"hello? hello? bro?!" tawag ko kay Ryan sa kabilang linya ng telepono nang nagsisisigaw ang mga kasama niya at nakarinig ako ng mga nababasag na bagay at putok ng baril. Biglang namatay ang linya.
Wait. Putok ng baril? Hindi ba nasa school siya?
Sa takot at pag aalala ko sinubukan kong i-dial ulit yung number niya kaso walang sumasagot. Sa pangatlong beses na tawag ko ay sa wakas at sinagot agad niya.
"hello? Ate??! Ate!! Maghanda ka na dyan! mag-ingat ka! kumakalat na sila! Hwag mo kaming alalahanin dito tawagan nlng ulit kita ate! Bye! takbo---". Sunud-sunod na sabi ni Ryan nang sinagot niya ang tawag. Halata sa boses niya ang takot at hingal na malamang ay galing siya sa isang takbo na tila bang may humabol sa kanya ng kung ano.
Nanginginig ang kamay kong ibinaba ang aking telepono sa study table ko.
"Hehe. Nagbibiro lang siya diba? diba?" pangungumbinse ko sa sarili ko. Tuloy-tuloy ang tulo ng pawis ko sa mukha ko sa sobrang nerbyos at takot sa anong nangyayari sa probinsya ng mga barkada ko.
"Arrrrgghh! Makatulog na nga lang." Irita kong sabi at nagbalak nang pumunta sa kama para matulog nang bigla akong nakarinig ng sari-sari pagsabog, putok ng mga baril at sigawan ng mga tao na malamang ay galing sa kabilang subdivision.
Dumungaw ako sa bintana ko at dahil nasa third floor ang kwarto ko ay kitang kita ko ang kabilang subdivision mula rito.
Kaliwa't kanan na ang usok, apoy at sigawan ng mga tao.
"A-a-anong nangyayari?" utal na sambit sa sarili dahil sa di kapani-paniwalang pangyayari na nakikita ko ngayon. Hindi ko akalain mangyayari at mangyayari to sa mundong ginagalawan ko.
Tulala, nanginginig at pawisan akong nakatayong pinagmamasdan ang kaguluhan nagaganap sa labas. Hindi alintana sa sarili kung ano ba ang una o dapat gawin.
Hindi pwede, hindi to maaari.
Nagulantang ako sa malakas na katok at tawag sakin ng kapatid kong si Tyler.
"Ate! buksan mo ang pinto! Ate bilisan mo! andyan na sila!" Mangiyak-ngiyak na tawag ni Tyler sa pinto na agad ko namang tinakbo at binuksan ang pinto at pinapasok siya. Agad kong sinara at nilock ang pinto para hindi na siya masundan ng kung anong humahabol sa kanya.
Hingal na hingal ang kapatid ko. Pawis na pawis at nanginginig sa takot.
"Teka, may sugat ang balikat mo." nag aalalang sabi ko nang makita kong may dugo sa buong kaliwang balikat ng damit niya.
Kumuha ako ng gunting at gumupit ng piraso ng tela kong damit na kinuha ko sa aparador ko. Wala na akong pake kung anong damit yun basta matigil lang ang pagtagas ng dugo ng kapatid ko.
Dali-dali kong tinalian ng mahigpit yung balikat niyang parang may kalmot o kagat ng hindi ko malamang nilalang.
"Anong nangyayari sa labas? Anong nangyari sayo? Napano ka? Sino may gumawa niyan? At sinong humahabol sayo?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
Alam kong masyadong marami akong tanong pero gusto ko talagang malaman kung anong nangyayari nung nasa labas siya. At gusto ko ding malaman kung bakit may sugat siya at sino ang gumawa sa kanya nun.
Hinahabol habol pa niya yung hininga niyang sumagot sa akin.
"Ah-ate h-hindi ko din alam. May mga ni-nilalang na hindi ko alam kung ano sila. Ate katapusan na ata ng mundo! Ate hindi ko na kaya." naiiyak at nanghihinang sabi niya.
"Wag mong sabihin yan, nandito ang ate. Hindi kita pababayaan. Tandaan mo yan ha? Tahan na." Sagot ko habang hawak ang magkabilang pisngi niya na bahagyang pinunasan ang mga nagbabantang luha sa mga mata niya.
"Araaaaaay!" sigaw niya na biglang napahawak sa sugat niya.
"Tyler! Tyler!" Nerbyos kong tawag sa kanya. Tila hinahabol na niya ang hininga niya. Hindi ko alam kung bakit.
Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong alam sa pang gagamot ng ganto. Hanggang video games at online games lang ako.
Anong gagawin ko para tulungan ang kapatid ko? Napaka walang kwenta ko namang ate!
Tarantang taranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko at niyakap ko nalang ang kapatid ko. Tuluyang tumulo yung mga luha ko.
"Tyler. Hang in there okay? I'll do everything para gumaling ka." malambing na sambit ko sa kanya hoping na may magawa nga ako para sa kanya.
"A-ate." Yan nalang ang natatanging sagot niya sakin nang bigla kong naramdaman ang pagka kalas ng hawak niya sa sugat niya.
Bumitaw ako sa yakap at namumugtong matang tinignan ko ang bangkay ng kapatid ko sa harapan ko.
Hindi. Hindi to maaari. Bahagyang hinilig ko ang aking tainga sa may bandang puso niya upang marinig kung may tibok pa ito. Umaasang buhay pa ang kapatid ko.
"hindi... hindi to maaari.. hindi moko pwede iwan Ty. Hindi." Umiiyak at hindi makapaniwalang sambit ko.
Wala na. Wala na ang kapatid ko. Napaka walang kwenta kong ate.
Inihiga ko siya at ipinikit ko ang mga mata niya. Nanginginig ako sa takot. Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Kung alam ko lang na mangyayari to hindi sana mamamatay ang kapatid ko.
Kagat labi kong tinignan ang bangkay ng kapatid ko na pilit pininipigalan ang luhang tumulo at umiyak o ngumawa ng malakas dahil hindi ito ang oras para gawin yun. Kailangan kong lumabas.
Pero bago ko pa nagawang lumabas ay biglang umupo si Tyler. Hindi ko alam kung magdidiwang ako o matatakot kasi biglang nabuhay ang kapatid ko. Tumayo siya at humarap sa akin.
"T-Tyler?" Nauutal na ako dahil sa sobrang takot. Kakaiba ang mga mata niya. Halos itim na kulay nalang ang makikita mong kulay sa mata niya.
Humakbang ako patalikod at naramdaman kong aparador ko na yung nasa likod ko. Napatingin ako sa sugat niya na kanina ay dumudugo ngayon ay tinutubuan na ng kung ano.
Para itong ahas gumalaw ngunit patalim ang dulo nito. Madami ito at may mga tila ba laway o kung ano mang puting likido ang tumutulo mula sa mga patalim na yun. Hindi lang siya iisa kundi lalagpas pa ata ito ng isang dosena sa dami nila.
Nakita kong may akma itong atakihin ang leeg ko pero bago pa man niya magawa yun ay nailagan ko na.
"Tyler? Ikaw yan diba? A-ate mo to! Ano ka ba?" Sinubukan ko siyang kumbinsihin na bahagyang nameke ng tawa pero parang wala lang ito sa kanya.
"Hindi na to ang kapatid ko. Isa na tong demonyo." Bulong ko sa sarili ko. Hinihabol ko na yung hininga ko sa takot.
Sandali lang akong napapikit at nakita ko na ang hindi inaasahang atake. Nagtila slowmotion ang lahat. Tumumbad sa isip ko ang mga masasayang ala-ala naming magkapatid habang papalapit ang mga patalim sa mukha ko.
'Ganito na nga lang ba matatapos yung buhay ko? Haha nakakainis naman. Hindi ko man lang naabot yung master division sa League of Legends. Well, this is the end of me.'
Konting sentimetro nalang ay maaabot na ako ng mga patalim sa mga mata ko at wala na akong magawa kundi ang sumigaw.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!"
~~~
All rights reserved 2019