey! Don't sleep. Mag-kwentuhan tayo. Ang boring mag-drive kapag walang kausap."

"Inaantok ako."

"Bakit ba kasi inaantok ka? Hindi ka ba nakatulog ng maayos."

"Nakatulog naman." Tipid niyang sagot.

"Then mag-usap tayo."

"Ano naman ang pag-uusapan natin?"

"Kahit ano? 'Yong mga nangyari sa 'yo sa nakaraan na anim na taon."

"Wala naman masyadong nangyari sa 'kin."

"Talaga?"

"Oo. Nang mangyari ang mga bagay na iyon sa 'tin, Jake. I isolated myself from other people. Hindi ko alam kung paano ko ba haharapin ang mga tao lalo na ang mga estudyante na nakakita ng sex video natin until nag-decide ako na umalis at bumalik sa probinsya namin. Doon ako nag-aral dahil alam ko na doon walang huhusga sa akin at walang nakakita ng sex video ko. Pero kahit na ganoon pinili ko pa rin ang mag-isa. Sa mga taon na lumipas ang tanging nasa puso at isip ko ay ang makabawi at makahingi ng tawad sa inyong dalawa ni Devin. Eh, ikaw?" Tanong niya kay Jake. Napansin niya ang lungkot sa mukha nito.

"I'm sorry na wala ako sa tabi mo n'ung lumabas ang sex video natin." Anito. "Well, anyways, wala naman na tayo magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Tungkol naman sa 'kin, wala naman. N'ung lumabas ang sex video nakaratay pa rin ako sa ospital. Hindi ko naman masyadong napagtuunan ng pansin iyon dahil sina Dad at Mommy ang nag-asikaso n'un. They did everything under their power and connection just to stop that video from spreading. Nagawa naman nila kaya madaling nawala iyon."

String from the Heart Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon