Pag-ibig na di Makatotohanan

57 1 0
                                    

Oh kaysarap pagmasdan ang iyong maamong mukha,
Makinis,  maputi at talaga namang nakakatuwa.
Ikaw ang laman ng aking puso’t isip,
Hiling ko’y ika’y laging masilip.

Ang saya ng bawat umaga,
Lalong-lalo na pagkasama kita.
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos,
Asahan mo ang pag-ibig kong ito’y di rin matatapos.

Subalit ng ako’y tumingin sa aking kanan,
Kalumbayan ang aking naramdaman.
Ang akala ko’y wala itong katapusan,
Ngunit ang tadhana ay sadyang puno ng kawalanghiyaan.

Sapagkat nang magtagpo ang ating mga mata,
Doon ko napagtanto na panaginip lang pala.

Pag-ibig na di MakatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon