CHAPTER NINE: Closer

20 3 1
                                    

Kayzee's P.O.V
          Lumipas ilang linggo ay unti unti akong nagiging close sa Perkins Twin.
Tuwing tapos ng klase ko ay laging may kumakaon saking driver nila. We just spent our days with kulitan,harutan,kainan and many many more. Ang saya nilang kasama actually.

"Psst! Kayzee magluto ka muna oh,kagutom na eh"utos sakin ni Jesse.

"Aba! Binabayaran niyo ba ko?" Asar na sabi ko habang busy sa paglalaro ng ps4 nila.

Kanina pa ko dito sa kanila,since saturday naman. Kakatapos lang namin maglalaro kanina ng tekken kaya mga gutom na kami.

"Dali na Kayzee parang iba kami sayo ah! Pagkatapos ng ilang taong pagsasama natin! Tsk. Ganyan ka naman eh" banat ni Jesse habang nakahawak sa laylayan ng damit ko at naka pout. Cute!

"OA mo po! Ilang buwan lang kaya, makataon ka naman" sabi ko sa kanya.

"Tsk. So noisy. Ako na ang magluluto. Samahan mo ko sa grocery Jesse" biglang singit ni Christian na kanina lang ay busy sa pagbabasa.

"Ayoko. Si Kayzee nalang." Sabi ni Jesse sabay punta sa kama niya at nahiga.

"Oo nga ako nalang."  I voluntered and arrange my things.

Sa loob ng ilang linggo ay lalo kong nakikilala ang Perkins Twin.

Si Jesse likas na madaldal talaga at makulit. Black belter sa taekwondo. Matakaw,tamad din minsan pero caring and sweet.

Si Christian naman ay magaling magluto,soccer player,mahilig magbasa, mabait din, medyo tahimik, pero pag naging close mo na talaga siya dun lumalabas ang medyo pagiging madaldal niya.

Lumabas kami ng studio nila (lagi lang kami dun sa studio nila, sa kwarto don to be exact.)
Walang nagsasalita though its not awkward. It was a comfortable silence.

"Walk faster will you?" He said. Nagtataray na naman ang loko. Buti nga minsan nalang kami magtalo eh.

"Opo boss" i said then walk faster hanggang sa maunahan ko na siya.

After ilang minutes ay nakarating na din kami ng grocery. I was busy using my phone (katext ko si Jesse habang naglalakad) ng makita kong malayo na siya sakin. Tsk. Di niya manlang ako hinintay.

Tumakbo ako papunta sa kanya ng matapilok ako.

"Ay impakto!"sabi ko. Sobrang sakit aba. Na-dislocate ata ang paa ko.

Nakaupo ako sa sahig habang hinihilot ang paa ko. Si Christian wala na, impakto talaga.

Nakakainis, iwan daw ba ako? Sinama-sama niya ko tas nang iiwan naman. Le-lechonin ko talaga siya eh tas papakain ko sa mapupula, at malalaking langgam para masakit at matagal siyang magdudusa wahah-----

"What happened?" Natigilan ako sa pagmurder kay Christian sa isip ko kasama ang mga friendship kong langgam ng biglang may nagsalita.

"Christian?" I asked.

"Hindi, hindi ako to tsk. Anong nangyari? Bakit ka nakaupo dyan" tanong niya sakin.

"Ah wala. Hinahanap ko yung piso ko tara na!" I said tas bigla akong tumayo. Nakalimutan kong masakit yung paa ko kaya nung ihakbang ko ang paa ko ay muntik na kong matumba. Buti nalang at nahawakan ako ni Christian sa bewang.

"Tsk. Namamaga yang paa mo. So clumsy" sabi niya habang nakatingin sa paa ko pero nakahawak parin yung kamay niya sa bewang ko.

Nakakailang, kasi naman masyado siyang malapit sakin. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya sakin ilang linggo na ang nakakaraan.

"Its just that you smell so good and i want to spend the whole day just smelling your lovely scent" 

Yikes! Hahaha kinikilig parin ako. Kainis! Magtigil ka nga Kayzee! Bawal kang kiligin.

"Bakit ang pula mo? Sobrang sakit ba? Kaya mo pa?" Christian asked me habang hinahawakan ang noo ko.

Kung alam mo lang Christian kung bakit ako namumula.

"Ha? O-oo kaya ko pa. Tara na at mag grocery" sabi ko at naglakad ng paika-ika.

" ay palaka!!" Napasigaw ako ng bigla akong lumutang sa ere. May kapangyarihan ako? Isa ba ako sa mga sangre?  ENCANTADIA????  Char! Hahaha corny ko.

Pero seriously, kinalong kasi ako ni Christian. Bridal style.

"Ahmm. Ano.. Christian.......
I-ibaba mo na ko. Mabigat ako. " sabi ko habang nakatingin sa may dibdib niya. Nakakahiya. Nag alala talaga siya sakin

"Kung di kita bubuhatin di agad tayo makakapag-grocery. Gutom na ko." Sabi niya. Tsk di pala siya sakin nag aalala. Sa pagkain pala. Assuming masyado.

Pagpasok nami  sa loob ng grocery store ay pinaupo niya ko sa upuan (malamang) at agad na dumeretso sa medicine section at kumuha ng ointment at salonpas. Nagbayad siya at binalikan ako.

" akin na paa mo." Sabi niya tska lumuhod. Inilagay niya ang paa ko sa tuhod niya at hinilot.

" a-aray.. Dahan dahan lang" sabi ko ng matumbok niya yung masakit na part.

"Masakit?" He asked and i nodded.

He continue massaging my feet then put the salonpas. Medyo nawala na yung sakit.

"Stay here. Ako nalang ang mamimili" sabi niya.

"Ayoko. Ang boring dito. Sasama nalang ako"  i said tsaka tumayo.

"Eh paano yang paa mo?" He asked.

"Kaya ko na naman eh" sabi ko at nagsimulang maglakad. 

"Tss. Why so stubborn? Antayin mo ko dito. Sandali lang" bilin niya at biglang umalis. San naman kaya ang punta non?

Nag antay lang ako ng ilang sandali at dumating narin na may dalang cart. Yung pang-grocery na tinutulak.

"Para san yan? Onti lang naman ang bibilhin natin ah ,dapat yung basket nalang ang kinuha mo" sabi ko sa kanya at tinuro yung patong patong na basket.

"Tsk. Sakay." Sabi niya na ipinagtaka ko.

"Ako? *turo sa sarili* sasakay??? Dyan? *turo sa carti said and he nodded.

"No way!" Sigaw ko. Kaloka naman to ba! Kasya ba ko dun? Alam kong di ako katangkaran pero di rin ako maliit.

"Sasakay ka o maiiwan ka dito? Choose." He said.

Ayokong maiwan dito. Ayoko ko ring sumakay sa cart. Hayyss

Tumungtong ako bangko. Sabay sigaw ng DARNA!!! Char hahaha. Tumungtong ako sa bangko tas pinalapit ko yung cart at sumakay.

Kahit nakakahiya, sumakay ako. Kesa naman maiwan ako. Tsaka look on the brighter side. Hindi na ko maglalakad at mahihirapan. Wahaaahaha......

TO BE CONTINUED......

A/N: May part two pa po! Medyo mahaba kasi eh. Kaya hinati ko. Thank you for reading. Please vote,follow and comment.


Inlove With A FamousWhere stories live. Discover now