Kritisismo

78 4 0
                                    


Bakit nga ba nauso ang pag-aalipusta at paninira ng dignidad ng isang tao? Ina-ayawan mo ang isang tao sapagkat siya ay madaming pagkakamali at pagkukulang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bakit nga ba nauso ang pag-aalipusta at paninira ng dignidad ng isang tao? Ina-ayawan mo ang isang tao sapagkat siya ay madaming pagkakamali at pagkukulang. Pero hindi mo ba napapansin? Na nagiging katulad ka na ng taong inaayawan mo sa pamamagitan ng pag-kritisismo mo sa kaniya?

Hindi lahat ng pagkakamali ay katumbas ay isang pagkakamali na naman. Ang dapat na hakbang dito ay ang pagtatama na kanilang kamalian kasama na ng pagsukli ng kabutihan.

Ang sabi nga nila "Kung ayaw mong may gumawa ng masama sayo, wag ka ring gagawa ng masama sa kapwa mo" ngunit sa kapanahunan ngayon ay puro pag-gawa ng kasamaan ang lumalaganap. Nagkalat ang mga pagpapa-hiya sa mga taong ang pagkakamali lamang ay kasing-babaw lamang ng tubig sa pampang.

Nagkalat ang kritisismo sa paligid, mapa-Facebook man o mapa-personal. Sobra ang pagsibol ng bilang ng mga poser accounts na ginagawa ng mga tao upang siraan sa publiko ang taong kinaiinisan nila. Pero hindi ba't masamang pumatol sa masahol?

Naiinis ka sa isang taong hindi pasok sa standards mo pero pag-usapang ugali mo naman ay hindi mo maatim na tingnan at pakinggan ang sinasabi ng tao sayo kung kaya't babato ka na naman ng mabigat na bagay at mahihirapan ka na naman para lang sa paghihiganti. Kung maikukumpara mo sa isang bagay ang kritisismo, para itong chess na pag may ginalaw ka ay may karampatang aksyon na susunod.

Pag ikaw ay kumain, may karampatang puntos na ibibigay sayo. Pag ikaw ay natalo, may karampatang pagkulo ng dugo ang mananalaytay sa iyong ugat. Ito lamang ang mga katotohanan kung bakit hindi matapos-tapos ang isang away dahil walang gustong pumigil dito.

Ano nga ba ang unang aksyon upang mapigilan ang pag-lago ng kritisismo?

Unang-una, wag kang masyadong ma-pride! Gustong-gusto na ng puso mo na patawarin ang taong nagkasala sayo pero itong pride mo ang humahadlang para dito. Gustong-gusto na ng puso mo dahil alam mong masama kung ipagpapatuloy mo pa ito pero ang sabi ng pride mo ay, "Huwag, marami syang kasalanan sayo, hindi ba?"

Pero sa palagay mo ba ay ito ang maghahatid sayo patungo sa kabutihan? Sa tingin mo ba ay maganda ito sa paningin ng nasa itaas?

Pangalawa, intindihin lamang ang mga salitang ipinupukol sayo at huwag pansinin ito na parang hangin lamang. Kung babato sila, saluhin lang nang saluhin. Huwag ding masyadong mapaghiganti at mapag-mataas.

At huli, hintayin nalang ang karma para sa kanila.

A Journal Of SelyaWhere stories live. Discover now