Chapter 18 - All Strings Attached

11.3K 506 77
                                    

#ASAwp
Chapter 18 - All Strings Attached

"Miracle." Agad na sabi ni Adam ng maabutan niya ako. Mas binilisan ko pa ang lakad pero dahil likas na mahaba ang legs niya ay naabutan niya parin ako. "Hey." Anito at hinawakan ang braso ko.

Marahas kong inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Medyo nasaktan pa ako sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. "Mira. Ako na sa gamit mo." Nagulat ako nang biglang sumingit si Lester sa gitna namin.

Si Lester ay isa sa mga under ni Miss Anne at kateam ni Aya. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Adam sa ginawa ni Lester. Imbes na bawiin ko ang bag ko ay hinayaan ko nalang siya. I even flashed Lester a small smile to thank him for the gesture.

Tss, ikaw nga nagbibit ng bag ng ibang babae eh. Ano naman ngayon kung bitbitin ni Lester yung bag ko.

Nakakainis talaga! Bakit ba niya binitbit yung bag ni Aya? I turned him down ng sabihin niya kanina na siya na magbibitbit ng bag ko kasi mas lalo lang kaming pagdududahan ng mga kasamahan namin sa trabaho kung um-oo ako.

Hindi ko naman sinabing magbitbit siya ng bag ng iba. Lalong lalo na yung bag ng malanding yun na pilit na nagpapacute sakanya.

Literal na nalaglag ang panga ko ng marahas na kunin ni Adam ang bag ko mula kay Lester. Ibinaba niya ang bag ni Aya at isinukbit ang sa akin bago ito magmartsa patungo sa elevator.

"Anong nangyari?" Wala sa sariling tanong ni Lester.

Wala din ako masagot sa tanong ni Lester. I was literally dumbfounded. Mahigit isang minuto ata akong nakatayo doon at nakatunganga sa bag ni Aya na basta nalang iniwan ni Adam.

Maya maya pa ay dumating na si Aya. Nanlaki ang mata nito ng makita ang bag niya na nasa sahig. "Nasan na si Adam? Akala ko ba siya na magdadala ng bag ko?" Tanong nito sa amin.

Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang tumatakbo sa utak ng lalaking iyon? Kanina lang ay may pag-ako na siyang eksensa kahit may iba naman na pwede magdala ng bag ni Aya, tapos ay ngayon basta niya nalang itong iniwan. May toyo talaga 'yun.

Pagbaba namin sa parking kung saan nandoon ang mga van ay inaayos na ang mga bagahe namin sa ilalim ng mga upuan. Nakita ko sa Adam na kunot noong naglagay ng bag naming dalawa sa ilalim ng upuan. "Mira! Tabi tayo!" Sigaw ni Tine at itinuro nito ang gusto niyang pwesto.

Sasagot na sana ako ng hapitin ako ni Adam palapit sakanya. I almost tripped but I kept my composure. "Bakit ka ba nanghihila?" Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa amin ang iba naming kasamahan.

"Sakin ka tatabi. Sa bintana ka." Anito at itinulak na ako papasok sa van ng team namin.

4 ang van na gagamitin namin papuntang Zambales. Isa bawat team ang napagkasunduan para hindi siksikan. Matagal daw kasi ang byahe at tyan na maiinis kaming lahat sa byahe pag siksikan kami.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya. He's back to his serious aura. Ganito siya noon kaya medyo intimidated ako sakanya dati.

Sumunod ka nalang, Mira.

"May regla." Natatawang sabi ni Lou pagpasok nito ng van. Gusto kong matawa sa sinabi niya but laughing would only make things worse. Mas iinit lang ang ulo ni Adam pag nakitawa ako sa pang-aasar ng mga kateam namin sakanya.

Napuno ng katahimikan sa van habang nasa byahe dahil pare-pareho kaming kulang sa tulog. Well, atleast they were able to sleep for almost 2 hours. I on the other hand, have zero, as in no sleep--at all.

Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko. I'm not expecting any message from anybody dahil mag-a-alas tres palang ng umaga, sino naman kaya ito?

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon