12.

732 36 18
                                    

#FreshEyesTB

~

"Hmm?" Tumingin siya sa akin at itinigil muna ang pag-aayos ng noodles.

"Ano---"

Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang mag-ring yung phone niya. Sinagot niya naman 'to sa harapan ko.

"Hello?"

"..."

"Yup, I'm not in HK anymore."

"..."

"Oh, bakit nandyan ka pa?"

"..."

"Hindi kita masusundo, wala ako sa Manila." Sino naman kaya 'to? Bakit nagpapasundo sa kanya?

"..."

"Nasa Cavite ako."

"..."

"Hmmm, really can't make it. Ingat ka na lang pag-uwi. Uso ang uber dyan sa Manila, yun na lang sakyan mo."

"..."

"Bye. Ingat ah."

Then he ended the call.

"Ano nga ulit yun, El?" Tanong niya at saka ibinalik ang phone niya sa bulsa.

"Ah wala, wala. Who's that?" Tanong ko.

"Si Jollina. Nag-night out." He answered.

Tumango na lang ako at inubos yung dala niyang pagkain.


"Malapit na birthday ko, ano gift mo sa akin?" Tanong niya habang nakasandal kami sa headboard ng kama ko. Hawak-hawak niya yung kamay ko at pinaglalaruan niya 'to.

"Luh? Kailangan pa ba nun? Kailan birthday mo?" Pero yung totoo, alam ko naman talaga kung kailan. Gusto ko lang na maasar siya.

"Ha? Hindi mo alam?"

"Hindi e. Kailan ba?"

"Sure ka? Bumati ka kaya last year! May i love you pa nga sa bati mo. Finavorite ko yun!" Pagkukwento niya. Malinaw din naman sa memory ko na binati ko siya at finavorite niya yun.

"Ha? Talaga? May nangyaring ganun? So kailan nga birthday mo?" Pagtatanong ko ulit.

Nakita kong kumunot noo niya at binitawan yung kamay ko. Itinago ko naman yung ngiti ko, buti na lang umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ganyan ka." May pagtatampong saad niya.

"Tinatanong na nga kita para maibili kita ng regalo. Ano ba gusto mo? Shoes? Kaso wag na, bibigyan ka naman ng Titan. Or damit? Kaso... baka di magkasya sayo. Or an---"

"Wag mo na ako regaluhan. Tss." Bigla niyang sabi kaya natigil ako sa pagsasalita.

"Oh? Bakit ka nagtatampo dyan, Jose?" Pa-inosente ko pa din na tanong.

"Nakakainis kasi. Halos lahat nga ng tungkol sa'yo kung di ko ni-research, inaalam ko tapos ikaw, birthday ko lang di mo pa--"

"January 16. January 16, 1997. Ano pa?" I cut him off.

Fresh EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon