06

33 2 15
                                    

Maaga pa lang ay nasa JYP na kami dahil sa mga schedule ng Got7 ngayong araw.

Nilapitan ko si JB nang makita kong naka upo sya habang nilalaro ang phone nya.

"JB-ssi." Tawag ko sa kanya. Nilingon nya ko pero tuloy pa din ang paglalaro nya sa phone nya.

"Ne?" Tiningnan nya ako habang naka taas ang kilay nya.

"About the pizza and ice cream yesterday...I just wanted to say thank you." Nanatili lang syang nakatitig sa akin kaya nag bow ako at umalis na.

Ang hirap talaga nyang pakisamahan. Parang lagi syang mangangain ng tao.

Pagalis ko nakita kong nilapitan sya ni Mia. Nakangiti sya habang kausap si Mia at mukhang masaya ang pinaguusapan nila.

Bakit pag kay Mia parang ang saya nyang kausap. Ang bait bait nyang tingnan tapos pag ako nagbabago sya.

Porke ba nagkakaintindihan sila tapos kami may language barrier? Di naman dapat ganon.

Lumapit ako sa pwesto nila pero ng makita ako ni JB, tumayo sya at lumayo.

"Anong pinagusapan nyo?" Tanong ko kay Mia habang naka masid pa din kay JB na masayang kausap si Youngjae.

"Tungkol sa schedule nila ngayon, bakit?"

"Ah wala naman."

Hinampas ni Mia ang ulo ko dahilan para mawala ang atensyon ko kay JB.

"Bakit ka nang hahampas?" Habang hinihimas ko ang pinalo nya.

"Kanina ka pa nakatitig kay JB. Iuwi mo na lang kaya sya."

"Hindi ko sya tinititigan." Pagaapila ko.

"Oo tinititigan mo sya."

"Hindi."

"So may pagnanasa ka sa kanya." Napatigil ako sa sinabi nya. Sya naman ang hinampas ko.

"Pagnanasa? Napakababoy mo naman." Bumalik ang tingin ko kay JB na nakatitig na pala sakin. Mabilis syang umiwas ng tingin, ganon din ako.

"Halika na nga." Hinila ko papunta si Mia sa wardrobe para tumulong doon.

Minsan ay napapatingin ako sa direksyon ni JB pero na aabutan ko syang nakatitig na din tapos iiwas sya ng tingin, paulit-ulit na ganon.

Habang ang atensyon namin ni Mia ay nasa mga damit nila, hindi ko napansin agad si Youngjae.

"Oh! Youngjae, do you need anything?"

"Wae?" Tanong ni Mia.

Mukhang yung sinabi lang ni Mia ang naintindihan nya kaya sila ang nagusap.

Sabay silang umalis kaya naiwan akong magisa.

"Ah? Angela?" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin, si JB lang pala.

"Where is Mia?" Tanong agad nya pag lingon ko sa kanya. So, may hidden desire sya kay Mia? Lagi na lang si Mia eh.

"She's together with Youngjae. I think they went in that direction." Bahala sya kung maintindihan nya pero tinuro ko kung saan pumunta si Mia.

"Oh... Can you help me with this?" Ipinakita nya sa akin ang lapel na hawak nya.

Tinulungan ko syang ilagay iyon dahil may wires pa iyon na kailangan ilagay sa likod nya.

Habang kinakabit ko ang mic sa collar ng damit nya ay napapansin ko ang mga titig nya sakin.

"Stop staring, it's rude."

mistaken  ||i.jb||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon