Doom 1

10 0 0
                                    


Tyler's POV

"Ate? *knock knock* Ate gising na male-late ka na sa first subject mo!" Pasigaw na sabi ko kay ate Tyra sa pinto niya. It's almost seven in the morning at tulog mantika parin siya. Nagpuyat na naman ata kakalaro ng computer games.

Hayyy, pero kahit ganyan ang ate ko mahal na mahal ako niyan. Overprotective na nga ehh baka hindi pa ako magka girlfriend dahil sa kanya.

Oh btw. I'm Tyler Dave Katsuragi. 17 years old taking up Culinary Arts. Kaisa isang kapatid or kakambal ni Tyra Denise Katsuragi.

Napa iling nalang ako at binuksan ang pinto. Tulog mantika talaga kahit kelan.

Pagtingin ko kay ate ay naliligo na siya sa sarili niyang pawis na tila ba'y tumakbo siya ng ilang kilometro.

"T-Tyler." Mahinang sambit ni ate. Wow sleep talking? Ngayon lang to ah at pangalan ko pa ang nabanggit niya. Mahal na mahal talaga ako ng ate ko pero, ate incest is forbidden. Bahagya kong biro sa isip ko habang tinitignan siya.

Napawi ang ngiti ko nang mapansin kong parang makaka pusan na siya ng hininga. Wait? Is she having a freaking nightmare???!!

Inalis ko ang kumot niya at hinawakan ang kanyang balikat at inuga uga siya ng marahan.

"Ate! Uy ate gising!" Panggi gising ko na halos mas nilakasan ko yung pang uga ko dahil kung hindi, hindi na talaga siya magigising.

"Ate!" Huling sigaw ko sa kanya at biglang napaupo siya at sumigaw ng 'Wag!' Na bahagyang iniharang niya yung dalawa niyang kamay.

-_-" hala inaano ko kaya to?

"Wag ka dyan?! Inaano kita? Binabangungot ka na nga e ayaw mo pa pagising?" Pagsusungit ko.

Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya at hinanap ang eyeglasses niya sa bed table.

"Eh kasi..." Ambang pang rereklamo niya.

"Wala nang 'eh kasi eh kasi'! Tumayo ka na dyan at malelate kana." Iiling-iling kong iniwan si ate na inayos na yung kama niya.

"Ate talaga kahit kelan." Napangiti ako at bumalik sa kwarto para mag ayos at papasok na din ako.

~~~~

Tyra's POV

(Sigh)

Buntong hininga ko matapos ayusin ang kama ko.

"Buti nalang at panaginip lang yun kung hindi naku! Maloloka ako." Iiling-iling kong sabi sa sarili bago kumuha ng damit at dumeretso sa banyo.

Sa tagal ng pagbababad ko sa shower, heto ako ngayon absent na naman sa first subject at dumaan nalang ako sa computer shop para hintayin ang second subject ko ngayong araw.

Oh! I forgot to introduce myself. How rude of me. I'm Tyra Denise Katsuragi. Half Filipino and Half Japanese. Wag mong sabihing Pilipanese babatukan kita. Just kidding xD

So yun nga, dahil late na naman ako ay naglaro nalang ako ng League of Legends. Dahil 8 palang ng umaga ay nandito na ako.  Halos limang oras akong naglaro sa shop. May ipon naman ako kaya hindi problema ang bayad ng rent sa pc. 7 games and I'm having a lose streak. Just great. I'm really having a  bad day.

"Dee~." Malumanay na tawag sakin ni Cloe na ramdam ng kasama niya si Zaemin na nagtitimpi ng galit. Nakooo panigurado ay sesermunan na naman ako neto dahil sa pagkalate at hindi pagpasok ko sa first subject namin.

"Later Zame. Let me finish this first." Pauna kong sabi at rinig ko ang pagkadismaya sa pagbuntong hininga niya. Bahagya kong nilingon si Cloe at binigyan ng maliit na ngiti at tinanguan lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Queen of the Undead SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon