Chapter Thirty-Six (Part 1)

606 29 18
                                    

AUTHOR'S NOTE

Again, I'm dividing this chapter into two parts. At ang rason katulad ng nauna. Hehehe.. 

Feeling ko kasi kapag masyadong mahaba ang word count ang tagal mag-publish. Kaya hahatiin ko na lang para masaya.

Heto na po ang part 1 ng chapter 36.
Enjoy po!!

CHAPTER THIRTY-SIX


NAABUTAN NI Devin ang dalawang bata na natutulog sa sahig. Kagagaling pa lang niya sa kusina. Siya kasi ang naghugas ng pinagkainan nila. He volunteered doing it. In his own way he wanted to lessen things to Hyde.

Kanina habang kumakain sila kasama sina Aveen at Sethi ay malaking katuwaan sa puso niya na makitang nakangiti ito. Temporarily nakalimutan nito ang problema na kinasasangkutan nilang tatlo. Na-spoil nga lang ang mood dahil na-open up pa niya ang bagay na iyon.

He was wishing that Hyde can be totally happy without overthinking things that going on between the three of them. For him it seems that the two sleeping kids were heaven sent. Ang mga ito kasi ang nagpawala ng lungkot sa mukha ni Hyde.

Ang malaki lang na katanungan sa kanya ay kung ang Chloe ba na kilala nila ni Hyde ang ina ng mga ito. The possibility is high. Alam niya na wala naman si Hyde naging malapit na kaibigan sa nakalipas na taon. But as Hyde said pwede rin na iba ang Chloe na iyon.

Natigil siya sa pagtingin sa dalawang bata nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at agad na sinagot ang tawag nang makita na ang papa niya ang tumatawag -- ang ama nila ni Jake.

"Yes, 'pa. Bakit po kayo tumawag?"

"How are  you, Devin?" Tanong nito.

"I'm fine."

"May balita ka ba kay Jake? Did the two of you meet already?" Sunod-sunod na tanong nito.

Hindi naman siya nagtataka na ito ang pakay nito sa pagtawag sa kanya. As usual Jake was a constant pain in the neck to his parents. Tiyak niya na hindi na naman nito kinokontak ang papa at mommy nito.

"We did meet." Tipid niyang sabi. Several times. But that times always ended us hating each other more. He wanted to say those words to his father but he chose not to. Ayaw niyang bigyan pa ito ng alalahanin kahit alam naman niya na alam nito na may lamat ang samahan nila ni Jake. Lamat na hindi na maaayos kailanman. Lamat na mas nadagdagan pa.

"So how is it? Did you tell him to contact us again?"

"I did," pagsisinungaling niya.

"Is he fine? Is he doing good?"

"Yeah. As I've heard he is opening a business soon.  I can't tell you much details 'cause our meeting is brief."

"Okay. I'm glad that he's doing okay. I'm also happy knowing that he was busy and opening a business soon. Keep an eye on him for me, Devin. Nag-aalala ang tita mo sa kanya."

"Opo."

After the conversation end, Devin felt so drained. Lying to his father wasn't a good thing for him. He felt so bad about it. But on the other way, he was convincing himself that he did it for their own sake. Ayaw niyang mas lalong mag-alala pa ang mga ito kapag nalaman na nagkapisikalan sila ni Jake. Mali, hindi nagkapisikalan dahil si Jake lang naman ang nambugbog sa kanya. Hindi siya lumaban. Ayaw niyang maging dahilan pa iyon para umuwi ito ng bansa gayong marami nang iniisip ang mga ito sa lugar na kung saan ang mga ito.

String from the Heart Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon