"Mane... patayin mo na nga iyang alarm clock mo nakakarinde na" sigaw sa akin ni nanay kasi ayaw ko pang patayin yung alarm clock baka kasi makatulog ulit ako. Ayaw ko pa namang maging late sa first class ko ngayong college.
"Opo nay"
Nagbigay galang ako kay nanay baka kasi bawasan ang baon ko. Gawain kasi ni mama yun kapag nagagalit sa akin, ewan ko ba dyan pero mahal ko yan.
"Maligo ka na at magbihis tsaka nakahanda na ang mainit na tubig ihalo mo na sa timba kasi malamig ang panahon, baka sipunin ka"
Salamat talaga at may magulang akong katulad ni nanay na kayang tumayong ina at ama, thanks God sa pagpapanatili nyo kay nanay.
Naligo na ako at nagbihis, matapos non ay kumain narin ako. Ang bait talaga ng nanay ko alagang alaga ako.
"Nanay aalis na po ako baon ko po..." nilambing ko si nanay sabay halik. Ganito naman ako lagi kay mama na parang walang bukas makalambing.
"Eto 500 galingan mo ha... Godbless" I think mas kinakabahan pa sa akin si Nanay sa pagpasok ko sa bagong school.
Lumabas na ako sa bahay at naglakad ng almost 5 minutes para makarating highway.
Pumara ako ng jeep at agad na umupo malapit sa PWD seat at nag-ayos muna ako ng sarili. Habang naglalagay ako ng lip tint napatingin ako sa katabi kong lalaki at saktong nakatingin rin siya sa akin kaya agad akong bumalikwas. Ibinalik ko na sa bag yung mga gamit ko at kinuha yung wallet ko.
"Kuya pakisuyo nga po" pinaabot ko sa katabi kong lalaki yung bayad and guess what? Parang wala siyang narinig!
"Kuya pwede po paabot?" Medyo pasigaw kong sabi.
Nakakainis! kala mo talaga kung sino eh, kung di kalang talaga gwapo.
"Saan tong 20" tanong ng driver na kala mo nasa palengke.
"Sa Henchley University po!" nilakasan ko para mairita yung lalaki sa tabi ko. Tumigin lang siya sakin at sa uniform na suot ko. Siguro narealize niya na same school kami nang papasukan.
Infairness ang bango ni kuya ahh. Papasok rin kaya siya sa School? I mean as a Freshman?
Nakababa na ako ng jeep at kasunod ko ang lalakeng katabi ko sa jeep siguro dito nga rin talaga siya mag-aaral? Obvious naman diba? Kaya nga parehas uniform eh. Pero may mga branches kaya ang Henchley University. Hindi ko nalang sya pinansin at tinuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa campus.
Habang naglalakad ako inisip ko kung sino ang mga kaklase ko na nanggaling sa school ko para di naman ako ma out of place, Sobrang kinakabahan talaga ako pero kaylangang mag-aral kaya pumasok na ako ng gate ng campus
"Miss ID"
"Ay! Footspa!..." Nagulat ako sa guard kaya pala kinakabahan ako kanina eh may manggugulat pala sa akin kainis. Nilabas ko na lang sa bag ang ID ko at pinakita sa kanya.
May ID na kami kami kahit di pa nagsstart ang klase. Isa ito sa mga rules ng school para may identity agad ang mga students.
Lumingon-lingon ako sa likod ko kung sino ang nakakita nang nakakahiyang pagkagulat ko kay kuya guard at nakita ko yung lalaking nakasabay ko sa jeep na nakatakip ng panyo sa bibig na parang tumatawa. Ano bang nasa isip niya? Ngayon lang ba siya nakakita nang nagulat?
Nang makapasok na ako pumunta na agad ako sa building para sa Freshman at pumunta sa isang malaking wall kung saan nakapastil ang mga papel at listahan ng mga pangalan ng estudyante. Malapit lang rin ito kung nasaan ang mga rooms na pagkaklasihan.
BINABASA MO ANG
Secretly I'm In Love With My Best Friend
Teen FictionA story of a teenage girl who's having a problem of choosing between the two: The one who loves her or the one that she wants. Will she be able to make a right decision or will regret it?