Yugto 1

30 0 1
                                    

Be with you

Kyle

*flashback*
'Di ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito. Ngayon ko lang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang  humihinto ang pag-ikot ng mundo sa kanyang axis. 'Di ko maipaliwanag. Ano ito?

"Kris? Pwede ba kitang maging partner sa darating na Recognition?"  sa walang pag alinlangan kong inalok kay kris.

"Ok kyle" sagot niya sa akin. At booommm! Ang saya ko!!

*end of flashback*

Anong oras na? Manong driver, wala nabang mas bibilis pa sa takbo nito? Unang klase pa naman ng pagiging high school ko. Hay nako.

Konti nalang. 1... 2... 3... 4..-- "Bayad po manong!" inabot ko kaagad ang pamasahe at tumakbo papasaok ng eskwelahan.

Dinamdam ko ang bawat yapak ng aking mga paa sa pagpasok ko. "Kyle, makukulong ka dito sa loob ng apat na taon. Magtino ka Kyle ha??" sabi ko sa sarili ko.

"Uhm, excuse me sir, saan po ba yung building ng Grade 7?," tanong ko dun sa teacher na nakatayo sa may gate. "Sa second floor po kuya," aba, napakagalang naman ng teacher na to, hahaha.

Tumakbo na kaagad ako papuntang second floor at hinanap yung pangalan ko sa bawat classroom. At yun na nga, dun sa dulo ng building na katabi ng cr ako inilagay. Pero okay na rin, atleast nasa first section ako, di ako mapapahiya sa mga kuya ko, hmmm..

                      ~~~~~~~~~~~~~

"Hail Mary full of grace the Lord is with you, blessed are you among women and blessed is the fruit of thy womb Jesus.....Holy Mary......." Habang paparami ang hakbang ko patungo sa naispatan kong upuan, paparami din ang mga matang nakatitig saakin habang sila ay nagdadasal. Ano po ba ako? Artista? Haha joke lamang.

Nakita ko kaagad sina Dave at Rudolf dun banda sa may bintana kaya dun na din ako umupo malapit sa kanila. At pagkaupo ko nakita ko na rin sina Mawie at Jeff.

Sina Dave, Rudolf, Mawie, at Jeff ay mga kaklase ko noon nung grade 6 pa ako at obvious naman siguro na sila lang yung kilala ko masyado.

So yun na nga po, habang sila ay nagdadasal, di nmn ako maka sabay dahil 'di ko yun memorize. At isa pa, wala akong ka alam alam sa prayer na yun dahil hindi ako nanggaling sa Catholic School kaya tumingin nalang ako sa paligid.

Kaonti nalang ang may bakanteng upuan. Yung iba seryoso sa pagdadasal, yung iba naman serysoso din sa kaka daldal. Lalo na yung mga babae na nasa bandang likuran sa gilid.

'Di ko maiwasang mapatingin dun sa mga nag dadaldalan sa likod lalo na dun sa babaeng napaka pamilyar ng kanyang mukha. Tinitigan ko sya ng tinitigan hanggang sa magkatagpo yung aming mga mata at bigla rin naman akong umiwas. At dun ko na sya naalala. Yung mga mata nyang kasing liwanag ng kristal. Oo nga, sya na nga yun.

Sinadya nga ba ito ng tadhana na ipagsama kami sa iisang silid??

* flashback*

"Okay boys, be ready ha, and put your left hand to your hips." instruction saamin ni teacher. "Okay po teacher." Sagot ng mga kalalakihan.

"Girls, hawak kayo sa left hand ng inyong mga partner. Tingin lang sa inyong dindaanan ha?"

Hmm, para naman kaming ikakasal nito. Ang sikip sikip pa naman ng damit ko.. Ughh, nakakahiya kay Kris. Umayos ka kyle ha?!

"Ahh, kris? Okay ka lang ba?" una ko nang itinanong kay kris kasi napakatahimik nya. "Okay lang ako kyle. So ano? Ready ka na?"  tanong nya saakin.

" Oo naman, kagabi pa. Haha, ehh ikaw, mag-ingat ka ha at baka matapilok ka mamaya, mahulog ka tuloy sakin nyan." patukso kong sinabi kay kris. "Eh? Yan ka nanaman kyle! Kinakabahan na nga ako dito, nagbibiro ka pa." palungkot nyang sagot saakin.

"Kris, don't worry. I'll be with you."

*end of flashback*

Ikaw na nga ba yan Kris?

KATAPUSAN NG UNANG YUGTO

A Forlorn Love StoryWhere stories live. Discover now