AMSA 2

584 91 29
                                    


Jeyk

"Alam niyo guys? Nakakaboring talaga dito," bulong ko sakanila. First day namin pero ang boring. "Cutting kaya tayo?" I continued.

Napatingin si Shauna sa'kin. "Shunga ka talaga ano? Ang fun kaya! Patayan ang subject," ito talagang si Shauna, hilig sa patayan. Ako lang naman ang hindi mahilig nun eh. "Shut up kanalang."

Napabuntong hininga nalang ako. "Before you go out, i have an announcement," napa 'ooh' naman ang mga estudyante. "This afternoon, we're gonna have a activity. Sa Labas ng paaralan ito gaganapin, be here before 2 pm." sabi ni ma'am.

Woah! Activity? Hmm, baka mag-chix haunting kami! Daming sexy dito, at hot pa!

"Activity? What kind?" tanong ni Xhes kay Ma'am.

Si Ma'am din! Ang hot!

Erase. Erase. Erase. Wag papatol ng nakakatanda.

"You'll find out later," sabi ni Hot Ma'am. "Class dismissed."

Nagsilabasan na kaming lahat. "Guys, gutom na ako. Kain muna tayo before nating pumunta sa dorm at mag-ready," sabi ni Shauna. "Oo nga, le'go!" sabi naman ni Lawrenz.

May lumapit sa'kin.

Witwew ang hot!

Ang gwapo ko talaga! Alam niyo, marami akong alam eh. Gwapo ako, gwapo si Jeyk, gwapo, gwapo ako, hot ako, gwapo ako, at gwapo ako!

Alam niyo kasi, hindi na yan dapat sabihin pa eh. Natural na to! Natural na kagwapuhan, pinanganak ako nanganito ang mukha. Gwapo! Ang hirap kasi talagang maging gwapo. Pero, minsan nga nakakainis ang maging gwapo. Ang daming humahabol sayo.

Kaya nga, binibigyan ko lang ng chance tong si Lawrenz eh. Nagpapanggap akong pangit.

Pero joke lang yun! Nek nek siya! Sa gwapo kong to?! Ha-ha kahit magpanggap pa ako, lalabas padin ang kagwapuhan ko.

~Shauna~

Si Jeyk. Yan na naman ang pagka-GGSS.

Gwapong gwapo sa sarili.

Kanina pa kasi siya nakatingin sa salamin eh. Tas palagi kaming sinasabihan na, "Alam niyo? Ang gwapo gwapo ko talaga."  nasanay na kami sa kanyang pagka-GGSS eh. Pero sumosobra na, sobra sa highest level.

"Jeyk! Alam na naming gwapo ka, kaya tumigil ka na sa pagka-GGSS mo," sabi ni Xhes. "Alam ko na yun!  Hirap kasing maging gwapo eh." sabi naman ni Jeyk.

Kami ni Lawrenz nag-hahanda para sa activity. 1:25 PM na, kinuha ko ang backpack ko at tubig. "Hali na nga kayo! Ikaw naman Jeyk, sumosobra ka na." sabi ko.

"Ang gwapo ko kasi," sabi niya. Kaya napa face palm nalang ako. Hinila ko siya at kinuha ang salamin. "Kung di ka lalabas matitikman mo talaga tong kamao ko." wika ko.

"TARA NA NGA!" sigaw ni Lawrenz. We went out of our dorm. Tinignan ko muna ng masama si Jeyk.

~(°°)b~

Nasa labas na kami kasama ang mga kaklase namin. Mukhang sanay na sila eh, pero mostly sa kanila ay excited.

"Are all of you guys complete?" tanong ni Ma'am. Nag 'oo' silang lahat. "Alright. Our activity for today is," huminto muna siya. "Food Hunting." biglang lumiwanag ang mukha ko.

FOOD.

"Well, hindi ito yung simpleng food hunting lamang. You should hunt it over the forest. Each of you ay mabibigyan ng papel para sa first Food na you should hunt, every food has a clue," sabi ni Ma'am. "This activity is for your grades. Kaya you should focus and concentrate. Good luck."

Binigyan kami ng papel. After that, ginrupo niya kami at coincidence din kasi kagrupo ko si Xhes, Lawrenz at Jeyk.

"Let's start!" sigaw ko. "First clue; hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari." tinignan ko sila ng alam-niyo-ba look.

"Nagdadamit ng sari-sari?---sandali," nag-isip muna si Jeyk.











"Paruparo!"

"Buti nama'y nagamit mo pa kokote mo, hindi puro kagwapohan mo." sabi ni Xhes. Naglakad kami. Ni hindi nga namin alam saan ito natagpuan! Wala kasi kaming tiwala sa isa't isa kaya hindi kami nadala ang mapa, baka magbaliktad na naman.

Huminto si Lawrenz kaya nabunggo ako sa likuran niya. "Aysh!" reklamo ko. "Dun oh! May mga paruparo," tinignan ko kung saan siya nakatingin.

Omo! Ang ganda! Parang fairytale! "Tara puntahan natin!" sabi ko sabay hila kay Xhes.

Namangha ako. May mga paruparong nakapalibot sa mga bulaklak at nakabatog ang iba. Eh dun nga sa Skwelahan namin ang luma walang ka-effort effort. Mukhang haunted house.

"Nandito ang unang gem, guys!" sigaw ni Lawrenz ant Jeyk. Pinuntahan namin ang gawi nila.

"Totoo ba to o fake?" tanong ni Xhes. "Syempre fake." sabi ko.

Tinignan ko sila. "So, saan ang next clue?" tanong ko.

"Heto!" sabi ni Lawrenz sabay taas ng nude na papel. "Ang nakasulat ay; alin kayang insekto, malaki ang mga mata kaysa ulo?"

"Alien!" sigaw ni Jeyk.

Kaming tatlo- \(〇_o)/ヽ( '¬')ノ

"Oh ano? Tama naman diba? Malaki ang mata kaysa ulo?" sabi niya at confident pa.

"Fyi, kung alien malaki ang ulo kaysa mata," correction ni Xhes kay Jeyk. "Chamba ka lang nung sa paruparo. Bakla ka kasi."

"Aba! Sa gwapo kong to?! Bakla ako?! Nagbibiro ka ba?!"

"Oo nagbibiro lang ako," sarskastikong sabi ni Xhes kami naman ni Lawrenz ay naka (¬_¬)ノ .

Pero, insektong malaki ang mata kaysa ulo? Di kaya----

"Cockroach!" sigaw ko.

"Isa ka pa, Shauna eh!" sabi ni Lawrenz habang si Jeyk at Xhes ay patuloy padin sa pag-aaway.

Napaisip din si Lawrenz. "Tutubi?" nagtatanong ba siya o ano? "Tutubi...---TUTUBI! Tama! Sige let's--"

Biglang sumigaw si Jeyk. "Aray! Hoy babae! Sumusobra ka na ah!"

"Hali na nga kayo! Wala akong pake kung nagkatuluyan kayo," sabi ko.

"YUCKKK!" sabay pa talaga sila. Tss.( ̄^ ̄)

Ang Mga Shunga AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon