Chapter 3

26 2 0
                                    

Aisle's POV

"Tara dun! Sakay tayo sa ferris wheel" - masaya kong sinabi sa kasama kong lalake.

Paborito ko talaga ang ferris wheel. At kapag pupunta kami sa mga carnival, ito ang una kong sinasakyan kahit na walang kasama. Dahil gustong gusto ko makita ang lahat sa taas. Eagles's eye view kumbaga.

Tumango siya at pumunta nga kami dun. Nakasakay na kami at di ko makita ang mukha niya. Habang pataas ng pataas ang sinasakyan namin. Unti unting sumisinag ang araw sa amin. At malapit nang suminag banda sa mukha niya. Nakita ko na ang pambaba ng mukha niya. Tapos may narinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko.

"Aisle... Aisle..." - tawag sa akin ng isang babae.

Unti unting naglalaho ang mga nakikita ko hanggang sa...

"Aray" - sigaw ko pano ba naman kasi nalaglag na pala ako sa kama

Ano ba yan?! Sandaliii. Pinikit ko ulit yung mga mata ko. Konting konti nalang eh. Pero di na bumalik pa sa panaginip ko.

"Aisle, yung kapatid mo nauna na. Kain ka na dito." - sunod na sabi ng lola ko

"La naman ee." - naiinis kong sabi dahil  hindi ko nakita yung hitsura ng lalake sa panaginip ko

"Naman naman! Halika na dito. Itong batang to." - lola

"Opo" - sabi ko nalang kahit na bumalik ulit ako sa kama ko at nagkumot ulit dahil kalamig at napapikit nalang ulit ako.

Sobrang sarap ng tulog ko pero pumasok si lola sa kwarto ko at ginising ulit ako kaya naman. Wala na akong nagawa pa. Kaya inumpisahan ko nang kumain.

"Yeys Scrambled egg with cheese and sliced hotdog plus cup noodles seafood flavor" - magiliw kong sinabi. Ito kasi ang paborito kong kinakain tuwing umaga. Kaya mahal na mahal ko si lola eh

"Dalian mo na diyan at malelate ka na" - singit ni lola habang sarap na sarap ako sa pagkain

"Opo" - sambit ko

UntitledOnde histórias criam vida. Descubra agora