CHAPTER EIGHT: Lovely Scent

25 2 0
                                    

Kayzee's P.O.V
            After that day, hindi ko na muling nakasalamuha ang Perkins Twin. Busy kasi ako sa napakaraming school stuffs at isa pa wala naman akong gagawin with them.
   Pero iba itong araw na to,kasi ngayon yung concert ng Perkins Twin. Kaya naghahanda na kami ngayon. Yung magpinsan (Lala at Kaila) ay gumagawa ng banner, habang ako naman ay kumakain ng chips.

"Emeghed im so excited!! " irit ni Lala habang nagdo-drawing.

"Hahaha ako nga rin e. Swerte natin kasi VVIP tayo! So close" sagot naman ni Kaila.

Excited rin naman ako sa concert nila. First time ko nga eh unlike these two girls whose always present kapag may concert ang Perkins twin. Hindi talaga sila mawawala don.

"Tsk. Tara na at malelate na tayo" sabi ko sa kanila nila sabay kuha ng bag ko.

Sumakay kami sa kotse nila Lala. Sa buong byahe ay puro Perkins Twin ang pinag uusapan nila.

Pagkarating namin sa venue ay sobrang dami na ng tao. Sila na sikat.  Pagkapasok namin sa loob ay doon ko lang naramdaman ang sobrang excitement. Nakaka excite na nakaka-kaba. Ewan ko ba feeling ko ako yung magko-concert.

Nag antay lang kami ng ilang minuto bago nag start yung concert.

For their opening number kumanta sila ng 'Shape of You' ni Ed Sheeran. Sobrang ganda grabe. Napaka lively tsaka ang ganda ng pagkakasayaw nila.

Sobrang lakas din ng tilian ng mga fans lalo na sila Lala at Kaila.

Maraming nakakatuwa at nakakakilig ang nangyari. At nakaka enjoy talaga ito hanggang sa matapos.

After that breathtaking concert, tinext ako ni Jesse na pumunta daw sa may backstage.

So we went there and go to their dressing room. We knocked on the door.

"Wahhhh Kayzee! You came!" Masayang sabi ni Jesse tas niyakap ako. OA much.

"Ehemm... You really need to hug her Jesse?" Christian asked Jesse.

"Paki mo ba? Inggit ka lang eh. Ikaw naman you want?"  Sagot ni Jesse sabay tulak sakin palapit sa kuya niya.

"Oysst magsitigil nga kayo!' Sabi ko.

"Oo nga naman Jesse. Ang daya mo, si Kayzee lang ang may hug? Paano naman kami?"tampong sabi ni Lala.

"Wawa naman you! Come'on guysst! Group hug!! " masayang sigaw ni Jesse. Kaya nag hug kaming lahat maliban kay Christian.

"Ano bro? Tatayo ka nalang ba dyan? Stop being KJ!" Sabi ni Jesse kay Christian sabay hila dito at sinama sa group hug namin. At dahil nasa likod ko siya, parang ako yung yakap niya. Hihi bigyan daw ba ng malisya?

Nabitaw-bitaw na kami pagkatapos non tas kanya kanya ng daldalan pero si Christian nakalapit parin sakin. Nag enjoy! Hahaha

"Huy!! Ano? Buhay ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. Its just that...." Pabitin niyang sabi.

"Its just that what??! Tuloy mo kaya!" Sabi ko sa kanya. Medyo malayo samin sina Lala,Kaila at Jesse na busy sa pagkain habang nagke-kwentuhan.

Christian lean closer. Kakagulat nga eh. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Is he going to kiss me? Pero ang daming tao. Pwede bang in private niya to gawin? Baliw lang hahaha. Pansin ko lang masyado na kong lumalandi.

I close my eyes and wait for the kiss. Syempre i need to be ready.
But instead of a kiss, he whisper those words that makes the butterflies in my stomach fly.

"Its just that you smell so good and i want to spend the whole day just smelling your lovely scent" 

After saying that, he turned his back on me, and continue what he's doing a while ago. His ears are red. Parang mukha ko. Mahihiya ang kamatis pag pinagkumpara kami.

I was still standing. Absorbing the words he said. It never come to my mind that he is capable of saying sweet things. Lalo na't sakin pa talaga. Alam niyo naman na tuwing pinagsasama kaming dalawa para kaming aso't pusa. Kung ano- anong hurtful words ang lumalabas sa bibig naming dalawa tas bigla siyang babanat ng ganon? ITS A MIRACLE!!!

But the biggest question is bakit ako kinikilig? My heart is beating so fast tas parang nag jejelly yung tuhod ko tas di ko maexplain!!! Kaloka talaga si Christian oh!

"Huy friend! Ikaw ba yung umutot? Mukhang taeng tae ka na kasi eh" tanong sakin ni Lala.

"Ahmm. Ano.. Oo ako yon cr lang ako ha?" Sagot ko sabay takbo sa palabas papuntang cr. Di ko talaga kinakaya ang mga pangyayari! Christian Perkins!! Kasalanan mo to! Gwapo ka ay este IMPAKTO KA!!!!

Lala's P.O.V
      Hala? Anyare kay friendship Kayzee? I was just kidding awhile ago, masyado atang sineryoso.
Tas isa pa tong si Christian bebe loves, pulang pula. Anyare ba sa kanila? Kaloka mga bes!

"Psst Lala. Enge ako niyan. Ang takaw mo talaga!" Sabi sakin ni Labidabs Jesse baby.

"Okay. Say ahhhhhh" sabi ko sa kanya tas itinapat sa bibig niya yung chips na kinakain ko.

"Hahahaha ampanget mo!" Bigla niyang sabi. Papikit-pikit kasi ako habang isinusubo yung chips kay Jesse.
Eh keshe nemen eh!!! Idol ko yan di ba? Kaya kailangan kong magpacute! Malay mo kami na talaga ang forever! Wahahahaha(evil laugh) kahit si Jesse lang sapat na!
I will be Mrs. Jesse Perkins wahahahahahahahaha

"Hoy! Anyare? Katakot mukha mo aba. Parang papatay" sabi ni Jesse. Grabe din siya kung makalait no? Daig pa si Kayzee. Buti pa si Kaila tahimik lang kabaligtaran kong madaldal. Ano daw? Hahaha

"Tsk. Kanina ka pa. Subuan mo na nga lang ako! Dali hihihihi" sabi ko sa kanya sabay abot ng chips.

"Ano ka chicks? Ayoko nga" sabi nito sabay alis.

"To naman ang KJ. Dali na kasi" sabi ko at lumapit sa kanya, ang kaso umalis na naman siya. Kaya naghabulan lang kami.
Masaya akong naging kaibigan sila. Hindi ko ma-imagine. Dati parang bituin sila,mahirap abutin pero ngayon kayang kaya ko na silang batukan! Except kay Christian scary yun eh. Im so happy!!! Hihihi

TO BE CONTINUED...

A/N:  Follow,vote,and comment. And please continue reading until the end.

Inlove With A FamousWhere stories live. Discover now