Chapter 10 - One Woman

8.3K 340 70
                                    

#ASAwp
Chapter 10 - One Woman

"Adam. Tine. Mira." Tinawag kami ni Lou, isa sa mga kasamahan namin sa team. "Mag-3 na. Sa Pampanga pa yung meeting, di pa kayo bababa?" Anito.

Agad na tumayo si Tine. "Ako sasabay na sainyo. Kayo ba?" Anito samin.

Napalingon ako kay Adam nang magsalita 'to. "Mauna na kayo, susunod nalang ako, tapusin ko lang 'tong update sa app ko. Ikaw, Mira?" Tanong nito sakin.

Nagkibit balikat ako. "Sasabay nalang siguro ako kay Adam, may inaayos lang din akong email report." Sabi ko sa mga kasamahan namin.

Nagsitanguan sila bago sila lumakad palayo sa mga cube namin kaya naman bumalik na ako sa email report na gingawa ko kanina. May 10 mins pa naman bago mag-3 kaya may oras pa kami ni Adam para gawin ang mga dapat naming gawin. Sa 7th lang naman yung Pampanga conference room, eh.

Adam, we've been civil mula noong araw na pumunta siya sa bahay. It's been four months mula noong araw na iyon at ayos naman kami. We're just like regular officemates. Nag-uusap kami pero small talks lang and mostly about sa trabaho.

Hindi na niya ako tinawag na Miracle mula noong araw na iyon. But I think that was for the better. Parang may kung ano hasing humahaplos sa tyan ko tuwing tatawagin niya ako sa buong pangalan ko, eh.

Hindi narin niya binanggit yung tungkol sa nangyari noong gabing nalasing ako kaya naman mas naging madali para sa akin ang wag na isipin ang bagay na iyon.

Gusto ko sanang sabihin kay Troy yung tungkol doon but I chose not to. We're okay. No, we're doing great. Our relationship is doing great. And I want it to stay that way. Pag binanggit ko ang tungkol sa nangyari sa amin ni Adam ay magkakaroon lamang siya ng dahilan para magselos dito.

Nilingon ko si Adam nang marinig ko ang pagsarado ng laptop niya. "Tara? Di ka pa tapos?" Tanong niya sakin.

Ganito siya mula noong araw na iyon. It was like nothing happened. Kinabukasan matapos siyang pumunta sa bahay ay parang walang nangyari. Kinausap niya ako ng normal at pinakitunguan ng normal. It was weird at first, but then I came to my senses. It shouldn't be weird because it was nothing, the kiss was nothing. We were both drunk, and that's just it.

Sinarado ko ang laptop ko at tumayo narin. "Tapos na. Tara." Sabi ko at nauna ng maglakad.

"So kamusta na kayo ni Troy?" Napakunot noo ako nang biglang magtanong si Adam habang iniintay namin ang elevator. "What?" Takang tanong nito nang tignan ko lang siya.

Ngumuso ako at humarap ulit sa elevator. "Wala lang. Never ka naman kasi nagtanong tungkol samin. But we're okay, everything's great." Ngumiti ako bago siya balingan saglit ng tingin. "Ikaw? Balita ko may pinopormahan ka daw sa ibang team?" Sabi ko dito at nagtaas baba pa ng kilay.

Umiling siya at tumawa. We were civil, yes, but this is the actual first time na tumawa siya ulit sa harap ko. "Saan naman nanggaling 'yan?" Pabalik niyang tanong sakin.

Pinangliitan ko siya ng mata pero bago pa ko makapagsalita ay tumunog na ang elevator. Hanggang sa pagbaba namin sa 7th floor ay hindi ko parin tinantanan si Adam tungkol sa bali-balitang pinopormahan nito.

Umiling siya at bahagyang ginulo ang buhok. Lalo siyang gumwapo sa ginawa niyang iyon. Tinikom ko ang bibig ko dahil baka di ko mamalayan na naglalaway na pala ako. "Wala, Mira. Ever since I started working here, my eyes are focused on one woman, and one woman alone." Deretso nitong sabi sakin habang nakatingin siya sa mga labi ko.

Nag-iwas ako ng tingin. "Tara, 3 na." Sabi ko at nagmadali akong pumasok sa loob ng conference room. That was awkward!

Natapos ang araw na tila ba pagod na pagod ako. Siguro ay dahil sa dami ng deadlines at reports namin ngayong araw kaya naman tila ubos na ang energy ko para sa buong linggo. At Tuesday palang. Damn!

I have three more days to survive for this week. Kung pwede lang wag na ako pumasok hanggang Friday ay gagawin ko pero hindi na iyon pwede. Dahil nag-AWOL ako ng 2 araw four months ago ay hindi na ako pwede mag-AWOL ulit, for atleast six months, kundi ay mateterminate ako.

"Nakakapagod! Ayoko na!" Sabi ni Tine at pagod na ibinagsak ang sarili niya sa desk niya.

I nodded. "Sinabi mo pa! Ang stressful ng mga deadlines tapos panay errors pa na kailangan ireport." Pagsang-ayon ko dito.

Panay buntong hininga namin ni Tine ang narinig bago magsalita si Adam. "We deserve something for this. Kain tayo sa labas?" Aniya.

"Tara!" Sabi ng iba pang mga kasama namin sa team.

Napabuntong hininga ulit ako. "I can't. May dinner kami ni Troy." Sabi ko sakanila kahit na ang gusto ko talagang sumama.

Bihira din kasi kami kumain sa labas na team, hindi katulad ng kabilang mga team ay bihira magpakain sa labas si Miss Rica kaya naman sobrang bihira kami makapaglunch out or dinner out.

Hinampas ako ni Tine sa balikat kaya naman napa-aray ako. "Gabi gabi na kayo nagdidinner ni Troy! Tayo minsan lang kakain sa labas. Sabihin mo bukas nalang ulit kayo magdinner." Iiling-iling na sabi nito.

Tumango ang mga kateam ko. "Oo nga naman. Samin ka muna tonight." Sabi ni Lou.

Napanguso ako at nag-isip pero di ako makapag-isip ng ayos dahil pilit akong niyuyugyog ni Tine. "Dali na kasi, Mira." Pangungulit niya.

"Oo nga, minsan lang naman." Sabi ng isa pa naming kasamahan sa trabaho.

Napalingon ako ng tumawa si Adam. "Wag niyo ipressure si Mira, guys. Mahal na mahal niyan yung boyfriend niya, di niyo yan mapipilit." Tila may iba sa tono niya ng sinabi niya iyon pero hindi ko malaman kung ano iyon.

I shook my head. "Oo na, sasama na. Magpapaalam lang ako kay Troy." Sabi ko at kinuha na ang cellphone ko. Naghiyawan ang mga kasamahan ko at nagkanya kanya na sila para mag-ayos ng gamit.

To: Babe
Hey. Nagyaya mag-dinner out yung team, di ako makahindi eh. Sorry babe. Bukas nalang tayo mag-ramen. I love you.

"So pinipili mo na ako this time?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bumulong si Adam sa akin.

My heart was beating uncontrollably, na pakiramdam ko ay maririnig ni Adam ang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya naman bahagya akong lumayo.

We've been civil these past few months, why is he suddenly acting like this? Ano na namang nakain nitong lalaking 'to?!

"Never."

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon