BES.

7 0 0
                                    

Hello, This Is The Author's Best Friend. Basahin mo muna ang Mga Ita'type ko. 

Patugtugin ang Song Habang Binabasa. \

  Ang pagpanaw ng isang kaibigan ay isa sa pinakamahihirap na pagsubok na naranasan ko. Natural lang na magdalamhati kapag namatayan. Nalulungkot ka dahil mahal mo ang kaibigan mo. "Kayo ay mamuhay nang magkakasama sa pag-ibig, kaya nga tatangisan ninyo ang pagkawala ng mga yaong namatay"   

  Last friday, i was so shocked sa isang nakalulungkot na balita. i was having my lunch that time when one of our friends called telling me that My Bestfriend  or , The Author of this Story ( My Alien) died.  

  habang sinasabi sa akin ni lou ang details wala akong ibang magawa kundi umiyak nalang sa isang tabi. kinilabutan ako noong panahong iyon. AYOKONG MANIWALA. oo, ayoko talagang maniwala hanggang sa kinumpirma na nga na wala na talaga siya. na kasama nga si Bes  sa nalunod sa Batangas .  Na pati ang dalawang kapatid niya at mom niya wala na rin. 

 that time, i ask my self, bakit si Bes pa? she is just 15. marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay. bakit si Bes pa? na alam kong napakabait? at bakit si bes pa? na maraming nagmamahal sa kanya.

  noong mga panahong iyon sobrang natulala talaga ako sa mga pangyayari. ang mahirap pa dun magkakahiwalay o magkakalayo kaming magkakaibigan ng mabalitaan namin iyon. naghahanap kami ng pwede naming pagshare-ran ng nararamdaman. yung grief, yung pain, yung sadness. halo-halong pakiramdam.  

  sa buhay ko, hindi ko pa naranasang nawalan o mamatayan ng kapamilya. kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mawalan. pero si Bes, kahit hindi ko kapamilya, sobrang sakit ng dinulot ng pagkawala niya. ngayon lang ako nalungkot sa tana ng buhay ko ng ganito katindi.  

  noong gabi ding iyon, hindi talaga ako makatulog. inantay ko ang balita, umaasang walang katotohanan ang lahat ng iyon. nananalangin na sana hindi si Bes ang bangkay na makita pero natapos ang gabing tila hindi ako binigyan ng pag-asa sa mga aking hiling. humiga ako, umiyak sa tabi ng tatay ko, at naglabas ng sakit na nadarama.  

  sa pag-iisip ko, hindi talaga ako dalawin ng antok. hanggang sa dumating ako sa punto na may naririnig akong iyak. noong mga panahong iyon, hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang mga iyak na naririnig ko o sadyang may umiiyak lang sa tabi ng tinutuluyan namin. umiikot ako sa kama na tila bagang di ko mahanapan ang kapayapaan sa puso't isipan. hanggang sa napagod nalang ako sa kakaiyak at kakaisip kung kaya't nakatulog din ng saglit.  

  hanggang ngayon, ilang araw na rin ang nakalilipas, di ko parin mapigilan ang sarili ko na umiyak sa tuwing naalala ko ang nakapanlulumong pangyayari. dati kung may nakikita akong nalalandslide, nlulunod , at binabagyo, nakikisimpatya ako. pero ngayon, isang malapit na tao sa puso ko ang namatay dahil sa delubyo ay iba pala ang pakiramdam nito.  


  si Bes  lang naman ang pinaka unang naging tunay na kaibigan ko dito sa Buong Mundo . si Bes  lang naman ang tinatakbuhan ko noong mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko. si Bes  lang naman ang nakikinig sa lahat ng saloobin ko. at si Bes  lang naman ang isa sa mga tunay na kaibigan kong alam kong laging andiyan pag kailangan ko.  


masakit magpaalam sa taong malapit sa puso mo, pero mas masakit magpaalam kung alam mong ang taong iyon ay kailan ma'y di mo na makakatagpo.    

PASENSYA NA SA MGA NAGBASA NG MY ALIEN KAHIT ONTI LANG KAYO NAAPRECIATE NIYA YUN. AT PASENSYA DIN DAHIL DI NA MAUUPDATE-AN ANG MY ALIEN . PERO ANG ISANG STORYA NIYA AY AKO NALANG NAG TUTULOY. SOBRANG LUNGKOT ANG NANGYARI SAAKIN. BINIGAY SAAKIN NG TITO NIYA ANG CELLPHONE SAKIN. DAHIL AKO ANG BESTFRIEND NIYA SA BUONG MUNDO. 

SORRY GUYS. RIP RACHEL MAE FAJARDO. (BTS FAN/ ARMY) 

My AlienWhere stories live. Discover now