Max's Pov
Pagdating ng gabi, tumigil muna sila sa paglalakabay at mag papahinga muna sila, nag sisindi si Pritz nang Apoy para sila'y mainitan at hindi lamigin pag natulog na sila habang Naghahanap ng makakain sila Sunny at Maria, biglang nag salita si Sunny
"Parang may napapansin ako sayo pag nandyan si jax ah" pang aasar ni Mowesty
"Ha? a..e" hindi pa tapos mag salita si Maria nang nag salita si Sunny
"i..o..u?? Wag mo nang itago, alam ko na. May gusto ka kay Jax" sabi ni Sunny
Huminga nang malalim si Maria at sinabing tutoo ang hinala ni Sunny kinwento rin ni Maria kay Sunny kung paano nagkakilala silang dalawa, at simula nang naging halimaw na siya nahihiya siyang sabihin kay Jax ang tutoo baka daw kase matakot lang si Jax
" kaibigan ka naman niya at saka kung matatakot man siya sayo pag sinabi mo ang tutoo nandito lang ako at si Pritz para paintindihin sakaniya" sabi ni Sunny
Niyakap ni Maria si Sunny nang mahigpit at bumulong ito sakaniya
-
-
-
-
"Salamat Sunny"..sabi ni MariaNang nag hahanap pa sila Mowesty nag uusap naman si Jax at Pritz
"Kung sana alam mo lang kung ano na si Maria ngayun" sabi ni Pritz
"Bakit? Pinarusahan rin ba siya ni Lavishna?" takang tanong naman ni Jax
"Oo, ginawa niyang Halimaw si Maria" sabi naman ni Pritz nang walang pag aanlinlangan
"Bakit naman gagawin iyon ni Lavishna? E Mabait at magandang tao si Maria?" tanong ni Jax
"Tama ba ang narinig ko? Sabi mo na maganda at mabait na tao si Maria?" sabi ni Pritz
Hindi agad nakasagot si jax, hanggang umamin ito na may gusto siya kay Maria, at palagi niyang iniisip kung mamahalin rin ba siya ni Maria at ngayung Bulag na siya
"Alam mo sabi saakin nang aming ina ni Summy "Kahit sino man ang kapwa mo, mahalin mo siya kahit ano mang itsura niya mahirap man o mayaman pantay pantay pa din naman tayo" kaya sa tingin ko mamahalin ka ni Maria kahit Bulag ka na" sabi ni Pritz
Naka balik na si Sunny at Maria na may dalang mga prutas na halatang pinitas sa puno may dala rin naman silang mga kahoy para sa apoy na gagawin ni Pritz
Sa susunod na araw, nag lakbay ang apat nang biglang umulan nang malakas, napahiwalay sila Jax at Maria kila Sunny at Pritz, naka hanap si Maria nang isang kweba na pwede nilang pag silungan kahit pansamantala nang biglang may sinabi si Jax
BINABASA MO ANG
Ginovia
FantasyDiwatang napakamasaril at gumagawa ng mga Planeta, sa dinarami-dami ng planetang ginawa niya, ni isang tao walang nakatira. Hanggang sa naisipan niya na lang na gumawa ng isang planetang may mga tao at mga iba pang nilalang na tinatawag na "Pashneya...