Chapter 1 - Campus Hearthrob meet miss sungit

34 1 0
                                    

The Campus Hearthrob Meet Miss Sungit

Vice's POV: Hello guys! Kilala nyo na naman din ako di ko na kailangang magpakilala. First day of 2nd year college ko dito sa FEU. At paalis na ako...

"Brad! Ang bagal mo naman Brad! Bilisan mo naman jan. Malalate na tayo ohh" sigaw ko kay vhong sa pinto ng kwarto nya. Dito na kase nakatira yung pinsan ko. Matapos pumunta ng nanay ko sa amerika para mag trabaho. At ang kinukuha ko nga palang course ay engineering

"Oo na nandito na. Masyado ka namang excited brad eh. Excited ka naman bagang makapagpaasa ng girl? Hahahhaa" sabi sakin ni vhong at binuksan nya na yung pinto

"Abno ka talaga. Syempre hindi noh. Excited lang ako pumasok. Para makapagbasketball na ulet tayo" sabi ko na lang sakanya habang pababa kami sa hagdan

"Kuys Vhong at Kuys Vice ang pogi natin ngayon ha. Talagang pinaghandaan nyo ang pagbabalik sa school ah. Hahaha" sabi samin ni jugs. Si jugs ay barkada din namin. Nanakikitira dito saamin. Dahil wala silang mahanap na matutuluyan sa maynila habang sila ay napasok. Kasama din nya yung pinsan nyang si teddy

"Hahaha Hindi naman sa ganon. Pero tara na okay na ba lahat?" tanong ko sakanila

"Ah oo okay na ang lahat. Handa na rin yung driver natin. Na akala mo papasok din hahahaha" biro ni teddy natawa naman kaming lahat doon. At lumabas na kami

---

Author's POV: At habang papunta sila sa FEU..

"Brad. Pano maghahanap ka na naman ba ng bagong freshman na lolokohin mo?" biro ni Vhong kay vice. Hahaha

"Alam mo. Ituon mo na lang yang pansin mo kay anne. Na hanggang ngayon di mo pa rin inaamin na mahal mo sya." Sabi ni lang ni vice sakanya

"Ano ka ba. Aamin din ako noh. Di nga lang ngayon. Pero brad matanong ko lang ha? Itigil mo na kaya yang pagiging playboy mo. baka kase bumalik sya magulat ka na lang" sabi ni vhong out of nowhere

"Hay Vhong. Ikaw ba yong may gusto sa kanya o ako? Kase kung maka asa ka diyan na babalik sya. Alam mo di na ako naasa na babalik pa sya" sabi ni vice sakanya. Magkatabi lang kase sila tapos nasalikod sina jugs and teddy na tahimik na nakikinig don sa dalawa.

"Kaya ka lang naman naging ganyan ng dahil sa kanya eh sya lang naman ang magpapabago sayo" sabi ni vhong. Napaharap naman sa kanya si vice

"Oo sya yung nagpabago sakin noon. Pero sya din ang may dahilan kung bakit ganto ulet ako ngayon" sagot ni Vice kay Vhong

"Hayy.. naku edi ibig sabihin di ka parin nakaka move on" sabi ni Vhong

"Vhong it's been 3 years seen she left me. Kaya moved on okay? Magbabago lang ulet ako. Kung merong babae. Na kasing tulad nya at FYI naka moved on na ako" sabi ni vice at humarap na lang sa bintana

"Ah mga sir nandito na po tayo. At mukhang ang daming naghihintay sa inyo haha" sabi samin ni manong ben

"Haha manong ben sige dito na lang po. Mamaya na lang po ulet" sabi ni vice at binuksan nya na yong van. At pagbaba nila ni vhong syempre nag iritan na yong mga babae. Diba famous talaga noh? Hahaha

"Hi papa vhong at vice pogi!" sabi nong mga babae habang palakad sila papunta kung nasaan sina billy na naghihintay din sa kanila

"Hahaha kuys nakaraos din kayo sa mga babae jan at mga pa girl. Haha nakanina pa kayong pinagkakaguluhan" salubong sa kanila ni billy

Story Of Another Us (Vicerylle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon