Simula

48 2 6
                                    

.'.'.'.'.' 2nd day na ng aming 4th quarter exam bukas at dapat ay nagstudy na ako ngayon pero pag.bukas ko ng libro ko ay biglang tumunog ang cp ko kaya binasa ko ang notifications (tinype ko pala muna ang password ng cp ko) at ikinagulat ko na finollow ako ni crush sa wattpad. At dahil boring masyado sa bahay, A forlorn love story was born.

.. Isang elementong nagpabago ng aking buhay. Mabuting elemento(malamang) na pina init ng husto ang malamig kong pag-ibig. Ngunit sa pagsapit ng araw mula sa gabing misteryoso, ay biglang nanlamig. Kasing lamig ng tubig na nasa freezer ng aming ref na malapit nang maform ng ice ayon sa aking siyentipikong eksplinasyon.

Ito ay istoryang about o tungkol sa life o buhay, love life rather, ngunit hindi naman matatawag na love dahil kahit kailan ay hindi matatawag na "pag-iibigan" kung mag-isa kalang na umiibig. Ano to? Kung may single parent, may single lover narin?

But seriously, may dalawang bata na nag-aaral sa isang silid-aralan sa parehong paaralan at syempre, classmate sila. Una silang nagkakilala nung kinder 1 pa sila. Isang babae na ang pangalan ay christine, kris for short. At isang lalaki na nagngangalang kyle. Si kyle ay nagmula sa isang may kayang pamilya, buo ang pamilya, at may dalawang kuya. 'di naman gaano kayaman pero kung sa produkto pa, middle class lang. Isa siyang mabuting anak para sa kanyang mga magulang. At makulit na kapatid sa kanyang mga kapatid. Hindi na sya pinag-aral ng nursery at sa halip ay dumeretso sya sa kinder 1. Siguro'y sinadya nga ng may kapal na dumeretso sya sa kinder 1 kung kaya ay nakilala niya ang babaeng magpapatibok sa kanyang puso sa susunod na kabanata na si christine. Isang babaeng mala-diyosa ang ganda, maikli lamang ang buhok, napakatalino sa kanilang klase, at yung inakala ni kyle na syay 7th day adventist. Ngunit catholic pala. Meron din syang isang ina, at isang ama. Only child pa lamang sya nung bata pa sya ngunit nung grade 4 na sya ay biniyayaan sila ng isang pang lalaking kapatid.

Balik tayo nung kinder pa sila. Hindi pa noon nararamdaman ni kyle ang tawag ng Panginoon, este pag-ibig, sa kanya dahil masyado pa syang bata. Nung dumating ang araw na inilipat sila ng kanilang guro sa ibang arrangement ng upuan ay doon na nagkatabi sina kyle at kris. At sa panahong iyon, mas nakilala nila ang isa't isa. 'Di nagtagal ay mas naging malapit sila sa isa't isa at nagkakaintindihan sa kahit anong bagay. Mga bata nga naman. Hindi alam kung ano ang mga pangyayari sa mundo, ngunit isa lang ang nalalaman ni kyle sa kanyang sarili, may pagtingin siya sa babaeng nasa kanyang tabi.

Doon na nagsimula ang SIMULA ng kanilang istorya..

A Forlorn Love StoryWhere stories live. Discover now