AMSA 3

485 83 12
                                    


Shauna

"Hindi nga diyan, dito nga kasi daan! Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi ko kay Lawrenz. Kasi, pumunta sa siya left na daanan pero sa right kasi ang tama! Kitang kita sa pangalan, right.

"Sa left nga! Ikaw nga tong matigas eh!" sabi naman ni Lawrenz habang tinitignan ako ng masama eh tinignan ko din diya ng masama.

Napansin namin na si Jeyk at si Xhes ay pumunta sa daan na hindi namin napuntahan. "Oy! Dito ang daan!" sigaw namin ni Lawrenz na magkasabay.

"Tumahimik nga kayo diyan! Ang kagwapuhan ko nawawala dahil sa lakas ng mga boses niyo!---ay sandali, hindi pala nawawala ang kagwapuhan ko dahil  sobrang pogi ko!" sabi ni Jeyk kaya napa-iling nalang ako.

Pinuntahan nalang namin sina Jeyk at Xhes, para walang gulo. Nasa may gitna na kami ng kabundukan ngunit wala pa kaming nakitang mga tutubi.

Tumawa ng mahina si Xhes. "Pasensya na ulit guys. Baliktad na naman ang paghawak ko sa mapa, hehe (^_^)v."

"Grabe na naman ang pagka-boploks mo, Xhes! Don't you know difference the map and the rotation of its?" sabi naman ni Jeyk.

Yan na naman ang feeling good in english ni Jeyk. Nag nonosebleed na nga ako dito eh, ang galing niyang mag-english talo pa si Donald Trump. #notethesarscam.

"Ikaw nga tong grabe! Grabe na talaga ang pagka-wrong grammar mo, nakakahiya." wika ni Xhes.

Napa face-palm nalang ako. "Enz, alam mo ba ang daan? Kanina ka pa seryoso sa mapa mo eh," sabi ko. "Nawawala na naman tayo no? Haysh si Xhes kasi,"

Umiling si Lawrenz. "No, nasa paligid lang ang mga tutubi pero lalabas lang sila sa gabi." sabi niya.

"Ibig mong sabihin, gagabihan tayo dito?" sabi ko. "Paano na ang pagkain? Hindi na yun makakain?---wait, bakit puro rhyme ang sinasabi natin?" nagtataka kong tanong.

"Aba't malay ko!" sabi niya.

Nagpatuloy kami sa pagiikot. Hanggang sa dumating kami sa tuktok ng bundok. "Oh, nasa langit na ba tayo?" Sabi ni Jeyk.

"Malapit ng mag-gabi!" Sigaw ni Xhes. "Tss. Don't be scared little here is me." Sabi naman ni Mr. Wrong grammar.

"Alam mo, Jeyk? Wag kanang mag-english, nakakabwisit sa tenga."

Tinignan ko yung relo ko. "It's already 6 pm," sabi ko. "Nandito lang yan sa paligid let's go!"

Habang tinitignan namin ang paligid we heard na may tumatawa at nagsasalita. "Alam niyo, sabi nung lalake na 'tol! Sabi mo magbibigti ka bakit nasa paa mo yan nakatali?' yan ang sinabi ng friend niya tapos sumagot ang lalake 'hindi kasi ako makahinga eh kaya sa paa ko nalang tinali---hahahaha!" sabi nung lalake

"HAHAHHAHA--- uy! Diba classmate tayo?" tanong nung babae sa'min. "Oh! Yung transferees right?" she continued.

"Oo! Naghahanap din ba kayo?" tanong ko. Tumawa lang sila.

"Hindi kami naghahanap," she said. "Pinagpahirapan lang tayo ni Ma'am, kasi kahit hindi niyo mahanap may grado padin kayo same as sa mga nanalo."

Ang Mga Shunga AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon