Literatura

170 4 5
                                    

Makikita sa panahon na ito na halos karamihan ng kabataan ay lulong sa social media at binababa ang literatura ng Pilipinas. Ngunit ang isang katulad ko'y sapat na sa tig-sandaang libro kasama na ang 3 in 1 na kape.

Kung maipagkukumpara mo ang mga katagang, "Mas mabilis mag-proseso ang utak lalo na pag walang laman ang sikmura" sa "Bakit ba ang paasa mo, crush?" makikita mo na agad ang pagkaka-iba. Sa unang kataga sinasaliksik ang iba't ibang paraan kung paano mapapadali ang pag-aaral. Halimbawa, ang hindi pag-kain lalo na't bago kumuha ng pagsusulit na minsan nang nasabi ng sikat na si Sherlock Holmes. Sa ikalawa naman ay problemang pag-ibig na hindi naman talaga dapat pino-problema sa kapanahunang ito lalo na't ikaw ay trese anyos pa lamang.

Gaya na lamang ng mga istorya ngayon sa ating bansa na puro tungkol sa mga mababaw na tema gaya ng "Na-seenzoned ako ni Mr. Paasa" na inaabangan ng mga pilipinong kabataan linggo linggo at ang sikat na kanta ng pilipinong mang-aawit na si Yeng Constantino na "Ang hirap palang maging T.A.N.G.A".

Hindi mo ba napapansin na dito nagsisimula ang mga problema ng lipunan ngayon? Early Pregnancy, Unexpected Marriage, pag-tigil sa pag-aaral na ang maaaring kahantungan ay pag-baba ng ekonomiya ng ating bansa.

Anong maitutulong mo upang mabalik ang pag-taas na literatura ng Pilipinas?

Unang una, iwasan ang maging jejemon. Kabalikat na nito ang pagiging pabebe na resulta ng pagbabasa ng mga walang saysay na artikulo. Ayusin ang pakikipag-talastasan gamit ang kung ano mang gadget sa text man o sa chat. Kung hindi man masyadong makakatulong sayo ang kung ano mang trending at hashtag na na-uuso sa mga kabataan ngayon ay ilihis ang paningin dito at ibaling sa mas magandang bagay.

Pangalawa, mag-bahagi ng mga maayos na mga kataga sa social media na maaaring maka-impluwensya sa iba. Gaya ng pagpo-post ng mga quotes na galing sa iyong paboritong manunulat na sa isip mo'y makakatulong sa kanilang pang araw-araw na buhay. Kagaya na lamang ng "Happiness can be found even in the darkest times if one only remembers to turn on the light" na mula sa Harry Potter Series ni J.K. Rowling.

Iwasan ang ma-hilig sa mga librong hindi makapag-bibigay sayo ng kabutihan. Halimbawa ay pagsusulat sa Wattpad ng librong "Nang dahil sa Facebook" na naglalaman ng mga pag-uusap ng dalawang estranghero na napunta sa pakikipag-relasyon at matatapos din naman sa hiwalayan.

Pag-pursigihan ang pagsusulat ng mga istoryang may kalidad. Halimbawa nito ay ang pagsusulat ng mga istoryang may kabalikad na pag-iisip. Gaya ng mga istoryang Project Loki na pinangungunahan ng isang lalaking detective na tumutulong sa pulis sa pamamagitan ng pag-iimbistiga kung sino na lamang ang pumatay.

Mapapa-isip ka nalang na bakit kaya sinabi ng bida na hindi suicide ang nangyari ngunit natagpuan naman sa crime scene na nakasabit 'yong babae sa bubong gamit ang lubid? Mamamangha ka na lamang kung paano nila ito na-resolba sa pamamagitan lamang ng tanong na "Paano magpapaka-matay ang babaeng biktima gamit ang lubid kung masyadong mataas ang pagkakasabit nito mula sa tu-tungtungang upuan?" at mapapa-isip ka na lamang na ang may kagagawan ng krimen ay pawang isang lalaki o babae na may tangkad na kayang abutin ang lubid na maaaring mag-sabit sa biktima doon.

Pero paano kung lumabas sa autopsy na ikinamatay ng biktima ay ang pagka-ubos ng hininga? Masasabi mo nalang sa sarili mo "suicide talaga itong nangyari, naubusan daw kasi ng hininga yung biktimai". Sa pamamagitan nito ay gumagana ang utak na tao na maaaring maka-libang at makapag-patalino sakanya.

Pagkatapos ng pag-iisip na halos ika-baliw mo na, mapapa-hanga ka nalang na isang kemikal lang pala ang ginamit na maaaring pag ito'y ininom ay bigla ka nalang hindi makaka-hinga at mamamatay. At pinapalabas lamang ng kriminal na suicide ang nangyari sa pamamagitan ng pag-sabit ng biktima sa may lubid.

Marapat nang ibalik ang mataas na literatura ng Pilipinas upang ma-pasa ito sa susunod na henerasyon na maaari nilang palawakin at pagbutihan pa. Hindi lamang ito dapat biru-biruin dahil maaari din itong gamitin upang pataasin ang ekonomiya ng bansa.

A Journal Of SelyaWhere stories live. Discover now