03

35 2 0
                                    


Akala ko orientation lang ang magaganap ngayong araw. Di namin alam na ngayon din start ng internship.

Ang ingay sa kwartong pinasukan namin ngayon. Puro staff na kung ano ano ang ginagawa. Di ako napapagod na bumati sa kanila.

Yung mga kupal na Got7 umalis na muna, nagprepare para sa.... ewan ko? Di ko pa nakita schedule nila.

"Ano ba to di ko maintindihan." Ipinasa ko ang papel na hawak ko kay Mia para sya ang magpaliwanag sakin.

"Schedules for today... mcountdown special stage at 6:30." Tiningnan ko ang relo ko at saktong 3:00 na. Kaya pala nagkakagulo na dito.

Pinagprepare na rin kami ng isang staff para pununta sa mnet, sabi pa nila pwede kaming sumabay sa mga vans nila.

Akala ko mamasahe lang kami eh. Papagastusin pa nila kami. Wala na nga kaming pera.

Halos 15 staffs ang kasama including na kaming interns doon. Lumabas na kami ng building at isa isang sumakay sa vans pero bago pa ako makasakay may sumigaw mula sa isa pang van.

"Hana!" Sumenyas sya na kailangan pa ng isa sa van na yon. Ang taray parang jeep lang.

Tumungo ako sa unang van at doon sumakay. Umupo lang ako sa may harap katapat ng pinto. Ayoko ng gumawa ng eksena kung sa likod pa ako uupo.

"Hello."

"Ay shit!" Sabay tawa ng katabi ko. Nagulat ako sa approach nya. Bigla bigla syang nagsasalita sa gilid ko. Ang tahimik pa naman tapos bigla syang magsasalita.

"Gwiyowo!" Sya yung Bambam kanina. Umacting sya na parang pipisilin ang pisngi ko. Kaya hinawakan ko ito at umusog papalayo sa kanya.

"Psycho." Bulong ko sa sarili ko.

"So you're a foreigner?" Pangungulit nya sa akin. Akala ko magkokorean sya eh, baka masapak ko lang sya. Halata namang kaseng hindi ako koreano.

"Obviously." Matipid kong sagot at hindi nag abalang tingnan sya. Kasama ko pala ang Got7 dito sa van akala ko staffs. Wait! Kasama ko ngayon ang Got7?! Shit!

Mabilis kong nilingon kung sino ang mga ugok na nasa likod ko.

Nakatitig sya sa akin, yung mata nya na super cold makatitig sa akin. Kanina pa ba nya ako tinitingnan? Baka sya ang sasaeng fan ko?

"Stop staring it is considered rude."

May sinabi naman yung katabi nya na koreano sa kanya. Siguro translation yun ng sinabi ko.

Nakatitig pa din sya kaya pinaningkitan ko sya ng mata. Staring contest pala ah. Survival of the fittest, walang titibag.

May sinabi sya sa kaibigan nya kaya. Inantay ko ang translation nito.

"He said, he's not staring. It's just an accident that when you look at him, he looks at you too. Stop being delusional. That is what he said." Okay pahiya ako doon. Itayo ang bandera ng napahiya.

"Then quit looking at me, simsimi." Nagtawanan naman ang mga kaibigan nya sa sinabi ko. Yung mukha nya galit na galit na sakin. Ang mga titigan namin parang may mga kidlat ng nabubuo sa gitna.

"Simsimi hyung!" Sabay tawa ulit nila. Binalik ko na ang tingin ko sa kalsada. Malay mo gandang ganda sya sakin kaya titig na titig. Hayaan mo na, baka sinusulit nya ang mga oras.

"Aish!" Napangiti ako ng marinig ko ang iritable nyang boses

"Ya! Ya! Hajima!" Pag awat ng mga katabi nya sa kanya. Delusional. Delusional my ass.

"I like you already. No one ever dared to talk to him like that, but not you. Angela you're really something." Sabi ni Bambam kaya ngumiti na lang ako.

mistaken  ||i.jb||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon