Epilogue

1.5K 75 10
                                    

-

Epilogue

[Madeline]

Sabi nila... kapag mahal mo, hindi mo iiwan.

Sabi naman ng iba... kapag mahal mo, babalikan mo.

Nasaan nga ba ako sa dalawang sitwasyon na 'yan?

Hindi naman kasi basehan ng pagmamahal ang mga 'yan eh.

Para sa akin kung mahal niyo talaga ang isa't-isa, gagawa at gagawa ang Diyos para pagtagpuin kayong muli hindi sa tamang panahon kundi sa tamang pagkakataon.

'Yung pagkakataon na, handa na kayo pareho at kaya niyo ng ipaglaban ang pagmamahalan niyo.

'Yung pagkakataon na, hindi na kayo natatakot sa pwedeng mangayari sa hinaharap dahil alam niyong magkasama naman kayo.

At

'Yung pagkakataon na, matatanggap niyo na sa sarili niyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ang pagsasama niyo hindi lang bilang mag-asawa kundi bilang may pamilya.

Kaya maraming salamat sa Diyos sa pamilyang ibinigay Niya sa akin.

Alam kong hindi magiging madali ang mga darating pang pagsubok sa aming buhay pamilya, but with God in the center of our lives. Makakaya namin ito lahat.

"Sorry, Love... I tried my best." Mahinang sabi nito sa tabi ko.

"Bakit ba sa akin ka sorry ng sorry? Kay Mara ka mag sorry... Ano? Pinansin ka na ba?" Mahinahon kong tanong dito.

Dumating kasi ito kung kailan tapos na ang 4th birthday ni Mara. Eh kung si Matty noon, Daddy's boy. Mas malala si Mara. Daddy's girl din kasi. Kaya nagtampo ito sa kanya. Pagkatapos umiyak ni Mara ay hindi na nito pinapansin ang ama kahit may regalo pa itong dala.

Ganito ang mahirap sa mga mayayaman eh. 'Yung hindi nila nagagawan ng paraan na makasama ang kanilang pamilya dahil sa trabaho. Hindi ko naman pinangarap na maging mayaman, sadyang mayaman lang sila at masipag siya.

"Nag sorry na ako Love... Alam kong magkaugali kayo ni Mara kaya nagtatampo ka din. Sorry. Hindi na mauulit." Sabi nito saka yumakap sa tagiliran ko.

"Kakausapin ko si Mara bukas. Bumawi ka na lang sa kanya. Wag mo na talagang uulitin Dayne. Kung si Matty naiintindihan ka noon na dalawang beses kang late sa dalawang birthday party niya eh si Mara hindi. Ok lang na late, 'wag lang 'yung tapos." Paliwanag ko dito.

"Opo Love... Sorry talaga."

Kinabukasan ay hindi pa rin ito pinapansin ni Mara.

"Baby, anong gusto mong pasalubong ni Daddy mamaya?"

Umiling lang ito sa ama. Kinausap ko na ito nang magising. Sabi ko hindi naman sinasadya ng Daddy niya na dumating na tapos na. Babawi naman ito sa kanya.

Binuhat ni Dayne sa Mara at hinalikan sa pisngi ng paulit-ulit.

"Babawi si Daddy. Ngayon natin i-celebrate birthday mo." Nakangiting sabi ni Dayne dito.

"But it's not my birthday anymore..." Mahinang sagot ni Mara.

"Kahit na Baby. Pwede namang magcecelebrate kahit ilang beses at kahit anong araw."

"Ok."

"Bati mo na ba si Daddy?"

"Yes..."

"I love you..."

"I love you..." Sabi nito saka yumakap sa leeg niya.

Ang gandang pagmasadan ng mag-ama ko.

"Ihahahatid natin sa school si Kuya, gusto bang sumama ng Baby namin?"

"Can I come Mommy?" Tanong ni Mara sa akin.

"Sure Baby."

Hinahatid kasi parati ni Dayne si Matty sa school. Idinadaan niya ito kapag papasok siya sa trabaho.

"Sasama din ako at wala kong kasama dito." Sabi ko pa.

"Yey!" Sabi naman ni Mara na ngayon ay nakangiti na.

Pagkatapos naming mag almusal ay saka namin hinatid si Matty sa school. Hindi naman kalayuan ang school nito pero mas gusto ni Dayne na siya ang naghahatid nito. Hindi niya daw kasi naranasang ihatid noon ng Dad niya.

"Hindi ka papasok sa trabaho?" Pagtataka ko.

"Hindi. I already informed my secretary. Magcecelebrate nga kasi kami ni Mara ng birthday niya 'diba?"

"Oo nga pala. So, date niyo pala?"

Unti-unti itong ngumiti sa akin saka mabilisan akong hinalikan sa labi.

"Gusto mo bang sumama?"

"Hindi na't kailangan mong bumawi. Kami nalang ni Matty ang magdidate." Patawa-tawang sabi ko.

"Good idea, Love. Mag bonding kayo ni Kuya, kami naman ni Bunso."

Napatawa ako saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito. He grinned widely. Tumingkayad ako at marahan itong hinalikan sa mga labi na tinugunan naman nito na ramdam kong nakangiti. I'm so overwhelmed loving this person and feeling his love more than I love him.

Lumayo ako at tinitigan ito sa mga mata. Kitang-kita ko pa rin ang kislap ng kanyang mga mata, mula sa una naming pagkikita hanggang sa ngayon. Sabihin niyo ng 'Walang Gano'n' dahil alam kong gano'n ang sasabihin ng writer nito, pero nakatagpo kasi ako na akala ko din ay wala talagang lalaking ganito kamapagmahal at mamahalin ako higit pa sa pagmamahal na meron ako para sa kanya.

"I love you!" Biglang sabi nito saka paulit-ulit na dinampian ang labi ko saka ngumiti.

"I love you more!"

"I love you most!"

"I love you so much!"

"I love you so much more most! Magpatalo ka na!" Natatawang sabi nito.

"Hindi ka talaga papatalo sa I love you-han eh!" Sabi ko saka yinakap ito. "...Saang fictional story ka ba nanggaling Love?" Mahinang sabi ko na puno ng saya ang puso.

"Sa at worst and at best..." Patawa-tawang sagot nito saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Mommy! Daddy! I'm ready na po!" Matinis na sabi ng aming bunso sa labas ng kwarto namin.

"Coming Baby!" Sabi ng ama nito.

Ngumiti ito saka mabilisang hinalikan ang labi ko.

"Sige na. Puntahan mo na. Baka mainip un, magtampo naman."

Ito !ata 'yung part na wala na akong mahihiling pa dahil ipinagdarasal ko na lang na makayanan namin ang mga bagay na paghihirap na darating upang subukin ang aming pamilya.


-- THE END ❤

*******

Epilogue Posted: January 23, 2017

BOOK 2 - Completed

Dedicated to all my silent readers (Paramdam naman diyan minsan) and active readers (Keep on supporting my stories). Thank you so much! I love you. God bless. ❤💋

Thank God for another completed story! ❤

Spread love! ❤

At Best (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon