Yugto 2

20 0 0
                                    

Memories Remained

Kyle

Napatigil na lamang ako sa 'king ginagawa nang tumunog ang bell hudyat para sa aming second period. Gustuhin ko mang 'umayos sa aking pagkakaupo ngunit talagang dinapuan ako ng matinding antok.

Napapikit ako saglit nang biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko at binati ang teacher namin sa History. Nahuli ako sa pagtayo kaya napunta saakin ang kanyang atensyon at tiningnan ako mula paa hanggang ulo na para bang may inaantay syang sasabihin ko.

"G-good Morning M-ma'am..." bati ko sa kanya kasabay ng hilaw kong ngiti.

"Umayos ka dyan kyle dahil baka kakainin ka na nyan mamaya. Parang halimaw eh." bulong saakin ni dave na nagawa pang tumawa at magbiro kahit nasa harap na si ma'am. Loko talaga to.

"Maaari na kayong umupo" utos samin ni ma'am kaya umupo na lamang kami at binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong classroom.

Habang isinisulat ni ma'am ang kanyang pangalan sa board ay napatingin ako sa babaeng nasa dulo ng classroom.

'Di naman siguro masama kung titigan ko muna sya. Di naman nya ako napapansin dahil busy sya sa kanyang sinusulat.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, nakayuko sya ng kaonti kaya klarong klaro ang mataas nyang eye brows at ang matangos nyang ilong. Her long, brown hair that was placed beside her face makes her more beautiful to look at. Di ko naman sinasabing mas maganda sya pag nakayuko, but she's pretty in any angle where you look.

"Huy! Tinatawag ka ni Ma'am!" sambit ni Rudolf habang kinakalabit ang balikat ko. Di ko kasi namalayang tinatawag na pala ako ni Ma'am Ana. "Yes ma'am?" Masigla kong tanong sa kanya at ikinurba ang pamatay ko ngiti.

"Nasa likuran ba ang pisara Ginoong Kyle Marvic G. Reyes?" tanong niya na nakatingin sakin na para bang galit na galit. Umiling na lamang ako at di na ako nakipag bangayan pa sa gurong ito. At bakit nya alam ang buong pangalan ko?? Aha, gotcha. Di naman nakapagtataka kung pati teacher ko ay maattract rin sa kagwapohan ng mukhang ito. Ako ba naman ang laging napapansin? Ha-ha-ha.
 

"Hoy kyle! Umamin ka nga, crush mo yang babae sa dulo noh?..." Sabay turo dun sa babae. "Ang malas mo tol. Mukhang conservative eh. Di nagpapauto sa mga kagaya mo" dagdag pa ni Jeff at ngumiti na para bang may binabalak na masama.

"Uyyyyy... Si kyle, nagmamahal ulit. Siguro naman, di ka na mafri-firend zone nyan pare? Nasaan na ba yung ninja moves natin dyan??" Giit ni dave na syang nagpawala sa aking sigla kaya naging seryoso ang pagmumukha nya.

"Sorry naman. Ikaw kasi, may pa titig titig ka pang nalalaman" dugtong pa nya kaya agad ko syang binatukan. "Wag mo kasi akong itulad sa lokong katulad mo Dave, you jerk. Ilang babae na ba ang napaiyak mo kahapon?" Biro ko sa kanya at tumawa nlng din sila Jeff at Rudolf na sya naman ikinainis ni Dave at napatingin nalang sa white board.

Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon ni Dave at di sya makaganti dahil pinag tutulungan na sya nila jeff. "Subukan nyo kayang tumahimik at itigil yang bangayan nyong apat? Naku, mabuti nalang at wala pa dito si Mrs. Ana, kundi lalapain talaga kayo ng lion na yon" ratatat naman ni Mawie, bagay na ikinatahimik naming apat.

Simula pagkabata ay kilala na si Mawie bilang taga pangaral saamin. Medyo may pagka kj din kasi tong babaeng ito kaya wala kaming magawa kundi saluhin lahat ng ratatat nya. Pero mabuti nadin yun dahil medyo hindi kami mapapahamak kapag nandyan sya.

Si Dave naman, babaero. Walang pake sa buhay. Yung tipong YOLO? You only live once kaya naman kahit anong masagap na kalokohan ng kanyang utak ay ginagawa nya. Pero bilib ako sa lokong yun, dahil kahit papano'y matataas parin ang grades nya dahil yun nalang ang nagpapasaya sa kanyang ina na nag-iisang bumubuhay sa kanilang ang magkakapatid.

Maya maya't dumating na si Ma'am Ana na may dalang record book. Kaya medyo kinabahan ako dahil first na na first day?? Quiz agad? History pa naman, ang Boring...

"I'll be grouping you into three. And by next week, we will have our reporting." instruction nya saamin kaya tumango na lamang kami.

"Huy grupo tayo ha!?" Aniya doon.

"Kyle! Ano na? Groupmates tayo!" Aniya dito.

"Anu bayan, reporting kaagad" aniya roon.

"Ma'am!! Kami na po tatlo magkagrupo!" Aniya rito.

Dahil napakaingay, napilitan si ma'am na sya na ang pipili ng groupings. Para narin daw makilala namin yung iba. At sumang-ayon naman sila.

May ibang masaya sa kanilang ka grupo at mayroon namang iba na ayaw na ayaw ang kanilang grupo. Pero sa grupo ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo halo ang sumasagi saaking isipan. Masaya na hindi. Naiinis na nababaliw. Ewan. Napatingin na lamang ako sa kawalan at nag-isip.

Paano ako makakapag concentrate nito kung magkagrupo kami? Pano kung mapahiya ako sa kanya? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pag nagpakilala na kami sa isa't isa. Alam ko ang OA pakinggan pero hindi ko pa siguro kayang malaman na nakalimutan na nya ako.

Some memories faded away, but why are my memories with you are still remaining not just in my mind, but here, in my heart.

KATAPUSAN NG IKALWANG YUGTO

Author's Note: i dedicate this to SHEB! hahahaha. Sorry po sa late update. Tinatamad kasi ako hehehe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Forlorn Love StoryWhere stories live. Discover now